XXXVIII

937 21 0
                                    

"You don't look okay."

Umiling agad ako pagkarinig ko ng mga salita niya. I was trying so hard to look okay but unfortunately, not everyone gets fooled. Lalong-lalo na itong si Ford. It's as if he can see right through me.

"May problema ka ba? Pwede nating pag-usapan kung gusto mong may mapagkukwentuhan. But if you want to keep it all to yourself, I respect that, too," dagdag pa niya.

Hindi ko alam kung bakit pero parang bigla na lang akong naiiyak. Umiinit na naman ang mga mata ko. Siguro'y dahil iyon sa tendency ko na mas naiiyak ako lalo kapag may nag-cocomfort sa akin. Pero sa huli, walang luhang pumatak. Naubos na yata kagabi.

And it's good that I don't get him to see me cry. I don't want to look vulnerable in front of others. At least not now.

"Nag-review kasi ako kagabi," pagdadahilan ko. "Inabot ng madaling-araw kaya namamaga 'tong mga mata ko."

Of course, I was lying.

But it's also partially true.

Iniyakan ko 'yung nangyari. Literal na humagulgol ako pero sinubukan kong i-distract ang sarili ko sa ibang mga bagay para 'di na ako umiyak. Ayoko kasing marinig ako nila Mama at ni Asher. Ayokong malaman nila. Hindi pa ako handa.

Kaya sinubukan kong mag-review sa medyo nahihirapan kong topic sa Chem. Ngunit imbis na ilipat ang atensyon sa iba, mas lalo pa akong naiyak dahil sa mga alaala naming dalawa.

I remembered the times when he used to help me with my Chemistry—back when he still cared.

And it's just fucking painful.

It's painful how he used to care.

It's painful how he couldn't add me to his priorities.

It's excruciating how he left... just like that.

"If you don't want unnecessary attention, wear this," mahinahong sabi ni Ford sa akin sabay abot niya ng tinted niyang sunglasses. I stared at it for a very long time. "Pupunta na tayo sa first class natin."

Sumunod na lang ako. Baka nga alam niyang may totoo talaga akong problema. Sinuot ko ang glasses niya para maitago ang namamaga kong mga mata at saka na kami lumipat ng building. Malayo pa kami pero nakaramdam na agad ako ng labis na kapaguran. Para akong nanghihina. It was as if my knees are being turned into jelly.

At ayun, naiiyak na naman ako.

Tangina naman.

"Geez, what happened to you?" medyo naguguluhang tanong ni Kyra pagkaupo ko sa chair na nasa tabi niya. "Namumutla ka. At teka, para saan ba 'yang sunglasses? Part ba iyan ng outfit?"

She doesn't know yet.

Actually, aside from me and Hiro, no one knows about this whole thing yet.

Sasabihin ko naman sa kanila eventually. Wag lang muna talaga ngayon. I can't tell them this now because it's something that I shouldn't be proud of. Ayokong ipagkalandakan sa mundo na naging tanga ako. At ayokong umiba ang tingin nila kay Hiro. I don't want him to look bad.

See? Kahit hanggang ngayon, I still care a lot about him.

"She's not feeling well." Si Ford ang sumagot para sa akin.

Maya-maya'y dumating na ang prof at nagsimula na siyang mag-lecture. Habang may sinosolve siyang kung ano-ano sa whiteboard, lumilipad na naman ang isip ko. Hindi ako maka-focus. Sobrang lutang ko. I feel like shit!

How Are You, My Ex?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon