Ilang beses akong napamura ng kung ano mang murang maalala ko. Kung hindi lang ako understanding enough para isipin ang mga natutulog sa kabilang mga kwarto, malamang nagwala na 'ko dito sa kama.
Tanginang 'to.
Hay, life, bakit ganito?
Seventeen na pala ako. Ang tanda ko na pero bakit ngayon ko lang talagang naalalang birthday ko na pala at talagang si Hiro pa ang pinakaunang nag-greet sa 'kin?! Geez, nababaliw na yata ako.
Napabangon ako sa kama at umikot ng ilang beses sa kwarto dahil hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Hindi ko talaga masasabing litong-lito ako dahil may halo rin itong excitement. Adrenaline rush, ganoon. I continuously stared at the screen for another three minutes hanggang sa medyo kumalma na ako.
Tumipa na lang ako ng maisasagot.
16 SEP, 12:04 A.M.
Me:
Thank youuuu
sa greetHindi nagtagal at napansin kong may mga circles nang bumubuo sa palibot ng video call button sa upper right corner ng screen ko na isa namang indikasyon na binabasa niya ngayon ang convo namin. Napahigpit ang hawak ko sa cellphone ko.
Pesteng yawa, ba't nga kasi ako kinakabahan?! Hindi na normal 'to!
Ilang segundo ang lumipas at naka-send na rin siya ng reply sa akin. 'Nung una, akala ko mas mabuting magpaalam nalang ako dahil sobrang gabi na kaso sa huli, I still ended up replying... and so did he.
Hiro Figueroa:
Welcome
Ako ba pinakaunang nag greet?
feeling ko oo, eMe:
Ikaw ngaHiro Figueroa:
Pa-blowout ka bukas?
Libre naman janMe:
Di pwede
no money
Gift ko nga pala? Asan?
charotHiro Figueroa:
bukas haha
ayy, charot ko lang din
Seen 12:11 A.M.Sinadya kong hindi muna siya replyan dahil nakuha ng pinapanuod ko ang atensyon ko. The story's starting to get really interesting kaya hindi ko muna pinalagpas iyon. 'Nung natapos ko na ang episode, binuksan ko ulit ang Messenger ko at nagulat nang nakitang online pa rin siya hanggang ngayon. Mas lalo naman akong nagulat 'nung nag-message na naman siya sa 'kin.
16 SEP, 1:08 A.M.
Hiro Figueroa:
Woah gising ka pa rin
tulog na
may pasok pa bukasMe:
ikaw dinHiro Figueroa:
Sanay na ko sa puyat
eh ikaw?
baka himatayin ka na namanBigla kong naalala 'nung last year. Hindi ako nakatulog 'nun dahil nag-cramming ako at sobrang na-pressure dahil may quarterly exams pagkabukas. Kaya ang ending, hinimatay ako sa kalagitnaan ng pagkukuha ko ng test. Dinala ako that time sa clinic. So, mula noon, medyo cautious na 'ko sa pagpupuyat na 'yan lalong-lalo na kapag may pasok pa pagkabukas.
But this time, I really don't feel like sleeping.
Me:
Hindi pa ko inaantok hahaHiro Figueroa:
Kahit na
Ge na, di na ulit ako magrereply
tulog ka na, Astrid
Goodnight 😴
sweet dreams, yiieee
BINABASA MO ANG
How Are You, My Ex?
Teen FictionHAIST SCHOOL SERIES #1 May mas nakaka-badtrip pa ba sa muling pagkikita niyo ng ex mo na ayaw na ayaw mo na sanang makita?