XVIII

1.4K 30 9
                                    

Mas naging busy kami ni Hazel kumpara sa iba naming kaklase. Actually, meron ding dalawang pares na umulit parehas sa amin kaya hindi kami nakaramdam ng loneliness o ano. May kasabay naman kami, eh. Stress lang talaga ang tanging niraramdam namin since hindi lang naman 'tong Research ang pinagkakaabalahan namin. May other subjects pa.

So far, so good. Maganda ang progress namin. Within two weeks, natapos na namin from chapters one to three. Konting edit nalang. Ang bilis namin dahil hindi na kami nag-robotics. Gagawa pa rin kami ng device but it doesn't involve programming anymore which makes it a lot easier. At least for us.

Kaya nung nag-Christmas Party na at wala nang pasok pagkabukas, sobrang saya namin. It's finally time to say goodbye to damn stress.

"Alam niyo, hindi ko gets kung bakit tayo nandito sa canteen eh ang dami namang foods dun sa classroom," ani Ria habang nginunguya ang kinakain niyang hotdog. Talagang nagrereklamo pa siya when in fact bumili din naman siya rito.

"Naks, edi sorry!" sabi ko. "Nag-crave na naman ako ng donuts, eh. Cravings are supposed to be satisfied, you know. They are not to be neglected." Nag-flip hair pa ako dahil feeling ko ang cool ko dun sa sinabi ko.

"Wow, big word," aniya. "Pero seryoso, hindi ka ba talaga nasasawa diyan sa kinakain mo? Puro ka lang strawberry-filled. Try mo kaya ibang flavors? Marami namang mas masarap, eh."

"Kaya nga favorite ang tawag, diba? Kasi loyal ako sa flavor na 'to since ewan."

"Tch, ang adik mo. Kaya pala sobrang saya mo 'nung binigyan ka ni Hiro ng isang dosenang strawberry-filled 'nung birthday mo."

Bigla akong binilaukan. Nag-panic na 'ko to the point na kahit ang lapit lang ng bottled water, hindi ko pa rin ito maabot. Si Ria pa ang kumuha nito para sa akin na agad ko rin namang ininom.

I sighed in relief. "Woah, thanks."

"Ikaw, ha..." She squinted her eyes at me. "Binanggit ko lang ang pangalan ng the Hiro Figueroa, napa-life or death situation ka na agad. What's the meaning of this, Astrid Alejano? Umiiral pa rin ba ang the Hiro-effect?" aniya with matching feelings pa. Feel na feel niya masyado ang pagka-chismosa niya.

Saktong naubos ko na ang isang donut kaya pinakyaw ko na ang huling piraso. "Ang OA mo. 'Tsaka anong Hiro-effect ang pinagsasabi mo diyan? Saang eskinita mo naman napulot 'yan?"

Inirapan niya 'ko na inexpect ko namang matanggap ko mula sa kaniya. "Duh, siyempre gawa-gawa ko lang para may katawagan na kami sa mga napapansin naming suspicious reactions mo sa tuwing may mga nangyayari na kung saan related si Hiro in any possible way... tulad ngayon."

Nagulat ako slight sa sinabi niya. Akalain mo 'yon, may dinagdag pa talaga siyang isang pang-chismosang terminology sa vocabulary niya at napaka-observant niya sa mga actions ko. Dalawa lang naman ang future niya: either maging isang pulis o isang professional chismosa.

But there's really something that caught my attention, though. Tama ba ang pagkakarinig ko? Did she just say "kami"? Edi pinag-chichismisan pala ako?

"Anong kami ang ibig mong sabihin, Ria?"

Kumunot ang noo niya na parang hindi pa niya una naintindihan ang ibig kong sabihin pero nakuha din naman niya agad. "Kami. Kami as in kami. Arielle, Kyra, Mitchie, at ako."

"Seryoso?" Natigilan siya sa ginagawa niya at napatingin sa 'kin. Nagdalawang-isip pa 'ko kung itatanong ko pa 'to pero sa huli, nanaig pa rin ang kagustuhan kong makarinig ng sagot sa katanungan ko. "Napapansin niyo... 'yon?"

How Are You, My Ex?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon