IX

1.7K 40 5
                                    

"Astrid, friends lang kami."

Nagulat ako nang biglang may umupo sa tabi ko at sinabi iyon sa mismong tapat ng tenga ko.

Ganito kasi 'yon, kararating lang namin nina Ria at Kyra sa classroom kaya umupo agad ako sa isa sa mga armchairs na nasa harap. Papayuko na sana ako 'nun para makapagpahinga nang bigla na lang naudlot ang lahat nang pumasok si Hiro sa eksena.

Siyempre nagulat ako kasi, duh, sinundan niya ba talaga kami hanggang dito sa classroom para lang sabihan ng ganiyan? At isa pa, ano sa tingin niya ang paki ko sa status nila?

"Anong ginagawa mo rito?" litong-lito kong tanong. Wala kasi akong may maisip na posibleng rason.

My friends and the rest of our classmates inside the room also have their eyes on the both of us. Mga chismoso't chismosa talaga. Parang gusto kong tusukin ang mga mata nila. Mabuti na lang at hindi muna pumasok sa isip nila na tuksuhin kami.

"Kinakausap ka."

"Gago ka ba?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Tinatanong kita ng maayos, eh."

"Bakit? Hindi ba maayos 'yung sagot ko? Ano bang ginagawa ko rito? Siyempre kinakausap ka, diba?"

Napahawak na lang ako sa gilid ng ulo ko. Nakakasakit talaga 'to ng ulo. What a stubborn guy. Paano niya kaya nagagawang maging pilosopo kahit na nakikita niya namang naiinis na ang kinakausap niya?

Sinubukan ko pang kalmahin ang sarili ko. "Pero seryoso, Hiro Figueroa, anong ginagawa mo rito?" pag-uulit ko ng tanong. Nagbabakasakali lang naman ako na baka sagutin niya na 'ko ng tama this time.

"Kinakausap ka nga. Paulit-ulit, Lola Astrid Alejano?"

"Isa," pagbabanta ko.

Naku, 'pag umabot na 'to sa tatlo, mambubugbog talaga ako. Seryoso.

"Ano bang gumusto mong marinig—"

"Dalawa."

Nakita kong medyo nagpanic siya sa pagbibilang ko. Parang gusto kong tumawa dahil hindi naman normally gumaganito si Hiro. Pero bahala na, I'll just save all the laughter for later.

"Ah, heto! Nakaupo sa tabi mo, nakatingin sa 'yo, humihinga—"

"Siraulo," sabi ko at saka ko siya sinuntok ng malakas sa braso. Ginigil ako, eh. "Bakit ka nga kasi rito? Anong ginagawa mo? Ba't mo iniwan si Amber mag-isa dun sa canteen?!"

Halos napasigaw na 'ko sa mga katanungan ko. This time, alam kong mas specific na 'yung tanong ko. Kapag isang kalokohan pa 'yung matatanggap ko mula sa kaniya, kakalbuhin ko na talaga siya. Expert kaya ako sa sabunutan. Bata pa lang ako ilang pinsan ko na ang binunutan ko ng buhok.

Imbis na sumagot na agad, ngumisi pa siya. He's really annoying.

"Nagseselos ba bebe ko?" Ginalaw-galaw pa niya ang magkabilaang kilay niya.

Nandidiri akong tumingin sa kaniya. Napaka-feelingero. Hindi niya ba naiintindihan na mag-ex na kami? No hard feelings na dapat. Bakit ba kasi feeling nito may gusto pa rin ako sa kaniya?

"Wala na 'kong paki sa landian-life mo."

"Talaga ba? Kung ganoon, sige nga, explain mo nga sa 'kin kung bakit ang sama ng tingin mo sa amin ni Amber kanina..." Mas lalong lumapad ang ngisi niya. Ang sarap sampalin ng mukha.

"Masama ba 'yon?" Tinaasan ko siya ng kilay. Kabahan na siya ngayon. Nakaandar na ang taray mode ko.

Hindi naman kasi talaga ako nakatingin ng masama sa kanila kanina. Aminado akong napapasulyap ako minsan pero never akong nag-react ng ganiyan. Ambisyoso lang talaga siya.

How Are You, My Ex?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon