Alas siyete pa lang 'nung naisipan kong umuwi na lang sa bahay. Hindi pa tapos ang buong okasyon dahil may mga pageants pa and such na hindi pa natatapos pero napag-isipan kong hindi na rin naman siguro ako mag-eenjoy kaya umuwi na lang ako para magpahinga.
When Monday came, back to regular classes na naman kami so that means that we're back at it again with the usual stressful school lives. Binigyan agad kami ng napakaraming mga seatworks at projects with matching deadlines. Ang sama nila. Pagkatapos ng isang buong linggo na puro physical activities, sinurpresa agad nila kami ng sandamakmak na anything academic-related.
Akala ko pa naman noong una blessing sa amin 'yung Foundation Day. Hindi namin inakalang pagkatapos nun ay magdudusa naman pala agad kami. Edi sana wala na lang ganoon.
"Yay, sa wakas, last subject na..." matamlay na sabi ni Mitchie habang papunta na kami sa Research room sa pinakadulo ng building ng STEM.
"Too early to celebrate. Research kaya 'yan. Baka mas mahihirapan tayo."
Ganiyan naman kasi lagi. Iyan lagi ang pinaka-nakakastress na subject dahil diyan nakasalalay kung gagraduate ba kami o hindi. That's why everybody hates this. Ang daming galit dito pero hindi pa rin pwedeng pabayaan.
Pagdating naman namin sa room, isang tupperware agad ang bumungad sa amin sa teacher's table sa harap na may lamang mga nakarolyong maliliit na papel. Kinabahan agad ako. May kutob ako kung ano ang gagawin dito pero sana mali ako.
Jusko po, 'wag naman sana.
"We're gonna make this quick. I will fairly divide you into groups for your Research so that you can start already," nakataas na kilay na sabi ni Ma'am Tayona.
Muntik na 'kong napatawa sa iconic pose niya with her sobrang nipis na kilay na halos hindi na makita ng mga mata at nangangailangan pa ng microscope para makita. But then I realized na hindi pa pala ito 'yung oras para maging masaya.
Pinaliwanag niya sa amin na pangalan naming mga estudyante ang nasa lalagyanang iyon at siya mismo ang bubunot ng kung sinong mga estudyante ang mga magkakasama sa grupo. Kinabahan ako. Dati pa lang talaga takot na 'ko kapag ang tadhana na mismo ang magdedesisyon para sa lahat. Lagi kasi akong minamalas kapag ganoon.
"I don't want to hear any of your complaints with regards sa mga magiging kasama niyo. Kahit sino pa 'yan, learn to adjust. Kapag hindi ka marunong 'nun, feel free to approach me and automatic kang mag-iindividual. Understood?"
Sumagot na lang ang lahat ng oo. Pinagmasdan ko isa-isa ang mga mukha nila. Kinakabahan din naman sila—obvious masyado sa facial expressions.
Pinakamalaking issue naman kasi talaga pagdating sa groupings ang mga members. We all wanted the group with ideal members. Dapat may mga responsable at matalino. Dahil kapag puro kayo mga tamad at iresponsable sa grupo, goodbye graduation na lang talaga. May mga cases din na mas mabuting mag-individual kaso siguradong mapapagastos ka talaga ng malaki—so that's a no.
May seven groups with five members each. Nagsimula nang bumunot si Ma'am hanggang sa nakabuo na ng tatlong grupo. Mas lalo akong kinakabahan sa paglipas ng bawat segundo dahil hindi pa rin natatawag ang pangalan ko.
"Okay, now with the group four." Bumunot na siya ng limang papel mula sa lalagyanan. "Severo, Alcasid, Figueroa, Don Ruiz, Alejano."
Napaubo ako nang di sa oras. Minulat ko lalo ang mga mata ko at kumurap ng ilang beses para malaman ko kung totoo ngang nangyayari 'to o isang hallucination lang. Ilang beses kong ginawa iyon pero wala pa rin talagang may bumabago sa paligid ko. I looked around and I could feel almost everybody's stares at me.
BINABASA MO ANG
How Are You, My Ex?
Teen FictionHAIST SCHOOL SERIES #1 May mas nakaka-badtrip pa ba sa muling pagkikita niyo ng ex mo na ayaw na ayaw mo na sanang makita?