XXIV

1.2K 25 6
                                    

"Seryoso ka talaga?" Maraming beses silang kumurap habang hinihintay ang sagot ko.

"Mukha ba 'kong nag-jojoke? At kung oo, bakit naman ako bibiro ng ganito?" pabalik kong tanong with matching nakataas na kilay at may kasama pang halukipkip.

"Pero totoo nga?! Nanliligaw na si the Hiro Figueroa sa 'yo?!"

Tinakpan ko agad ang bibig ni Ria gamit ang palad ko. I know it's a given fact, pero ang ingay kasi niya talaga! Nakatambay kami sa Seven Eleven sa harap ng uni at malay mo naman at baka may makakarinig sa amin na mga chismosa. Mahirap na.

And yes, the story behind this is quite simple.

Pagkatapos nung moment that certain lunch time last week na may sinabing nakakamatay si Hiro sa akin, literal na nakanganga lang ako habang hinihintay na magsink-in sa utak ko ang mga kakaibang kaganapan sa buhay ni Astrid Alejano. Sobrang awkward ko that time pero sa hindi ko maintindihang dahilan, naging okay din naman agad kami later on ni Hiro—na as in, wala na talagang awkward shit between us.

Up until now, we're okay naman. Actually, masyado nga kaming okay to the point na napansin na ng mga kaibigan ko na may something sa amin kaya ako nahantong sa hot seat na 'to. And thus, the questions and the shocked reactions.

"Oo nga! Paulit-ulit tayo, Lola? Masyado mong pinapahalata na tumatanda ka na, eh!" Bahagya ko siyang inirapan. "At isa pa, ikaw kasi, pakihinaan mo naman minsan iyang volume ng boses mo."

Napabuntong-hininga siya na ka-level na 'yung Mariana Trench sa lalim nito. "Sino ba naman kasi ang hindi magugulat sa shocking news mo?"

Nagkibit lang silang lahat ng balikat. Nung hindi na ulit nag-ingay si Rianna, bumalik na naman kami sa parte ng buhay ko na feeling ko isa akong artista na nasa isang talkshow dahil sa mga katanungang binabato sa 'kin ng mga girl versions ni Tito Boy.

"Since when?"

Ako naman 'tong si ayaw-nang-umarte, sumagot na lang agad ako para wala nang pilitan na magaganap.

"Last week pa."

"Ba't ngayon mo lang naisipang ikwento sa amin? Don't get us wrong, we respect your privacy and every aspect of it, pero ayun nga, bakit ngayon lang?"

Kumunot ang noo ko. Well, that was quick. Ang bilis ng paglitaw ng contradiction.

"Ngayon lang dahil ngayon niyo lang din napansin and yes, privacy."

"Pero wow," namamanghang sabi ni Kyra na nakatingala sa kisame na parang nananaginip ng gising. "Isn't it actually amazing? I mean—hindi naman uncommon 'yung nagkakabalikan na mag-ex pero iba pala talaga 'yung feeling na may ka-close kang naka-experience din ng ganito and you were there to witness everything."

Napailing ako ng ilang beses lalong-lalo na nung nakita kong parang kumikinang na ang mga mata niya. Napaisip na lang tuloy ako kung bakit ang OA ng mga kaibigan ko. But for extra information, I'm actually fine with it... sometimes—obviously not always.

"Correction lang, ha. Walang kami. So technically, hindi kami nagkabalikan."

"Hindi pa kayo nagkabalikan," pagtatama niya. "Pero ang dali lang namang ayusin niyan. Darating din naman kayo diyan eventually. If not now, edi soon."

"Hindi naman ako nagmamadali."

"Yeah, right. But it's now clear na gusto niyo ang isa't isa. Hiro's courting you which means that he's ready to commit. Ikaw na lang 'yung hinihintay kung kailan ka na ba ready for commitment," seryosong sabi ni Mitchie. Halos sabay kaming lahat na napalingon sa kaniya. "But please, before you enter the relationship, make sure that the both of you really want it, okay? Para no regrets."

How Are You, My Ex?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon