XXV

1.1K 20 3
                                    

Sa totoo lang, after that day, I'm not quite sure if something had really changed. Hindi ko alam kung meron ba talagang may nagbago sa 'ming dalawa kasi ganoon pa rin naman ang turing namin sa isa't isa. I actually like it better this way—na parang magkabarkada pa rin kami at sobrang close naming dalawa.

'Pag nakita niyong magkasama kaming dalawa, you would really think na magkabarkada lang kami unless na makita niyo 'yung ginagawa niyang kalandian paminsan-minsan. Minsan kasi nagugulat na lang ako 'pag bigla na lang niyang hahawakan ang kamay ko at magrereklamo agad ang mga kaibigan namin dahil "PDA" daw masyado.

Pero seryoso, so far, so good.

And I think it's going to get better.

"Summer na next month. Saan tayo magbabakasyon? Mag-beach kaya tayo?" suhestiyon ni Ria habang kumakain kami sa cafeteria.

"Ang tagal pa. At isa pa, 'wag na lang muna tayong magplano kasi panigurado drawing na naman iyan," bitter kong sabi kasi may point naman talaga ako, diba? Ang dami kayang occurences na nagiging drawing ang mga plano.

"This time, matutuloy na talaga 'to. Promise!"

"So paano kung matutuloy nga tayo? Saan tayo pupunta?"

"La Union or Batangas. Either of those two or pwedeng dalawa na lang para mas masaya."

And me being practical, napaismid agad ako. Ang layo kaya 'nun tapos panigurado gagastos din kami ng malaki. Okay naman sa 'kin na mag-commute pero siyempre mas maganda pa rin kapag may service kami for convenience. And then the biggest obstacle is probably getting the consent of our parents.

"Hindi matutuloy iyan, trust me," sabi ko.

"Matutuloy 'to. Just believe! Have faith! Trust!"

"Nope," I said, popping the 'p'.

"Sino ba 'yung may mga birthday sa summer? Para may sponsor tayo kasi for sure, matutuloy na talaga 'to this time."

"Si Hiro! Diba May 27 siya?" biglang sabi ni Kyra na siya namang nagpabuhay ng loob ng mga kasama kong sabik na sabik nang mag-outing.

"Ayun naman pala, eh! Tanungin na agad natin siya mamaya!"

Napailing na lang ako. There's really no use being against these four people. Kapag gusto nila, gusto talaga nila. Sobrang mafu-frustrate ka na lang talaga sa persistency nila.

Pagkatapos naming kumain ng lunch, bumalik na kami sa classroom. Saktong papasok na kami nang bigla naming nakasalubong si Hiro na mukhang kaaakyat lang din pero sa kabilang stairs lang ng building dumaan kaya hindi namin siya nakasabay.

Nakita ko ang mga reaksyon sa mukha nina Ria na gusto na agad nilang kuwentuhan si Hiro tungkol sa mga napag-usapan namin kanina kaya mabilis kong hinigit ang kamay niya at saka ako tumakbo. Nagpati-anod lang siya hanggang sa nasa pinakadulo na kami ng building which is at least four rooms away from our previous location. Ayos na 'to. Hindi na rin naman sila susunod.

"Ganiyan mo na talaga ako ka-miss? Nagkita naman tayo kanina, ah?" nakangisi niyang tanong habang nakasandal sa malamig na pader na nasa likuran niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi pa rin talaga nawawala ang pagka-feelingero nito, 'no? Mas lalo lang na lumalala.

"Wow, tiger-look," sabi pa niya. "Anong problema, babe?"

Nanlaki ang mga mata ko. I'm used to the fact na may topak talaga siya and a huge narcissist pero hindi pa rin talaga ako sanay sa pagka-corny and cheesy niya lalong-lalo na sa mga kalandian niya!

"Anong babe? Siraulo ka ba? Ganiyan ka na ba talaga ka-corny? Yuck!" sunod-sunod kong atas sa kaniya nang hindi man lang kayang diretsong tumingin sa mga mata niya dahil ramdam kong namumula na ang magkabila kong pisngi.

How Are You, My Ex?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon