VI

1.9K 47 11
                                    

Sa meet-up namin para gumawa kuno ng assignment sa Pre-Cal sa bahay nina Kyra, napagtanto kong may iba't ibang uri ng mga group members kapag merong planadong meet-ups. Sa aming lima, may lima ring uri nito na nakadepende sa personalidad at kontribusyon ng bawat miyembro.

Unang-una sa lahat, ang mala-Mitchie. Sa lahat ng mga miyembro, siya lang ang inaasahan. Siya ang gumagawa ng halos lahat ng gawain. Nagkita nga ang lahat ng mga miyembro para magtulungan sa isang partikular na gawain pero ang ending, siya pa rin mag-isa ang nagsimula at tatapos nito.

Pangalawa, ang tipo ni Ria. Ilang beses nang ipinaliwanag sa kaniya na group work 'to pero wala pa ring may nagawang tulong. Puro chismis lang at panunukso ang lumalabas sa bibig niya. Kahit suhestiyon man lang o kahit anong idea na makakatulong sa paggawa ng assignment ay wala kang matatanggap mula sa kaniya dahil ganiyan ka-walang laman ang utak niya. Kung sa 'kin lang, ito talaga ang pinaka-nakakainis sa lahat.

Pangatlo, 'yung mala-Arielle. Isa pa 'to. May konting ideas nga na kino-contribute pero mas madalas mo siyang makitang lumalamon lang ng lumalamon ng pagkaing hinanda ng may ari ng bahay para sa 'min. 'Pag makita mo 'to, for sure malilito ka kung pumunta ba 'yan dito para sa kapakanan ng assignment o baka naman gusto lang niya talaga ng free food.

Pang-apat, 'yung katulad ni Kyra. Bahay niya ang napagdesisyunang host kaya planadong-planado ang lahat. Kompleto ang pagkain, tapos ang linis pa ng buong parte ng bahay. 'Yung aircon nila sa sala na hindi naman nila usually pinapaandar, ngayon pinaandar na dahil nandito kami. Pero kahit top-notch 'yung accommodation, medyo nakaka-badtrip pa rin dahil cellphone lang niya ang kaharap niya lagi. Scroll dito, pindot dito, chat dito. Ganon.

At panghuli, ako. Wala lang, normal na tao lang. Sa aming lima, ako ang average ng lahat ng ginagawa nila. Gumagamit ako ng phone paminsan-minsan, kumakain din, nagchichismis, pero tumutulong ako hangga't sa makakaya ko dahil alam ko ang purpose ng pagpunta namin dito. All-rounder kumbaga.

Pero ayun nga, I'm the only normal person among the five of us.

"Just spill the beans already, Astrid," maarteng sabi ni Rianna. "Ipaliwanag mo naman kung bakit kayo magkasamang lumabas ni Hiro kagabi."

Alam nila 'yon. Nagulat nga 'ko dahil kahit masyado nang late kagabi 'nung nakalabas kami sa gate, nandoon pa rin sila at hinihintay pa rin ako. Kaya ayun, hanggang ngayon ayaw nila akong tantanan hanggang sa makabigay ako ng sagot na valid para sa kanila.

"Ilang beses ko bang dapat sabihin na may kinuha lang siya sa classroom kaya nagkataong sabay kaming lumabas?"

"Ba't ang tagal niyo?" pabalik niyang tanong. Chismosa talaga as ever.

"Hot seat ba 'to?"

"Hindi, cold seat," pagsisingit ni Kyra sa usapan at sinabayan ito ng isang awkward na tawa. Doon ako naka-come up with the conclusion na hindi siya bagay na mag-joke. As in.

"So, ano na?" Muling nagsalita si Ria.

"Ba't ba sobrang eager ka?"

"Medyo crush ko lang si Hiro tapos friend kita kaya curious ako. Pero ahem, baka iba ang isipin mo. Crush ko 'yon pero crush ko lang siya," pagpapaliwanag niya. Tinaasan ko agad siya ng kilay. Masyado naman atang defensive.

"Selos ka?" Siningkitan ko siya ng mata at biglang napangisi.

She shook her head multiple times. "Big fat no."

"Usong umamin, girl," sambit ni Mitchie na hanggang sa ngayon ay nagsosolve pa rin sa papel niya.

"Wala akong dapat na aminin dito. I'm innocent," aniya na may facial expressions pa with matching actions. Artista. "And Astrid isn't."

How Are You, My Ex?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon