IV

2.3K 58 14
                                    

Kinabukasan, pagpasok ko sa classroom sa umaga, lumapit agad ako sa nagtitipon-tipon kong mga classmates sa teacher's table. Na-curious ako sa kung anong meron kaya nagtanong agad ako.

"Guys, anong ganap?"

"May election na daw tayo mamaya para sa classroom officers," sagot ni Michie na halatang mukhang kinakabahan. Hindi ko alam kung bakit pero siguro may kinalaman 'to sa mangyayari mamaya.

"Kinakabahan nga 'yan dahil baka ma-elect. Allergic sa responsibilidad be like," natatawang sabi ni Leo na dating kaklase ni Michie sa dati nilang eskwelahan na isa na rin ngayon sa grupo ng mga new-found friends ni Hiro. "Ikaw din, Astrid. Kabahan ka na. Automatic nang muse ka."

Nagulat ako sa sinabi niya. Anong pinagsasabi nito? Muse? Ako?! Sino bang pinagloloko niya? Hindi naman ako maganda! Mediocre lang ako. Sigurado akong mas maraming magaganda sa section namin.

At isa pa, hindi naman siguro mga siraulo 'tong mga classmates ko na botohin ako if ever na i-nominate ako ng kung sino man diyan na mahilig mang-trip, diba?

"Hala, oo nga 'no," isang panibagong boses ang nagsalita. Napalingon ako sa pintuan at nakitang may nakatayo doon na mukhang kararating lang.

Heto na naman siya. Panibagong araw, panibagong kakulitan at kapahamakan na naman. 'Pag may ganap talagang hindi maganda mamaya dahil sa kaniya, hindi na 'ko magugulat. Siguro nasa nature na niya talaga iyon. Kahapon pa lang kasi nakailang disgrasya na 'ko, eh.

"Tapos alam niyo na kung sino escort natin," mapanukso niyang dagdag at kinindatan pa ang iba naming mga kasama na nakuha rin naman agad kung sino ang tinutukoy niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Pero 'nung nakita kong ang dami palang mukhang suportado sa sinabi niya, sinamaan ko pa lalo ang tingin ko sa kaniya. Kung pwede ko nga lang sana siyang tapunan ng mga kutsilyo at shuriken para magmukha akong cool na ninja, nagawa ko na iyon.

"Sige ka, subukan mo lang. Friendship over na agad tayo," pagbabanta ko. Talagang sineryoso ko pa 'yung mukha ko para maging convincing 'yung sinabi ko. Pero sa totoo lang, hindi naman ako ganoon kababaw na makikipag-FO na agad dahil lang diyan.

Maya-maya'y nagsidatingan na rin ang mga kaklase ko. Alas otso pa naman magsisimula ang klase pero seven thirty pa lang ang dami na nilang nandito. Siguro mga nasa lima na lang ang hindi pa nakakarating.

Tch, sa una lang 'yan. Siyempre first week pa lang ng classes kaya takot pa kaming mahuli sa klase. Panigurado next week ang dami nang late. Just in case you're wondering kung bakit alam na alam ko 'to, it's all based on my past experiences.

May muling bumukas ng pinto ng classroom. Napalingon ako doon at automatic akong napa-irap nang makita ang isang mukha ng demonyo.

"Magandang umaga din sa 'yo, Astrid," sabi niya na nakangisi na naman na kinaiinisan ko talaga ever since. "Ang aga-aga ang taray natin, ah?" mapanukso niyang sambit.

"Ang aga-aga may LQ na agad diyan, ah," pagpaparinig ni Zen na isa rin sa mga tropa ni Hiro. Seryoso, lahat ata sila may mga topak, eh. Kaya pala ang bilis nilang nagkasundo.

Birds of the same feather nga naman.

"Correction, pare. EQ dapat. EQ," pagtatama ni Hiro. Kumunot ang noo ko. Meron ba talagang ganiyan o gawa-gawa lang niya? Hindi ko maintindihan.

"Anong EQ? Diaper 'yon, ah," ani Zen.

"EQ! Hindi mo talaga alam 'yon? Exes' Quarrel ba."

Isang malakas na hiyawan ang umalingawngaw sa buong silid. Sarkastiko akong napatawa. What the hell, ang dami niyang alam! Is he really enjoying this? Ine-enjoy niya ata talaga na ipinagkakalandakan niya sa buong mundo na naging ex niya 'ko.

How Are You, My Ex?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon