Pagkagising ko ng umaga, kumain na agad ako at uminom ng gamot. Hindi na rin naman ako nilalagnat which is really a miracle, pero medyo sinisipon na lang ako kaya uminom na lang ako just to be sure. Hindi na ako naligo. Nag-half bath lang ako at saka nagbihis bago ako nag-send ng message sa mga may planong bisitahin si Hiro.
Apparently, susunduin na lang daw nila ako rito sa bahay dahil kumuha na sila ng taxi. Nakapagpaalam na rin naman ako kay Mama kaya lumabas na agad ako para abangan ang pagdating nila.
Mga sampung minuto ang hinintay ko bago may humintong isang malaking puting taxi sa harap ko. Alam ko na agad na sila iyon kaya pumasok na 'ko sa sasakyan. Nang nasa loob na ako, napansin kong kompleto na pala kami. Nasa likod nga lang sina Joaquinn at Zen dahil hindi sapat ang espasyo sa passenger seat para sa aming lahat.
Napakatahimik ng sasakyan. Tanging ang mahinang musika lang na galing sa stereo ang maririnig. Akala ko magiging ganito na katahimik ang buong biyahe pero hindi pala. Nabasag ang katahimikan nang biglang nagsalita si Ria.
"So... ano na, Astrid? Parehas kayong nagkasakit ni Hiro at the same time. Coincidence? I think not," aniya. Tinignan ko agad ang reaksyon niya at pati na rin ng iba. Nakatingin silang lahat sa akin at magkaparehas silang halatang gustong makarinig ng sagot mula sa akin.
Alam kong hindi ko pwedeng i-deny 'to. Wala na rin naman akong maisip na convincing na palusot. Ayokong magsinungaling sa kanila. Alam na nilang magkasama kaming nagpa-ulan kaso hindi nila alam ang buong istorya. For sure gusto nilang malaman iyon. Unfortunately, I'm not yet in the best mood to share it with them.
"Huwag na muna ngayon. Sa susunod na lang kapag feeling ko, okay na 'ko," sabi ko.
Wala nang may nagsalita ulit pagkatapos nun. Hindi na nila ako pinilit and I truly appreciate them for that.
Pagdating namin sa ospital, nagtanong agad kami kung saan ang lokasyon ng private room ni Hiro. Binigyan kami ng directions ng nurse na nakabantay sa desk at pagkatapos nun ay hinanap na namin ang kwarto niya.
"Guys! Dito na!" tawag ni Waks at tinuro ang isang pinto na sa gilid nito ay may nakadikit na number ng room. Iyon na nga ang room niya. No doubt.
Kakatok na sana kami nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mukha ng isang babaeng sa unang tingin mo pa lang ay masasabi mo nang siya ang ina ni Hiro. Ang dami nilang pagkakapareho when it comes to their facial features. Binati agad namin siya.
Isang ngiti ang gumuhit sa gilid ng mga labi niya. We all smiled back. Halos kinilabutan ako nang nakita kong huminto ang tingin niya sa akin.
"Sige, pasok na muna kayo. Sigurado akong matutuwa si Hiro kapag nakita niya kayo," mahinahon niyang sabi. Ang bait talaga ng nanay niya.
Naunang pumasok ang mga kasama ko habang sinadya ko namang magpahuli para magkaroon ako ng opportunity na makausap si Tita Edna ng masinsinan. Gusto ko rin sanang mag-sorry dahil responsable ako somehow sa kung paano nangyari ang lahat ng 'to.
She looked me and flashed a smile again. "May kinuwento si Hiro sa 'kin. Sabi pa nga niya baka sisihin mo raw ang sarili mo."
Napayuko ako and at the same time, nanlaki rin ang mga mata ko. Kinuwento niya talaga 'yon sa mama niya? To what extent? Gaano kaya ka-detailed ang sinabi niya?
"Huwag kang mag-alala, hija. Wala ka namang kasalanan. Choice niya 'yun, eh. Ginusto niya iyon kaya bahala siyang tumiis dito sa ospital nang ilang araw na hindi nagagamit ang computer niya," aniya at tumawa pa siya sa huli.
Parang nag-fangirl na 'ko internally. Bakit ang cool ni Tita na binubully pa 'yung may sakit niyang anak?! At bakit sobrang bait niya talaga?!
BINABASA MO ANG
How Are You, My Ex?
Teen FictionHAIST SCHOOL SERIES #1 May mas nakaka-badtrip pa ba sa muling pagkikita niyo ng ex mo na ayaw na ayaw mo na sanang makita?