9:22 P.M.
Hiro:
Are you ok?
Parang di ka ok kaninang lunch
Tinatanong kita kanina pero you keep saying that you're fine kahit parang hindiNatigilan ako sa kaka-scroll ko sa newsfeed ko sa Twitter nang biglang nag-popup sa screen ko ang notification ng message ni Hiro sa akin. I closed the application right away at saka siya nireplyan.
Whatever that's going on... this needs to be fixed. Pero at the same time ayokong ipaalam sa kaniya na nagselos ako doon kanina.
I just needed to let him know that I'm really okay so he'd stop worrying.
9:23 P.M.
Me:
I'm fine
Bakit naman hindi? HahaHiro:
SorryNagulat ako sa message niya. Nakatingin lang ako sa screen nang ilang segundo dahil hindi ko na alam kung anong sasabihin ko. Did he really just apologize?
Me:
Sorry?
Para saan naman yan?
Ang random mo hahaHiro:
For earlier
Sorry kasi hindi kita masyadong pinansin kanina ☹️
Pwede ba kong bumawi na lang sayo?Me:
Ano ka ba haha ayos lang naman yung kanina
We all have friends naman ehHiro:
But still
Nagtampo ka yata sakin kanina
Bawi na lang ako sa Sabado
Date tayo
Miss na rin kasi kitaMe:
Can I call?
Like now.Hiro:
Hala sorry may ginagawa kasi ako
Sorry ulit. Sa Sabado na lang talaga ako babawi sa lahat lahatMe:
OkHiro:
Sure ka?I sent him a like and as soon as he received it, he sent a voicemail saying 'I love you'. Ginaya ko 'yung ginawa niya at saka nag-iloveyou din sa kaniya through vm.
Matapos niya 'kong replyan ng heart, hindi na siya muling nag-online pa. I also had the urge to study kaya nag-advance reading na lang ako. I just felt bad after knowing that Hiro's been studying a lot lately habang ako naman ay walang may ginagawa.
Days have gone by quickly hanggang sa wakas ay Sabado na nga, ang pinakahinihintay kong araw sa lahat. It's been a while since we last had a date kaya masyado akong na-excite. We agreed to meet at the bus stop. Dala niya na naman ulit ang sasakyan ng uncle niya.
"Binigay na yata sa 'yo iyan, eh," banggit ko habang nakaturo ang daliri ko sa sasakyang kahihinto lang sa harap ko. "Lowkey ka pa."
Mabilis siyang tumanggi. "Hindi 'no. Hinihiram ko lang talaga 'to tuwing may date tayo para 'di hassle."
"Sus," I teased, tapos umupo na 'ko sa front seat. "Saan tayo ngayon?"
"Saan mo gusto?" pabalik niyang tanong.
"Kahit saan. Ikaw bahala."
"Roadtrip?" Ngumiti siya.
"Saan naman kung ganoon?" tanong ko. Aaminin ko, I was excited about that, pero may mga kino-consider din ako. "At saka gagabihin tayo niyan. O baka nga uumagahin."
BINABASA MO ANG
How Are You, My Ex?
Teen FictionHAIST SCHOOL SERIES #1 May mas nakaka-badtrip pa ba sa muling pagkikita niyo ng ex mo na ayaw na ayaw mo na sanang makita?