XXVII

1K 26 5
                                    

I was still a little bit confused, but I didn't let it ruin my mood. Inenjoy na lang namin ang ilang oras naming nakababad sa tubig. Magaling mag-surf si Zen kaya tinuruan niya kaming lahat kung paano. The boys were the first to ride the waves; habang kami namang mga babae ay nahirapan sa pagbalanse.

Kaya naman 'nung nag-dinner na kami at around seven, kapansin-pansin ang kapaguran na nakaguhit sa mukha naming lahat. Medyo nabuhayan kami ng loob dahil sa mga pagkaing nakahanda para sa amin.

"Anak, napagsabihan ko na ang staff na ihanda ang spot niyo mamaya sa dalampasigan para sa campfire," sabi ni Tita Edna habang kumakain kami. "Anong oras ba kayong mag-cacampfire? After dinner?"

Parang may kung anong nakapagpagising sa akin at nag-restore sa lahat ng enerhiyang nagasta ko sa dagat kanina. Was that right? Campfire? Seryoso? I've always dreamed of this ever since! Matagal ko nang pinangarap na mag-campfire kasama ang mga kaibigan ko. I just can't believe that it's finally happening today!

"Opo, Ma.." sagot ni Hiro. "Pwede pong humingi ng wine? Para kahit papano may iinumin kami mamaya," dagdag pa niya.

"Sure. Si Ate Ali mo ang nag-suggest niyan kanina. Sabi pa nga niya ay dapat may outdoor grilling kayo mamaya. Kompleto na ang lahat. Nakapagpahanda na kami ng meat at saka marshmallows. Kayo na lang ang bahalang luluto niyan mamaya."

Oh my gosh.

Hindi naman ako nananaginip, diba?

Sobrang supportive talaga ng family ni Hiro. Ang cool pa ng mama niya! Ang dami niyang alam na mga pang-millennials na activities!

Dati nakikita ko lang sa newsfeed ko sa Facebook ang mga 'squad goals' kuno na mga pictures habang nag-cacampfire; tapos ngayon we're just a few minutes away from doing that, too.

Pagkatapos naming kumain, we proceeded to the beach front na kung saan nakahanda na ang lahat na mga gagamitin namin. Gusto talaga sana naming sumali si Ate Ali sa campfire namin kaso umuwi na pala siya sa Manila dahil sinundo siya ng boyfriend niya.

"Pakiabot nga ng lighter, Ria!" ani Joaquinn at nang natanggap ito ay agad niyang sinindihan ang nagkumpulang mga piraso ng kahoy. Mabilis lang ang pagkalat ng alab nito hanggang sa tuluyan na nga itong lumaki.

Pabilog kaming nakaupo sa palibot ng apoy. Ang lamig ng simoy ng hangin kaya napalagay ako ng kumot sa aking sarili kahit na gawing upuan sana ang purpose nito. Napayakap ako sa sarili ko habang nagsimula nang maglagay ng wine si Hiro sa mga cups at isa-isa itong binigay sa amin.

Bawal daw kami sa hard liquors, eh. Kaya wine na lang daw. Pero okay pa rin naman.

"Cheers to this matandang lalaking legal na!" sabi ni Zenji at nag-cheers kaming lahat in Japanese, dahil may kasama kaming Hapon dito.

"Wait, why don't we deliver speeches kay Hiro? Isa-isa tayo," suhestiyon ni Kyra. Nanlaki ang mga mata ko dahil sumang-ayon naman ang halos lahat sa kanila maliban lang sa amin ni Jio.

Jio looks like he doesn't wanna do it—probably because he's not accustomed to this. Habang ako naman ay ayaw ding magdeliver ng mensahe para kay Hiro sa harap nila dahil hindi ako komportable. I'd rather talk to him alone...

"Sinong mauuna?" tanong ni Waks.

"Basta huwag si Astrid. She has to be the last but not the least!" ani Ria with much conviction. Binatukan ko agad siya dahil sa tabi ko lang naman siya. Ang dami niyang alam. "Ow! Bakit ba? Tama naman ako, ah!"

"Ewan ko sa 'yo," mahina kong sabi. I doubt she even heard that.

"Ako na nga lang," Zen volunteered. Natahimik kaming lahat. Among everyone, siya 'yung napapansin kong pinaka-closest kay Hiro so far. Close naman talaga silang lahat but there's this sort of great connection between the two of them. "Astrid, may tissue ka diyan? O panyo? Pakihanda na lang just in case na umiyak 'yung jowa mo."

How Are You, My Ex?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon