XIV

1.5K 43 9
                                    

'Nung nag-Sabado, nagkita ulit kami ng mga kagrupo ko para maipagpatuloy na namin ang paggawa ng Research proposal na papalapit na ng papalapit ang deadline. Sa bahay na naman ang venue dahil humanda si Mama ng pagkain para sa kanila—iyon na lang daw ang birthday treat ko sa kanila kahit medyo late na.

Kaya ayun, kahit papano, useful naman pala. Naganahan tuloy silang tumulong lalong-lalo na si Kevin. Masyado yata siyang na-energize sa kinaing buttered chicken. Paborito daw kasi iyon ng loko.

"Baka gusto niyo pang kumain, meron pa dito," sabi ni Mama habang nililigpit na niya ang kalat namin sa dining table. Mga baboy kasi kasama ko. Charot. "Hiro, sabihin mo lang sa 'kin kapag may kailangan pa kayo. Okay?"

"Sige po, tita," nakangiting sagot ni Hiro.

Mahina akong napasampal sa sarili. Wow ha, just wow. Napakilala ko na 'yan dati si Hiro 'nung kami pa at alam na rin ni Mama na tapos na kami, pero bakit parang ang close pa rin talaga nilang dalawa? Isa pa 'tong si Hiro. May pa-tita pang nalalaman. Hindi man lang nahiya.

Pero overall, si Mama talaga 'yung concern ko dahil sa sobrang pagka-supportive niya sa lovelife ko. "Manugang" na nga 'yung tawag niya kay Hiro dati. Ganiyan siya ka-weirdo.

"Botong-boto pala si Tita Aya sa 'yo, 'no?" tanong ni Hazel kay Hiro na hindi ko naman sinasadyang marinig kahit na nasa kabilang table sila.

"Hindi naman... slight lang. Mabait lang talaga siya," mahinahong sabi ni Hiro habang tumitipa siya sa laptop ni Hazel. Magkasama kasi sila ngayong gumagawa ng Related Lit. "Panigurado ganiyan din 'yan sa mga magiging jowa ni Astrid sa susunod."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang narinig kong binigkas niya ang pangalan ko. Tawagin niyo na 'kong chismosa, pero wala naman akong magagawa dahil medyo malakas ang mga boses nila kaya dinig na dinig ko sila. Masisisi niyo ba 'ko dun?

"Anong mga magiging jowa sa susunod? Pwede namang ikaw na lang ulit," nakakunot-noong sabi ni Hazel.

"Halata namang ayaw na niya. Kilala ko si Astrid. 'Di siya fan ng second chances."

"Pero, ikaw... gusto mo pa ba sana?"

Natigilan ako. Habang hinihintay ko ang sagot ni Hiro, kinakabahan ako na 'di ko maintindihan. Hindi na ako maka-focus sa ginagawa ko. Nakapatong lang ang dalawa kong kamay sa keyboard at mouse nang hindi gumagalaw.

Napabuntong-hininga siya. "Depende."

"Anong depende? Pwede ba 'yon?"

"Ang dami mong tanong."

"Eh kasi nga, kung gusto mo pa siya, in the first place bakit kayo nag-break? Ulol ka yata, Hiro. Ang weak mo naman pala."

Nakita ko namang pasagot na sana si Hiro pero bago ko pa man marinig ang sabi niya, mabilis akong tumayo sa sofa at pumunta na lang sa kusina para kumuha ng tubig. Parang biglang tumiklop 'yung chismosa-self ko.

My heart was beating so fast. Gusto ko rin naman sanang marinig ang sagot niya pero naisip kong mas mabuti na rin 'yung ganito na wala akong alam. Regardless of what his answer is, ayoko nang mas lumala pa ang confusion ko.

I'm okay... we're both okay.

Pero bakit andami lang talagang mga bagay na nagpapakomplikado sa mga bagay-bagay sa mundo?


* * *

Pagpatak ng alas tres ng hapon, huminto na kami sa kagagawa ng Research at napag-isipang gumala sa kung saan man kami dadalhin ng mga paa namin. Literal na paa lang talaga ang gamit namin dahil wala namang marunong mag-drive sa 'min at napakakuripot ng mga kasama ko dahil ayaw mag-commute. Mabuti lang at merong mall dito na walking distance lang mula sa subdivision.

How Are You, My Ex?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon