"Sino iyong humatid sa 'yo, 'nak?" tanong ni Mama sa akin.
Bahagya pa nga lang akong naka-recover mula sa shock na nakuha ko doon sa biyahe, iyon na agad ang mga salitang narinig ko. Feeling ko wala pa 'ko sa tamang pag-iisip ngayon kaya parang hindi pa ako makaisip ng convincing na palusot sa tanong niya.
Well, pwede ko namang sabihing classmate ko iyon—without any specific name—o isa sa mga Lunch Buddies ko pero alam ko namang tatanungin pa rin nila ako ng pinaka-exact na pangalan ng tao. Ganiyan sila, eh. Ilang beses nang nangyari sa akin 'to and the best thing to do is just tell them the straight truth.
"Hiro," tipid kong sagot. Hindi ako interesado sa magiging reaksyon nila kaya dumaan na agad ako sa gilid nila at naunang pumasok sa bahay.
"Shit, Ate, si Kuya Hiro?! As in, 'yung Hiro na ex mo?!" rinig kong pasigaw na tanong ng kapatid kong si Asher na isang taon lang na mas bata kaysa sa akin.
Hindi na ako sumagot dahil nga wala ako sa modo pero alam ko namang interesado si Ash dahil sobrang close sila niyan ni Hiro lalong-lalo na noong JHS. Minsan nga naiisip ko nang mas kapatid pa ni Hiro 'yung kapatid ko dahil sa closeness nila. And here's a mind-blowing story, 'nung nag-break kami ng mokong na iyon, sa akin pa talaga nagalit si Asher tapos dun siya kumampe sa isa.
Oh, diba? Amazing.
Pagkatapos kong magbihis, bumaba na ulit ako para kumain kasama ang dalawa. And just as I expected, ako ang ginawa nilang topic habang kumakain.
"Ate, kayo na ba ulit?" pangungulit ni Asher. Kahit na magkaharap kaming nakaupo at may mesang nasa pagitan naming dalawa, tumayo talaga ako para batukan siya.
"Loko ka ba? Hinatid lang, kami na agad? Hindi ba pwedeng nagmamalasakit lang 'yung tao dahil umuulan at wala akong masakyan?"
"Eh, Ate..." he trailed off and I rolled my eyes. "Isn't it called love kung nagmamalasakit 'yung tao sa iyo?"
Napabuntong-hininga ako. Ma-iistress ata ako sa kapatid kong 'to, eh. Ang tigas ng ulo. Ang daming alam. Akala mo naman ang tagal na niyang namuhay sa mundo.
"Ano ba kasing alam mo sa pag-ibig, Ash? Ang bata-bata mo pa. Mag-aral ka na lang muna."
"Ate, grade ten na 'ko. Diba grade ten kayo 'nung naging kayo ni Kuya Hiro?"
Holy mother of penguin, kailan pa natutong gumanito 'tong kapatid ko?! Kung hindi lang kami nasa harap ng pagkain ngayon, malamang nagre-wrestling na kami nito at sisiguraduhin ko talagang madudurog ang mukha niya sa sobrang pagkagigil ko.
Nagkasagutan pa kaming dalawa pero nahinto na lang iyon nung sabay kaming napalingon kay Mama na parang ang saya-saya lang na tinatawanan kaming dalawa. Isa pa 'to, nag-eenjoy pa siyang nakikitang nag-aaway ang dalawang anak niya. Hindi man lang kami inawat.
"Ma!" sabay kaming napasigaw ni Asher.
Dahil dun, mas lalo lang lumakas ang tawa niya. "Bahala kayo diyan, para kayong mga bata."
Inubos ko na lang ang pagkain ko sa plato at inayos na ang kalat sa mesa. Pagkatapos nun ay pumunta na si Ash sa sala para manuod ng anime sa Netflix na kinababaliwan niya habang ako naman ay naghugas na ng plato dahil ako talaga ang maid namin dito sa bahay.
I was halfway done nang lumapit si Mama sa akin para idagdag sa mga hugasan ang pinag-inuman niyang baso.
"Astrid," tawag niya. Napalingon ako. "Ayokong manghimasok sa kung ano mang meron sa inyo ni Hiro, but if you're confused and you need someone to talk to, nandito lang ako para makinig sa 'yo. Okay, 'nak?"
Napangiti ako. "Okay, Ma."
Just in case lang naman.
* * *
BINABASA MO ANG
How Are You, My Ex?
Teen FictionHAIST SCHOOL SERIES #1 May mas nakaka-badtrip pa ba sa muling pagkikita niyo ng ex mo na ayaw na ayaw mo na sanang makita?