From:
MGA EWAN | WU-SHS
Greetings! I would like to remind you that our first ever reunion after ten years will take place next month. Please don't be late! Also, kindly inform Mrs. Hazel Alcasid-Roces (yes, she's married) if you're not available. See you there, oldies!Literal akong nagpanic nang nabasa ang mensaheng iyon mula sa gc namin noong senior high school. May ginagawa sana ako ngunit dahil dito ay ipinasa ko na lang muna ito sa isa kong kasama.
"Excuse me, I'll have to take this call," sabi ko kahit wala namang may tumatawag sa 'kin. Kasi nga, ako pa ang tatawag.
"Hello, Rianna?" I said to the other line.
"Hello? Busy ako ngayon, girl. Ano ba?"
"Nakita mo ang message sa group chat? 'Yung about sa reunion?"
"Oo naman. Bakit? Makakapunta ka ba? Makakaalis ka kaya diyan sa Germany in such short notice?"
"Gaga! Next week na kaya ako uuwi! Matatapos na 'yung contract ko. Tamang-tama nga, eh. I don't think it's a coincidence."
"Okay, I'll spill. Ako talaga ang nagplano niyan. I knew that you were gonna go home so... I took the chance."
"You sly bitch!" pabiro kong sabi.
"Say whatever you want." Tumawa siya. Narinig ko na naman ang usual wicked laugh niya. "Busy pa 'ko so I'll end this. Ingat ka lagi! See you soon!"
* * *
Sinundo ako ng buong pamilya pagkarating ko ng Pilipinas. Retired na si Papa kaya nasa bahay na lang sila. Asher, on the other hand, is working at a very good company. Nakabili na nga siya ng sarili niyang sasakyan. Bilib din talaga ako sa kaniya.
Bago ang reunion, hindi muna ako nagpakita sa mga ka-batch ko dati. I didn't even inform anyone else aside from Ria. As much as possible, siya lang sana ang nakakaalam. Gusto ko kasing masurpresa ang lahat sa presensya ko. I think everyone thinks that I'm busy. I guess no one anticipates me to come.
And when it was finally time, tangina, inatake ako ng sobrang kaba and at the same time, the overwhelming excitement.
"Susunduin ba kita diyan?" tanong ni Ria nang tinawagan ko siya.
"Hindi na. Magpapahatid na lang siguro ako kay Asher."
"Ah, kay hottie brother mo."
"Gaga! Bata pa 'to! 'Wag ka ngang ano!"
"Ikaw talaga, hindi mabiro. Sige, see you later na lang!"
Pagkababa ko ng sasakyan sa harap ng venue, ramdam na ramdam ko na ang presence nila kahit hindi ko pa sila nakikita. Sa labas ng in-land resort na iyon ay may nakahilerang mga sasakyan tapos ang babago pa. I couldn't help but think kung gaano ka-asensado ang mga taong 'to.
Hindi ko tinanggal ang shades ko. My hair's also shortened. Somehow, I don't want them to recognize me easily.
"Astrid Alejano?" tanong ng taong nasa likuran ko.
What the fuck. Mission failed.
"Oh my gosh, it's you!"
BINABASA MO ANG
How Are You, My Ex?
Teen FictionHAIST SCHOOL SERIES #1 May mas nakaka-badtrip pa ba sa muling pagkikita niyo ng ex mo na ayaw na ayaw mo na sanang makita?