Nakatitig lang ako sa mukha niya nang walang miski isang salitang lumalabas sa bibig ko. Wala akong masabi. Maybe I do really have a lot of things to say to the point na hindi ko na alam kung saan ako magsisimula at kung paano ko iisa-isahin ang lahat ng 'yon.
This night's such a blast. Ang daming nangyari at sari-sari ang emosyon na nararamdaman ko. Maliban sa labis na kaba at pagkagulat ko, nakaramdam din ako ng kaunting kirot sa dibdib ko hindi lang nung nakita ko siyang parang basang sisiw kundi pati na rin sa mga kakabitaw niya lang na mga salita. His confession somehow pains me and it's all because I couldn't immediately give him a proper answer.
Inaamin kong nanlambot ako kanina sa mga sinabi niya. Ramdam ko ang sincerity niya, eh. Parang konting-konti na lang talaga at sasabihin ko nang bibigyan ko na ulit siya ng chance dahil akala ko handa na ulit ako. Pero hindi iyon natuloy when I felt like my senses were back. Natauhan ako.
Natauhan ako na hindi pa pala talaga ako handa.
Takot pa rin pala akong masaktan.
And I don't want to give us a chance if I know that I'm not yet ready for the pain that's ahead of us.
I still need space. I need time. Kailangan ko pa iyon para mas lalo kong maintindihan kung ano ba talagang nararamdaman ko. Aminado naman akong gusto ko pa rin siya kasi parang never naman talaga 'yun nawala, eh. Nabulag lang ako noon dahil nagalit ako sa naging epekto ng break-up namin. Nagalit ako sa kaniya kahit hindi naman dapat.
Pero dati pa naman 'yon. Iiwan ko na lang ang mga alaalang 'yon sa nakaraan. Mas importante ang kasalukuyan.
"Hindi kita pinipilit na bigyan mo na agad ako ng sagot, Astrid. Kung wala, ayos lang sa 'kin. Kung meron, makikinig ako. Pero seryoso, hindi kita minamadali. Hindi naman talaga dapat na minamadali ang mga bagay na 'to," paliwanag niya sa kalagitnaan ng nakakabinging katahimikan. "Bata pa naman tayo."
Oo.
Bata pa naman kami. Marami pa kaming pagdadaanan. Marami pa kaming dapat na matutunan. Hindi bagay na gawing priority ang lovelife na 'yan. Makakahintay naman iyan. We just have to wait for the right time and the right moment.
Kasi nga... true love waits.
"Sorry," nakayuko kong sabi.
Ngumiti siya. "Huwag kang mag-sorry. Parang ang bait mo kapag nagsasabi ka ng ganiyan. Hindi bagay sa 'yo."
Sinamaan ko agad siya ng tingin. Kita mo, nagawa pa niya talaga 'yan sa kalagitnaan ng kaseryosohan.
"Hoy, mabait kaya ako! Sa tingin mo pinuntahan kita sa playground kanina kung masama akong tao?" depensa ko sa sarili.
Imbis na sumagot siya, tinawanan niya lang ako. As in, 'yung hysterical na tawa talaga kaso mahina lang dahil aware naman siya na hindi siya pwedeng mag-ingay dahil mag-aalas dose na.
Nung tumigil na siya sa katatawa, tinignan niya na naman ako sa mata. Feeling ko tuloy ang ganda na ng mga mata ko. Nagiging ambisyosa ako, eh.
Hays, umiiral na naman ang The Hiro-effect.
"Astrid," aniya. Napamura agad ako sa utak ko nung tinawag niya ang pangalan ko gamit ang namamaos niyang boses na sobrang lalim at ang sexy pakinggan.
Sheeeemmmss.
Weakness ko 'yang mga husky voice na iyan, eh! Peste.
BINABASA MO ANG
How Are You, My Ex?
Teen FictionHAIST SCHOOL SERIES #1 May mas nakaka-badtrip pa ba sa muling pagkikita niyo ng ex mo na ayaw na ayaw mo na sanang makita?