Hindi rin nagtagal ay sa wakas natapos din ang dalawang buwang pag-torture sa akin ng summer break ngayong taon. Hindi ko masukat kung gaano ako kasaya dahil sa wakas ay balik-eskwela na. Ang weird ko, 'no? I think so, too. Dati kasi sobrang ayokong may pasok. I'm not fond of classes. Ngayon lang talaga ako naging elated na pumasok sa eskwelahan sa buong buhay ko.
I suppose I'm really having progress, then. Epekto na ata 'to ng mga kaibigan ko and I'm happy. Parang gusto kong lagi ko silang nakikita at nakakausap kesa naman puro gadgets lang ang kaharap ko buong araw sa bahay.
And speaking of kita, pagdating ko pa lang sa harap ng bagong classroom namin na three rooms away lang from our previous room, namukhaan ko na agad si Jio na nakatayo sa harap ng dati naming room na may kausap na babae na sa pagkakakilala ko ay walang iba kundi si Celestine na ang babaeng nakapagpabihag ng puso ni Jio!
Scared of ruining the so-called moment, mabilis akong umatras at nagtago sa likod ng tanim na may katangkaran. Ang aga-aga, nagmukha na 'kong tanga. But it's actually better this way kesa namang sirain ko 'yung napapaganda na atang conversation ng dalawa since all-smiles pa naman sila.
Pero wow ha, bilib ako sa dalawang 'to! Celestine really enrolled here in Westbridge para kay Jio. Ang lakas ng epekto ni Kuya Guy kay Ate Girl. Nakakabilib masyado!
"Hoy, anong ginagawa mo diyan?"
Muntikan na 'kong napatalon nang biglang may malalim na boses na bumulong ng limang salitang iyon sa tainga ko. Mabilis akong napatakip sa mga bibig ko dahil sa pagkagulat. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko! I was really nervous back there!
Nung lumingon naman ako sa kararating lang na demonyo, sinamaan ko agad siya ng tingin.
Of course it's none other than Hiro Figueroa. Sino pa ba ang may kakayahang kulitin ako ng ganito ka-effective?
"Ginulat mo 'ko, shet ka!" pabulong kong sigaw. Gusto ko sanang sumigaw talaga ng one hundred percent kaso hindi ko magawa dahil baka marinig nila kami.
"Ano ba kasing—"
"SSHH! Hinaan mo kasi boses mo!"
"Pero bakit nga? And am I really supposed to lower down my—"
"Oo nga! Ang tigas ng ulo!"
Kung pwede ko lang i-head butt ang lalaking 'to, malamang kanina ko pa iyon nagawa. Hindi pa ba niya talaga gets 'yung sitwasyon sa nakikita niya? Sampung metro lang naman ang layo ng dalawa mula sa amin. What are the odds that he actually can't see them?
"Okay, okay," nagsimula na siyang bumulong. "So ano na? Anong meron?"
I looked at him weirdly. Talagang wala siyang alam? "Ayun, oh..." Tinuro ko sina Jio at Celestine na hanggang ngayon ay mukhang sweet na sweet pa rin kahit na kitang-kita ang pagkahiya nila sa isa't isa.
Nakita ko kung paano napa-letter O ang mga bibig ni Hiro, na sapat nang ebidensya na nagulat talaga siya ng bonggang-bongga. He looked like he was gonna say something—probably a comment regarding what he just saw—pero hindi niya na iyon nagawa dahil pinangunahan siya masyado ng pagkagulat.
Ang tagal naming nanatili doon na parang mga stalker na pinapanuod ang bawat galaw nila. Nahinto lang kami nang biglang nag-ring ang bell at pumunta kami sa field para sa flag-raising ceremony. And since may mga new faces kaming magiging kaklase, nakipag-close kami sa kanila.
"Ashli nga pala," sabi ng isang babaeng all-smiles. Ang lawak ng ngiti niya. Una pa lang may kutob na 'kong kasing-sabog 'to ni Rianna. "And then this is Shei." Tinuro niya ang kaibigan niyang katabi niya.
BINABASA MO ANG
How Are You, My Ex?
Teen FictionHAIST SCHOOL SERIES #1 May mas nakaka-badtrip pa ba sa muling pagkikita niyo ng ex mo na ayaw na ayaw mo na sanang makita?