Pagka-Biyernes, maaga kaming pumunta sa school dahil exactly seven daw magsisimula ang parade ng mga teams dala-dala ang mga banners. Ito ang pinakaunang event ng Foundation Day ng Westbridge kaya hindi kami pwedeng ma-late. Sa loob ng campus lang naman kami iikot pero dahil sa lawak nito ay iisipin mong parang nasa isang subdivision ka na rin iikot. No joke.
Marami pang mga parte ng campus ang hindi ko pa napupuntahan—mostly 'yung mga nasa college department na. Narinig ko rin na ang ang dami pang mga buildings dito kaya kahit papano, na-eexcite akong mag-parade.
"Seryoso? Mag-paparade tayo nang ganito kainit?" reklamo ni Jio na halatang naiirita na. Hinubad niya ang eyeglasses niya at pinunasan ang mga namumuong pawis sa mukha niya.
Naku, 'pag ang isang laging tahimik na misteryosong lalaki na talaga ang magrereklamo, ibig sabihin 'nun seryosong naiirita na siya. 'Yung tipong minsan na nga lang siyang magsalita tapos reklamo pa.
Kaso tama naman kasi siya. Ang aga-aga pa nga lang tapos ang init na. Hindi ko ma-imagine kung gaano ka-haggard ang magiging kalabasan ng mukha ko mamaya pagkatapos ng parade. Wish us luck nalang.
"May payong naman kayo, diba?"
"Hindi raw pwede."
"Bale, magtitiis talaga tayo? Wow, ha."
Kahit ano pa 'yung irereklamo namin, it still won't change the fact that it's a requirement for us to join the parade. Maya-maya ay nagsimula na nga ito at hindi pa kami nakalimang minuto nang unti-unti nang tumutulo ang pawis sa gilid ng ulo ko. Nanlalagkit na rin ang balat ko sa braso.
Thirty minutes later, ang lala ng sitwasyon ko. Napatingin ako kina Leina. Halatang nahihirapan at napapagod na sila lalong-lalo na si Jio. Akala ko pa naman ma-eenjoy ko 'to. Epal talaga 'tong init as always.
"Hala, mukhang nahihirapan na rin si Ate Lyra," nag-aalalang sabi ni Leina nang nakita niya ang muse namin na hinahawakan ang banner ng team namin.
"Pero 'yung muse ng Team Amethyst, looking fresh pa rin," sabi ng isa sa mga seniors na kasama namin sa grupo. May tinuro siya kaya napatingin agad ako sa direksiyong iyon. "Nakakaselos beauty 'nun," dagdag pa nito.
Team Amethyst daw. Ibig sabihin, grupo nina Ria at Hiro 'yun which also means na si Amber ang muse na pinag-uusapan nila.
Well, maganda nga talaga si Amber. Hindi siya maputi, katamtaman lang, kaya hindi mo masasabing maganda lang siya dahil maputi siya. Parang may something lang talaga sa kaniya na bigla ka na lang na ma-aattract.
Hindi na 'ko magugulat kung biglang manligaw si Hiro sa kaniya. Bagay sila in terms of their visuals. Hindi lang ako sure kung bagay din sila if we base on their personalities. Ang ingay-ingay kasi ni Hiro tapos ang hinhin naman ni Amber. Hindi ko alam kung mas umiiral dito ang sinasabi nilang opposites attract o baka naman mas mabuti pa rin 'yung dapat parehas sila ng personality para mas magkaintindihan sila.
May naramdaman akong may sumisindot sa tagiliran ko kaya agad naman akong napa-react. May kiliti pa naman ako diyan.
"Anong trip mo, Jio?" Inirapan ko siya. Pansin ko lang ha, medyo nagiging close na rin 'tong si Jio sa amin. May pasindot-sindot pang nalalaman.
"Ex mo 'yun, diba?" Tinuro niya si Hiro na sobrang layo ng distansya mula sa amin. I'm surprised na namukhaan niya pa 'yon. Akala ko pa naman sirang-sira na ang mata niya. "Bagay sila ni ano."
BINABASA MO ANG
How Are You, My Ex?
Teen FictionHAIST SCHOOL SERIES #1 May mas nakaka-badtrip pa ba sa muling pagkikita niyo ng ex mo na ayaw na ayaw mo na sanang makita?