A week before June, nag-enroll na agad ako kasama sina Arielle at Kyra para sigurado nang magkasama kami sa mga classes. Sumabay din si Hiro sa amin. We attempted to have at least a subject together with him kahit PE na lang kaso hindi kami pinayagan. Hindi ko alam kung bakit.
After we payed for the enrollment fee, nagkayayaan silang gumala kaso hindi kami sumama dahil may plano na talaga kami ni Hiro beforehand. Weird, and maybe it's still way too early, but we already decided to buy our school supplies.
"Sige, mauuna na kami sa inyo. Sorry ha, hindi ako makakasama," sabi ko sa dalawa bago pa man kami nag-disperse.
"No prob," nakangiting sabi ni Arielle. "Quality time muna kayo ng jowa mo bago pa magsimula 'yung classes. Enjoy your time muna together."
"Thanks, ha. Ingat kayo lagi."
"Sige, kayo rin!" Kinindatan nila ako bago silang umalis na dalawa.
The same with us. Pumunta agad kami ng parking lot. May driver's license na si Hiro kaya pinayagan na siyang magdrive. It wasn't his car, though. Hindi pa siya binilhan nina Tita. Apparently, masyado pa raw'ng maaga. Kay Tito niya ang pansamantala niyang ginagamit ngayon.
"MOA tayo?" tanong niya.
"Uy, ang layo."
"Malapit lang iyan. May sasakyan naman."
"Traffic mamaya kapag gagabihin tayo."
"Ayos lang." Ngumiti siya. "Kasama mo naman ako. Hindi ka naman siguro mababagot sa kalagitnaan ng traffic."
Mahina ko siyang tinampal sa braso. This guy surely knows what he's saying. "Hays, bahala ka. Your choice."
He shrugged and just drove the car off. Medyo tahimik kami sa umpisa ngunit nag-ingay din naman kami nang pinaandar na niya ang radio. Nag-sing-a-long kami and I'm not exaggerating when I tell you na sobrang ingay talaga namin. Pakiramdam ko nga eh dinig na kami ng mga nasa labas. I just hope not.
"Wala ka sa tono, Astrid! Ano ba iyan!" natatawa niyang sabi.
Ako naman na todo defensive, siyempre dinepensahan ko talaga sarili ko. "Nag-sesecond voice kasi ako kaya may slight na changes!"
"Di, wala talaga. Sintunado talaga!"
"Hala—"
Natigilan kaming dalawa nang biglang bumusina ang sasakyang nasa likuran namin. Shoot, bumerde na pala ang traffic light!
Medyo nagpanic siya kaya natawa ako. Literal na tinawanan ko siya mula sa insidenteng iyon hanggang sa tuluyan na kaming nakarating ng MOA. Matapos naming maghanap ng bakanteng parking space, sa National Bookstore na agad kami pumunta.
Todo lagay lang ako sa cart na bitbit ko. Cattleya notes, folders, limang G-Tec na ballpen, at kung ano ano pa. Kumuha rin ako ng isang set ng pastel-colored highlighters para ganado akong mag-aral.
"Eto, sticky notes," aniya at may inabot na ilang stack sa akin tapos iba-iba pa 'yung colors. "Para 'di mo makalimutan ang mga bagay na hindi mo dapat kalimutan."
I squinted at him. "May pinagdadaanan ka?" I jokingly asked. Hindi naman lagi humuhugot 'to. Kakapanibago lang.
"May pinagdadaanan na agad?"
"Edi wala."
Saktong dumaan kami sa isle na may mga coloring materials kaya dumampot ako ng isang set ng watercolor at tatlong paintbrushes na iba-iba ang size ng strokes.
BINABASA MO ANG
How Are You, My Ex?
Teen FictionHAIST SCHOOL SERIES #1 May mas nakaka-badtrip pa ba sa muling pagkikita niyo ng ex mo na ayaw na ayaw mo na sanang makita?