"Here are the results from the test that you took last week. The total number of items is seventy, and the highest score is 64."
Shocks.
Sixty-four?!
Sixty-four 'yung highest?! Kung sino man ang pinagpalang taong iyon sa test namin sa Calculus, edi siya na talaga! Sobrang kinakabahan na nga ako kasi baka hindi na ako umabot sa passing score, eh. I mean—may alam naman ako sa subject and I can understand most of our lessons, pero kapag may time kasi, masyado akong na-pepressure so I often screw up.
"Okay. Now here's your paper... Mr. Figueroa."
Ay, holy mother of penguin.
Figueroa?
As in, Hiro freaking Figueroa?! 'Yung jowa ko?!
Nagkatinginan kami ng squad. Halos lahat sa amin ay mukhang mga nakakita ng multo dahil doon. We all know and have noticed that Hiro's excelling in class lately, pero never talagang sumagi sa utak namin na he'd get a higher score than Mitchie or those who are usually at the top. He's... he's just remarkable.
He's so full of surprises.
Tangina, ang talino.
Ganito din 'yun sa Chemisty, eh. Ang tataas ng mga scores niya. I guess he's been studying a lot talaga. Makikita ko naman 'yon sa tuwing nag-uusap kami both in personal and via internet. May mga panahong nag-chachat kami and he would just excuse himself to study. May malaki talagang difference between his habits from the previous years and now.
"Anong sekreto mo?" pabulong kong tanong sa kaniya nang sa wakas ay nagkatabi na rin kami sa paglalakad papuntang cafeteria. He just looked at me na para bang na-weweirduhan siya sa inaasta ko.
"Wala. I'm just me."
Napabuntong-hininga ako. "Pero seryoso, ano nga? Pahingi naman ako ng tips kung paanong maging masipag na mag-aaral katulad mo."
This time, tinaasan na niya ako ng kilay. Napahinto pa nga siya sa paglalakad kaya huminto na rin ako. Curious lang kasi ako as to why he's doing all these. I want to know if there's a specific reason dahil hindi naman siya ganito dati.
Don't get me wrong, but I do like this positive change in his way of life. Masaya ako sa mga achievements niya ngayon pero at the same time I deserve to know naman kung anong dahilan, diba?
"Wala. Nag-aral lang ako."
"Huh? That's all?"
"Oo. Na-bored lang ako isang araw tapos sinubukan kong mag-aral nang seryoso."
"And hence, the high scores?"
Hinihintay ko lang ang sagot niya nang bigla siyang tumingin sa mga mata ko. Nagkatinginan kami ng ilang segundo. Sa mga panahong iyon ay hinanap ko ang usual playful look sa mga mata niya pero wala akong may nahanap. Hindi ako sigurado, pero parang pain ata 'yung nakita ko.
Tumindig ang mga balahibo ko.
Jusko po, ano na?
"Do you doubt me, Astrid?"
Kinilabutan ako.
Sinasabi sa akin ng mga titig niya na nasasaktan siya habang narinig ko naman sa boses niya ang tinig ng pagkadismaya.
You're such an asshole, Astrid.
Umatras ako ng ilang beses habang hinahayaan ko ang sarili kong lamunin ng sarili kong konsensya. I need this. Kailangan ko ring magpalamon minsan para matuto ako sa mga kamalian ko.
But is there really a problem with this? May problema ba kung curious lang ako? What if I just want to be enlightened? Is there really something wrong with that?
BINABASA MO ANG
How Are You, My Ex?
Teen FictionHAIST SCHOOL SERIES #1 May mas nakaka-badtrip pa ba sa muling pagkikita niyo ng ex mo na ayaw na ayaw mo na sanang makita?