XXXVII

889 25 12
                                    

The whole summer, I spent most of my time on my bed. Nakahiga lang ako—either natutulog o may ginagawa sa laptop o may pinapanuod sa TV. Paminsan-minsan, may gala kami ng barkada. We also agreed to meet up with Ria and the others. Nagulat nga 'ko sa dami ng changes, eh. In a year, ang daming nagbago. Mas naging mature sila lalo.

'Yung kay Hiro naman, we were somehow getting better. Pagkatapos ng classes niya, sinusundo niya minsan ako sa bahay at saka kakain kami sa labas. Nakiki-tag along pa nga minsan si Asher para mag-third wheel sa 'min and I'd think na parang silang dalawa na lang 'yung nagdedate dahil sila naman mostly 'yung nag-uusap kapag magkasama sila.

Also, I tried to be productive this summer kahit konting advance reading lang and such para hindi malimutan ang mga natutunang concepts. Pero at the end of the day, I still end up watching something on Netflix, and that's just not productive. Pero siguro, self first before anything else.

Hanggang sa enrollment na for the second year, first sem.

"Ang tagal nina Kyra at Ari," sabi ko habang palinga-linga dahil hinahanap ng mga mata ko ang mga mukha nila. "Paano 'yan? Baka hahaba na 'yung queue mamaya."

"Gusto mong magkape muna tayo?" paanyaya ni Ford. Magkasama kasi kami 'yon dahil plano talaga naming sabay na lang na magpa-enroll kasama ang dalawang mga bruha. "Malapit lang SB dito."

Umiling ako. Wala ako sa mood na magkape. At isa pa, ayokong magpalibre. Hiyang-hiya na 'ko sa taong 'to. Ilang beses na niya 'kong natulungan.

"Hihintayin ko na lang sila rito," mahina kong sabi. Umupo na lang muna ako sa bench sa bandang gate. Dito ko na lang hihintayin ang dalawa.

Tinabihan ako ni Ford. Mukhang kanselado na ang plano niyang magkape.

"Sorry, wala lang akong ganang mag-kape or frappe," sabi ko.

"You don't have to apologize."

Silence filled the air and I was trying to distract myself by making stories out of anything I see. Paulit-ulit kong tinitignan ang gate dahil sa pagbabakasakaling sina Kyra na ang pumasok.

Pero maya-maya, imbis na sila ang makita ko, iba ang nakasalubong ko.

"Ang gago nina James," medyo inis na sabi ni Hiro. "Ang sabi sabay na tayong magpa-enroll pero nauna na sila dahil may nag-aya sa kanila na nagvavarsity na mag-basketball."

"Na-excite yata ang mga pota," ani Jai, na halatang naiimbyerna na rin dahil sa kagagawan ng mga kaibigan.

For some reasons, I wanted to stand up and run. Parang may kung anong naghuhudyat sa 'kin na mas mabuting hindi na lang nila ako mapansin.

Pero sa huli, nanatili ako sa upuan ko at nadaanan nila kami. They saw us both.

"'Yung jowa mo, par," sambit ni Jai at saka tinapik si Hiro sa balikat. "Bili lang akong Gatorade sa canteen. Kita na lang tayo sa cashier."

Umalis na si Jai at naiwan si Hiro na nakatayong mag-isa. I looked at his face, and he didn't seem fine. Bago pa man tumagal, tinayuan ko na siya at nilapitan.

"Parehas lang pala tayong ghinost ng mga kasabay sanang mag-enroll," I told him. Tumawa pa ako ng konti.

"Wala sina Arielle?"

"Wala. Wala pa, pero baka papunta na rin naman."

"Anong oras kayo matatapos? Sabay na tayong maglunch," sabi niya.

"Baka mamaya pa kami matatapos. Baka siguro kayo rin. I'll see you next time na lang."

He just nodded. Tapos nagpaalam na siyang umalis. I let him do that. Bumalik na rin agad ako sa bench na iniisip pa rin kung ano 'yung nangyari just now.

How Are You, My Ex?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon