'Nung second day, sobrang nagmamadali talaga akong mag-lunch time dahil nga sa plano namin na magkita ni Hiro. Good thing, the time didn't feel like slowing down unlike 'nung dati na pakiramdam ko bumabagal ito sa tuwing nagmamadali ako. Kaya naman pagkatapos ng mga classes ko, halos tumakbo na agad ako papuntang caf.
"Hinay lang." Natigilan ako sa pagtatakbo nang narinig ang boses na iyon mula sa bandang likuran ko. Pagkalingon ko, I guess I wasn't that surprised anymore. I knew it has him. "Na-miss kita."
I saw him spread his arms and he slowly approached me. His stance looked like he was about to hug me kaya mabilis akong lumiko at umilag. Duh, bago pa lang kaya ako rito! Ayoko lang na mag-PDA sa harap ng maraming tao! Ang hirap ma-expose.
"Hala, ayaw akong yakapin," aniya tapos nag-puppy face siya. Nagpapa-cute na naman ang loko as if nagtatampo siya. Hmp! "Na-miss ko lang naman bebe ko, eh."
Seriously though, imbis na kiligin ako, ewan ko kung bakit parang trip ko yatang awayin siya ngayon. He's somehow nakakagigil... yet he's fucking adorable kaya konting distansya na lang muna tayo. Baka kasi mapa-hug ako sa kaniya nang 'di sa oras.
Well, I mean I can hug him for hours.
'Wag lang talaga dito.
Kaya 'yung ginawa ko, I reached for his hand at kinaladkad siya hanggang sa nakabili na kami ng food at nakahanap ng mauupuan malapit sa bleachers. Wala kasing masyadong tao roon at malamig ang simoy ng hangin kaya mas relaxing ang environment. Gusto ko lang talaga na solohin siya ngayon dahil baka matatagalan na naman bago kami magkita ulit.
"Musta ka na?" tanong niya sa akin.
"Okay lang. Second day pa lang naman ngayon. So far, so good," sabi ko at nag-thumbs up pa. I just hope lang talaga na ganito na lang muna sana ang pacing ng college life ko. I still don't want to struggle hard. Pa-onti onti lang sana muna. "Ikaw? Musta?"
He shrugged. "Ayun, kahapon pa lang ginising na kami sa katotohanang hindi biro 'yung kurso namin."
Nanlaki ang mga mata ko. "Teka, anong ibig mong sabihin?"
"Lectures agad tapos meron 'dun na nagpa-check up test. Puro chem. Nasagutan ko naman lahat pero nagulat lang ako."
I just didn't know how to react. Siguro normal lang 'to sa iba, but for me, it's something else. Wala man lang bang introduction or some sort of calm before the storm? Talagang diniretso na sila sa bagyo, ah. And come to think of it, he's even alone. Wala siyang kasama. Wala pa siyang kakilala. Did he really get through all of it?
Ito na talaga 'yung mga panahong mapapa-sana lahat na lang ako.
Sobrang impressed talaga ako sa kaniya.
"Kumusta naman social life mo? May bagong friends ka na?" tanong ko pa.
"Siguro, oo. Meron nga doon na parang sina Zen lang. Meron ding tomboy. Teka, ano ba pangalan 'nun... ah, si Jai."
My left eyebrow slightly raised. Tomboy? Talaga? Hmp. Babae pa rin 'yan. Delikado pa rin.
Pero teka, ano na naman bang iniisip ko?! Erase! Erase!
"Close kayo?"
"Nino?"
"Ni Jai."
Kumunot ang noo niyang tumingin sa akin. Binitawan niya ang hawak niyang kubyertos bago siya napaisip sa hangin. Approximately three seconds later, may gumuhit nang ngisi sa mga labi niya.
"Bakit? Nagseselos ka?"
What the hell?
"Huh? Selos? Ba't ako magseselos?"
BINABASA MO ANG
How Are You, My Ex?
Teen FictionHAIST SCHOOL SERIES #1 May mas nakaka-badtrip pa ba sa muling pagkikita niyo ng ex mo na ayaw na ayaw mo na sanang makita?