"Alam mo, hanggang ngayon, I still can't believe it!" kuwento ni Ria habang sabay kaming naglalakad papunta sa cafeteria dahil lunch time na. "Sa totoo lang, crush ko na sana siya kaso ex mo 'yon kaya I rather back off," dagdag pa nito.
Kahit kailan talaga ayaw tumikom ng bibig niya, eh. Hindi ba siya nauubusan ng sasabihin o kahit mapagod man lang sa non-stop niyang pagsasalita? Kanina pa niya kasi ako binabatuhan ng sari-saring mga tanong tungkol kay Hiro.
Halata namang naiinis na 'ko pero parang hindi niya talaga maintindihan 'yung sitwasyon.
"Rianna, kung ano man iyang interest mo kay Figueroa, huwag mo na 'kong idamay. Kung gusto mo siya, edi gustuhin mo siya. Ano pa ba ang papel ko dito? Wala na kami, matagal na," seryoso kong sabi. Sakto namang nakarating na kami sa cafeteria at nakahanap agad ng puwesto. "At isa pa, pwede bang huwag na nating pag-usapan 'to?"
For the first time in forever, hindi siya nagsalita. Tahimik lang siyang tumango at nakahinga na rin ako sa wakas nang maluwag.
Sinusubukan ko lang talaga na hindi maalala ang mga nangyari kanina para hindi na sumama 'tong modo ko. Badtrip na badtrip ako kanina. Sobrang galit ako to the point na parang gusto ko na lang umiyak dahil sa frustration ko. But at the same time alam kong hindi ko pwedeng gawin iyon. Hindi ako pwedeng umiyak dito. At least not now.
May mga bagay lang talaga sa buhay na kahit ang hirap isikmura, kailangan pa rin. Even if I badly wanted to shout and cry earlier, I still had to keep it all in. Para rin naman 'to sa sarili ko.
"Sorry nga pala, Astrid," sabi ni Ria sa kalagitnaan ng pagkain namin. "Nawindang lang ako kanina. Hindi ko na naisip na nakakaapekto na pala ako."
Masasabi kong sincere naman 'yung apology niya kaya tinanggap ko na lang iyon. Grudges aren't really my thing. Kapag naiinis ako sa isang tao, nawawala naman agad iyon. Meron nga lang exception to the rule. Obvious na kung sino.
"Sorry ulit ha," aniya.
Kumunot ang noo ko. Ayos na 'ko sa isang sorry. Hindi naman batayan ang dami ng sorry para malaman kung gaano ka-sincere ang isang tao.
"Para saan pa 'yan? Sabing okay na nga."
Umiling siya. "Hindi. Iba kasi 'to. Diba sabi mo ayaw mo nang pag-usapan si Hiro?"
Tumango ako sabay sabing, "Oo nga. Ano naman ngayon?"
Halatang nagdalawang-isip pa siya pero tinuloy niya rin naman agad ang pakay niya. Unti-unti niyang inangat ang daliri niya at may tinuro sa bandang likuran ko.
Napalingon agad ako. Isang katawan ng demonyo ang nakita ko mula sa 'di kalayuan. May mga kasama pa siyang mga new-found friends niya at umupo sila sa table na siguro mga apat na mesa ang layo mula sa amin.
"Ah, 'yan ang tinutukoy mo?" tanong ko kahit na alam ko naman ang sagot.
"Oo," pagkukumpirma niya.
Hindi na ako nagdalawang-isip. Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. Nakita kong nagulat si Ria at nais pa sanang pigilan ako pero wala nang may makapagpapigil pa sa 'kin. Buong-buo na ang desisyon ko. Wala na 'kong paki sa magiging reaksyon ng mga kasama niya. Tao lang din naman sila.
"Huy, Astrid! Saan ka—"
Hindi ko na siya hinayaang tapusin pa ang dapat niyang sabihin. "I got this."
Naglakad ako papalapit sa table nila. Na-iimagine ko na nga ang sarili ko na para bang isang matapang na bida sa isang Korean drama. Malapit na ako nang nakita kong may nakapansin sa akin na isa sa mga kasama niya sa table. At dahil doon, sa isang iglap, nakatingin na silang lima sa akin ng mga kasama niya.
BINABASA MO ANG
How Are You, My Ex?
Teen FictionHAIST SCHOOL SERIES #1 May mas nakaka-badtrip pa ba sa muling pagkikita niyo ng ex mo na ayaw na ayaw mo na sanang makita?