VII

1.7K 37 7
                                    

"Good morning, ex ko!"

Ang aga-aga, may sumulpot na agad para mang-badtrip. Sa totoo lang, ayos lang sana, eh. Okay lang sana kung tawagin niya 'kong ganiyan dahil medyo nasanay na rin naman ako pero sana naman 'yung kapag kaming dalawa lang ang nakikinig o ang iba sa mga classmates namin. Hindi 'yung tulad ng ganitong sitwasyon na ang daming mga taong nakikinig sa paligid.

Ayun tuloy, naagaw na namin ang atensyon ng iba. Hindi pa naman ako komportable kapag alam kong ang daming nakatingin. 'Pag naging isyu 'to, mang-aaway talaga ako.

"Uhaw na uhaw ka na ba talaga sa atensyon, Figueroa?" mataray kong tanong. Tinaasan ko pa siya ng kilay dahil nakangiti lang siya at hindi man lang akong kayang seryusuhin.

Pasalamat na lang siya at mabigat ang dala ko ngayon dahil kapag hindi, malamang nabatukan ko na 'yun. Or worse, baka nasuntok ko pa siya.

Imbis na sumagot siya, nakita kong nahagilap niya ang dala-dala kong malaking paper bag kaya sinubukan niya itong agawin mula sa pagkakahawak ko nang hindi man lang nagsasabi.

"Hoy lalaki, ano bang trip mo?!"

Patuloy pa rin siya sa pag-aagaw 'nun sa akin pero hindi ko siya hinayaang kunin lang iyon ng basta't basta. Sabihin niyo na lang na matigas ang ulo ko pero totoo naman kasi talaga. At kung totoo nga ang hinala kong gusto niya 'kong tulungan sa pagbitbit ng dala ko, pwes I don't need his help. Kaya ko na 'to mag-isa.

Anong tingin niya sa 'kin? Bata?

"Akin na nga 'yan, Astrid. Ako na ang dadala."

Tch, sabi na nga ba, eh.

But still, ayoko pa ring magpatulong. Sobrang lapit na nga namin sa classroom tapos kukunin pa niya sa 'kin? Ano 'yun? Para kunwari mahina talaga ako at pagkakamalan siyang gentleman ng mga babaeng makakakita sa 'min?

Huwag na.

"Kaya ko na nga 'to." Malakas kong hinila ang paper bag kaya napilitan siyang kumalas sa pagkakahawak niya sa strap.

Binilisan ko lalo ang paglalakad ko para makalayo ako sa kaniya. For some reasons, nakakairita talaga siya ngayon. 'Yung tipong nung naramdaman ko pa lang ang presensya niya kanina, kumulo na agad ang dugo ko. I'm really not feeling well today. Dulot ata 'to ng pesteng regla ko.

"Sungit," rinig kong bulong niya. On a daily basis, panigurado sumagot pa 'ko. Kaso iba ngayon, eh. Mas gusto ko na lang talagang manatiling tahimik kaysa namang humaba pa ang pakikipagbangayan ko sa kaniya.

Dumiretso na lang ako sa classroom. Nakahinga ako ng maluwag dahil konti pa lang naman ang mga taong nasa loob. Wala pang masyadong ingay kaya less stress. Nilapag ko ang paper bag sa sahig at yumuko muna ako sa desk ko.

Hays, ba't ba kasi parang stressed ako sa buhay ko ngayon?

Ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Pwede pa naman akong matulog for fifteen minutes para kahit papano, makaka-relax ako at maaayos 'tong modo ko. Kinokonsensya na rin kasi ako sa pakikitungo ko kay Hiro kanina. Alam kong tinarayan ko siya at alam kong hindi tama 'yon.

How I reacted earlier... I knew it was childish.

Maya-maya'y nakaramdam ako ng ilang sunod-sunod na malalakas na pagyugyog sa balikat ko. Dahil sa halong kaba at panic, mabilis kong inangat ang ulo ko na bahagyang nagpahilo sa akin. 'Nung tumingin naman ako sa likuran ko para malaman kung sino ang gumising sa akin, mukha agad ni Arielle ang nakita ko.

How Are You, My Ex?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon