XXIX

888 21 8
                                    

Ganoon pa rin naman ang takbo ng buhay. Medyo smooth, pero may mga panahon talagang nakaka-imbyerna tulad ng mga pagkakataong nagkakasabay ang mga school works namin kaya tambak kami sa mga gawain. But nevertheless, nakayanan pa rin naman. Iyon nga lang, after the storm kumbaga, kahit may sunshine na, ramdam pa rin ang pagod.

Tulad ngayon.

Katatapos lang ng exams namin for the first grading. Expectation ng lahat na makakalabas na agad kami at makakagala as a stress-reliever. Pero 'yung ending, sa classroom na lang muna kami nag-stay at natulog sa mga desks namin dahil sa sobrang kakapuyat sa pag-aaral.

Pagkagising, doon na namin napag-isipang kumain sa labas. Tamang McDo lang for a meal and a few desserts.

"Okay, we're supposed to be having fun now pero ang baba pa rin ng energy natin," sabi ni Mitchie at saka sumubo ng ice cream. "We're so drained."

"Damn, right." Napabuntong-hininga ako. Parang ang nega talaga ng vibe namin, eh. Mukha kaming mga namatayan.

Ramdam na ramdam ko pa rin ang kapaguran sa buo kong katawan. I spent four hours studying Calculus and it was unpleasant. Sobrang sakit sa ulo. Ang mga mata ko naman ay parang ang bigat. My limbs, too. Gusto ko na lang talagang matulog pero mamaya na lang.

"Ganito na lang. Hindi pa naman natin 'to napag-usapan, diba? Lantaran kaya tayo ng future plans or courses?" suhestiyon ni Echo. Tumango ako. I actually like the idea at may high hopes ako na baka ito na ang makaka-revive sa namatay naming hype.

"Sige ba... pagandahan tayo ng plano pero dapat realistic."

Kaya ayun. We were like silent for a minute. I'm pretty sure na nag-brainstorm muna kaming lahat. When that time passed, nagsimula nang mag-share si Leo.

"Pagka-college ko... gusto kong kumuha ng kurso na Forensic Science," aniya. Literal na nanlaki ang mga mata ko at ganoon din ang reaksyon ng halos lahat sa amin. "Oh, ba't parang nakakita kayo ng multo?"

Okay, wow. Just wow.

"Forensic? What? Pupunta ka sa mga crime scenes and then work with detectives or prosecutors? Ganoon?"

"Parang ganoon na nga. Interesting, eh."

Speaking of interesting, akala ko talaga magiging businesswoman ako sa pagtanda ko. Bata pa lang ako, na-fascinate na 'ko ng mga negosyo na 'yan. Pero 'nung lumaki naman ako, parang gusto ko na lang palang mag-MedTech. I found it really interesting, and that's what brought me to pursue STEM.

Sinabi ko iyon sa kanila at nagulat na lang ako dahil biglang nag-apir sa akin sina Kyra at Arielle. Ganoon din daw ang kukunin nila so baka magiging classmates pa rin kami until college. Kahit nga ako ay nagulat din dahil sa tuwing tinatanong ko sila noon kung anong gusto nila someday, either engineering or biology ang sagot nila. But now it's totally different and I guess they've changed their minds.

"Pharma ako," sabi ni Ria.

"I'll take civil engineering," sabi naman ni Mitchie. Nag-apir pa nga sina Waks at Zenji sa kaniya dahil same course sila na kukunin. "But peace yo, ayokong maging classmates kayo dahil baka hindi ako maka-focus dahil sa ingay niyo."

"Ay, harsh!" ani Zenji sa pambabara sa kaniya. Napahawak pa nga siya sa dibdib niya na kunwari ang sakit talaga. Ang OA nga, eh.

Tapos sina Jio at Echo naman ay may parehong gustong course. Architecture daw ang gusto nila. Actually wala namang problema dahil napansin kong ang galing nila parehong mag-drawing. Mabuti ngang ganiyan ang kurso nila para someday may didisenyo na ng bahay ko for free. Hopefully.

How Are You, My Ex?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon