Parang ang bilis lang ng panahon. Natulog lang ako ng isang gabi at pagkagising ko ng umaga, back to school na. Wala naman kasing masyadong ganap sa buhay ko ngayong Christmas break. Pumunta lang kami ng Batangas nung Christmas para bisitahin sina Lola, kumain sa loob ng bahay ng sandamakmak na pagkain nung New Year, tapos wala na. Kung hindi lang dahil sa interference ni Hiro Figueroa, namatay na siguro ako sa sobrang boring ng life ko.
Kasi nga naman, 'yung loko, pagkatapos niyang ma-discharge sa hospital, nagtago na agad sa kwarto niya at tinawagan ako. Nagulat nga ako dun kasi siyempre hindi man lang muna siya nagpahinga. Tapos ayun. Starting that day onwards, halos araw-araw na siyang nakikipag-videocall habang tino-tour ako sa mga pinupuntahan nila.
That pretty much sums up my whole Christmas break. No more, no less.
"Ate, pakikuha na lang pala kay Kuya Hiro 'yung mga hiniram niyang damit ko. Sabi niya dala na niya raw iyon ngayon," sabi ni Asher pagka-drop sa 'kin nina Mama sa harap ng gate ng school.
"As if naman may choice ako," mahina kong sabi sabay irap. "Sige, una na 'ko. Ingat kayo."
Nung humarurot na papalayo ang sasakyan, pumasok na 'ko sa gate at naglakad patungo sa classroom namin. Ewan ko kung bakit pero parang na-eexcite ako ngayon na makita ang mga mukha nila. Ngayon lang ulit ako na-excite pagkatapos ng napaka-boring kong home-cation.
Nasa harap pa lang ako ng building namin, may nakita na agad akong napakapamilyar na katawan ng tao. Nakatalikod pa lang ito pero kilalang-kilala ko na kung sino iyon. The height, the broad shoulders, the butt (which is a weird thing to mention, by the way)—I knew it was just him.
Papangiti na sana ako but when I got a clearer view that he was talking to someone, specifically a girl whom I also happen to know, I flinched.
It was Amber—'yung ka-partner slash muse slash kalandian ni Hiro 'nung nakaraang Foundation Day.
Imbis na magreklamo or whatsoever, lumiko na lang ako at sa kabilang side na dumaan. Ayokong dumaan dun malapit sa kanila, 'no. Baka may marinig pa 'kong pinag-uusapan nila na hindi naman ako interesadong pakinggan at baka makita pa ako ng mokong na 'yon at masira ang moment nila.
Like hello, bagong taon na kaya. It's a fresh start kaya ayokong makasira ng buhay ng iba ng ganito kaaga. Mag-enjoy muna sila. Mamaya na ako manghahasik ng lagim.
Umaakyat pa lang ako sa stairs nang may narinig akong malalakas na mga yapak na mukhang nagmamadaling umakyat. Pagkalingon ko, nagulat ako dahil literal na nasa harap ko na mismo si Hiro. Nakatayo siya sa isang baitan na mas mababa kaysa sa 'kin pero mas lamang pa rin 'yung height niya.
May isang ngiting bumuo sa gilid ng mga labi niya. Ugh, not now, please.
"Akala ko kanina namamalik-mata lang ako," nakangiti niyang sabi. Nanggigil agad ako. Hayop na 'to, sinong nagsabi sa kaniya na pwede siyang ngumiti ngayon? "Ikaw pala talaga 'yung nakita ko."
Imbis na sumagot, inirapan ko lang siya at pumatuloy na sa pag-akyat sa hagdan. Ramdam kong nakasunod siya sa 'kin kaya mas lalo kong binilisan ang paglalakad.
"Uy, anyare sa 'yo?" tanong niya habang sinusubukang maabutan ako. Aware ako na napakahaba ng mga binti niya kaya mabilis siyang maka-catch-up pero patuloy pa rin ako sa kakalayo.
Tanginang 'to, bahala siya sa buhay niya.
At isa pa, ang gago niya. Talagang iniwan niya 'yung isang kinakausap niya dun sa baba? Like duh, lalaki pa ba siya? Never man lang niyang kinonsidera 'yung feelings ng babaeng iyon na halatang may gusto sa kaniya.
Hindi talaga ako observant but with all the tucking-the-hair-behind-the-ear and other body languages na napansin ko kay Amber kanina, sobrang confirmed na 'yung theory ko.
BINABASA MO ANG
How Are You, My Ex?
Teen FictionHAIST SCHOOL SERIES #1 May mas nakaka-badtrip pa ba sa muling pagkikita niyo ng ex mo na ayaw na ayaw mo na sanang makita?