XXVI

1K 22 3
                                    

When summer came, na-enjoy ko naman 'yung summer vacation on its first week kasi siyempre, nakakatulog ako ng kahit ilang oras man iyan o kahit tanghali na nagigising. It was also fun—at least for me—watching those series on Netflix. Sa buong isang linggo, nakanuod yata ako ng tatlong series at mga nasa pitong movies na may iba't ibang genre na nagdedepende sa modo ko.

But just like what I had just said, masaya nga at enjoyable 'yung ginagawa ko pero 'yung enjoyment na iyon ay limitado lang sa isang linggo. Nagsawa din pala ako sa lifestyle na buong araw akong nakahiga sa kama sa harap ng screen ng TV o laptop.

Kung hindi lang ako paminsan-minsang niyayaya ni Hiro na lumabas at tumambay, siguro sobrang unproductive na talaga ng summer ko. But because of him, it actually became better and less boring.

Hanggang sa wakas, nagkaroon na rin ng okasyon na nakapagpagising ng natutulog kong adventurous and traveler kind of self. May 27, birthday ng nag-iisang Hiro Figueroa.

"Hindi raw makakasama sina Leo, Michie, and Arielle. Si Leo may family vacay somewhere over the rainbow, si Michie pumunta sa probinsya para bisitahin 'yung lolo niya, and si Arielle ay hindi pinayagang sumama ng strict parents niya," sabi ni Ria na tila bang parang isang manager namin dahil alam na alam ang kwento ng buhay ng bawat isa sa amin.

"Ang konti na lang pala natin," medyo nanlulumong sabi ni Echo. In a split second, parang bigla na namang lumiwanag ang mukha niya. "Pero mas okay ata 'to dahil kapag konti na lang tayo, edi mas malaki 'yung extra sa budget ni Hiro na gagamitin niya rin naman sa 'tin para mas maraming food."

Wow, ha.

Just wow.

Pero sabagay, may point naman siya. That's something that I can't deny. Naniniwala naman ako sa kasabihang the more foods, the merrier.

Habang hinihintay namin na dumating 'yung service na hahatid sa amin pa-Batangas, nagkuwentuhan muna kami sa loob ng McDo at nagkape tutal masyado pa namang maaga. It's just six in the morning at halos trenta minutos na ata kaming naghihintay dito.

When it finally came, we departed immediately. Tito ni Hiro ang sumundo sa amin at ihahatid sa beach resort. Hindi na rin nakasama si Hiro sa amin dahil nauna na siyang pumunta doon kasama ang mama at ang dalawang pinsan niya kuno.

The ride was really long; samahan pa ng traffic na talaga namang nakaka-trigger dahil hindi namin inexpect 'to. I mean—it's really early, you know. Tapos ang traffic na. Siguro karamihan sa mga 'to Tagaytay ang destinasyon.

Buti na lang talaga mabait 'yung Tito ni Hiro at may sense of humor pa. Kaya ayun, nagkasundo sila nina Zen, Echo, at Joaquinn. Parehas silang mga siraulo. Pa-millennial din kasi 'yung tito niya.

"Paano kayo? Walang shota? Talo pa pala kayo ng pamangkin ko, eh," natatawang sabi ni Tito Danielo, pero sabi niya kahit Dan na lang daw ang itawag namin sa kaniya dahil masyadong pang-matanda 'yung pangalang Danielo.

"Hay nako lang po, may mga nilalandi iyan po sila. Hindi lang pwedeng matawag na shota dahil hindi naman sila official," tunog-chismosang salita ni Ria.

"Talaga? Ang hihina naman kung ganoon. Alam niyo ba kung saan galing ang mga damoves ni Hiro? Sa akin lahat iyon. So baka gusto niyong matuto, sabihin niyo lang dahil marami akong tips sa inyo."

Tapos ayun, iniisa-isa niya ang mga "tips" niya kuno na tinawanan lang naming lahat dahil kahit medyo may point siya, sobrang nakakatawa pa rin talaga.

Hanggang sa hindi na namin namalayang nasa Batangas na pala kami.

Bumaba kami sa parking lot ng resort at dumiretso na sa venue. Sa isang malawak na cottage sa tabi ng dagat, namataan ko agad sina Hiro kasama sina Tita Edna at ang dalawa niyang mga pinsan.

How Are You, My Ex?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon