XXX

891 26 0
                                    

Sabi nila, a girl on her debut must feel like a real princess. Kailangan daw dapat bongga ang gown at ang gara ng venue na parang isa na ring palasyo. But me? I've always liked simpler things. Mas na-aappreciate ko 'yung mga simple lang kaysa engrande.

My parents asked me if they wanted me to celebrate my debut in a hotel. Pero siyempre, I refused. Gusto ko kasi simple lang. Kung pwede lang na i-limit ko na lang iyon sa dinner and wine, iyon na lang sana ang choice ko. But they insisted on giving me a party, so we had one na lang.

It was held in a resort in Antipolo. We stayed there for two days kasama ang mga kaibigan ko at relatives. Hindi lang iyon isang ordinaryong resort kaya marami kaming nagawa. Maliban sa swimming, umikot kami sa buong lugar—na sobrang nakakapagod—na kung saan marami silang mga magagandang pwedeng mapagkuhanan ng pictures na Instagram-worthy. Na-enjoy din namin ang hanging bridge kahit sigaw lang kami ng sigaw sa bawat pag-ugoy nito.

At siyempre, the view from above was really fascinating lalong-lalo na kapag gabi. Below, you can clearly see how busy the city is. The blinking city lights are attention-seeking and satisfying. Sobrang ganda.

The stars, too.

Damn.

"Alam niyo, parang katulad siguro ng Starry Night ni Van Gogh ang magagawa natin kapag pininta natin ang nakikita natin ngayon."

Iyon ang sabi ni Mitchie habang nakatingala kaming lahat sa kalangitan na kung saan makikita ang napakaraming mga bituing nagniningning habang nakaupo kami sa damuhan. I'm not even trying to exaggerate. Sadyang ang ganda at ang dami lang talaga ng mga bituin ngayon.

At tama siya.

What we see now kind of resembles what Van Gogh's eyes could see when he was painting his most promising work—The Starry Night.

It's freaking amazing.

"Hustisya naman sa mga hindi talented sa arts," biglang angal ni Hiro na tinawanan lang naming lahat. "Mala-Starry Night para sa mga artist diyan. Paano naman sa aming mga gwapo lang pero hindi talented?"

Naku.

Ang hangin, ha.

Woooooh.

"Oo nga, bro. Tama ka diyan. Mga future architect lang ang makakagawa niyan," sabi ni Zen at gusto pa sanang mag-apir kay Hiro pero hindi natuloy.

"Gago, kaya niyo rin 'yang mga civil engineer!"

Nag-debate ang dalawa hanggang sa sumali na rin kami sa kanila. We were just explaining our arguments hanggang sa pumunta na sa kung ano-ano ang usapan namin. Naisipan pa nga naming magpatayo ng sariling village tapos doon kami titirang lahat, eh. Pero siyempre, it's all just a delusion. Sobrang imposible naman 'non.

Huli na lang namin namalayang eleven-thirty na pala. Mahigit tatlong oras din kaming nakaupo sa labas na may kasamang habulan at tagu-taguan. Kung hindi kami nadatnan ng kapatid kong si Asher sa labas ay wala pa sana kaming planong bumalik sa rooms.

"Ano pang ginagawa niyo rito, Kuya Hiro?" pasigaw niyang tanong habang nakasandal sa railings. Medyo malayo kasi ang kinatatayuan niya mula sa amin kaya kailangan pa niyang sumigaw.

Pero wow ha, ang kapal! Halatang mas may pakialam pa siya kay Hiro Figueroa kesa sa sarili niyang ate! Tapos birthday ko pa ngayon! Grabe talaga!

"Botong-boto 'yung kapatid mo sa kaniya to the point na hindi ka na pinapansin," natatawang bulong ni Ria sa tenga ko at ako naman ay naka-pokerface lang habang pinapanuod si Asher na naglalakad papalapit kay Hiro. Nilagpasan nga lang ako ng loko, eh.

How Are You, My Ex?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon