"Hihintayin ko na lang muna na gumising siya. We have a lot of things to talk about," I heard a familiar voice say in the background. Kakagising ko lang at ito agad ang narinig ko sa likuran ng pinto.
"Okay, sure. Salamat nga pala for coming here at sa pagdala ng painkillers. Binilhan mo pa talaga kaming lahat." It was Kate's voice.
Out of curiosity, bumangon agad ako sa kama. Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sobrang bigat nito. Sobrang sakit! Literal na nakalimutan kong napainom pala ako ng marami kagabi to the point na nagka-hangover na 'ko!
See? This is what I was talking about last night! I'm so screwed!
Lumabas ako ng kwarto ng paunti-unti. Bawat galaw ko ay kailangan ko talaga ng may matutukuran dahil kapag wala, sobrang laki ng posibilidad na madapa ako ng di sa oras. Parang umiikot kasi talaga ang mundo ko—I mean I know that the earth rotates and revolves, but still, my head was in a fucking haywire! Nahihilo ako.
"Astrid, ikaw na ba 'yan?" The same voice called. Nang bahagya kong itinaas ang ulo ko para makita kung sino man iyon, parang gusto kong umatras.
Minsan na nga lang kaming nagkikita, in my worst state pa talaga.
"Oh my gosh, you look... broken? Ewan ko ba! Mukha kang sawi!" aniya. Tinakbuhan niya ako at saka inalalayan hanggang sa makaupo ako sa sofa.
"Kasi nga, sawi talaga siya," ani Kyra. Kahit masakit ang ulo ko, nagawa ko pa rin siyang samaan ng tingin. I know Ria too damn well. I know she ain't going to let this slide.
"What do you mean? Anong sawi?" I couldn't fucking answer. "My god, masyado na ba 'kong huli sa lahat? It looks like I missed a lot of—"
"I'd rather shut up. Hayaan mong si Astrid na mismo ang magkuwento."
Lumingon silang lahat sa akin. As in, lahat talaga sila. Nakaupo ako sa pinakagitnang bahagi ng sofa habang sila naman ay nakapaligid sa akin at hinihintay ang pagsasalita ko.
"I'm not in the mood," sabi ko na lang. Aside from the fact that my head feels like hell, ayoko pang magkwento dahil ayaw ko munang maalala ang mga nangyari. The breakup still feels fresh for me no matter how many times I lie to myself saying that it's not.
Tapos ayun, awkward silence. Sobrang tahimik at nanatili pa rin ang mga tingin nila sa akin.
Then I heard a voice from behind. "Luto na 'yung pagkain niyo. Kain na kayo."
Lumipat kami sa dining table habang inaalalayan na naman nila ako. Mukhang ayos pa naman 'yung mga kasama kong uminom kagabi. Ako lang talaga yata ang pinakatinamaan ng alak. Also, Kate's condo is actually pretty huge.
Umupo kami sa mga upuan. Kinapos ng isa kaya pinili na lang na tumayo ni Ford at pinanuod na lang niya kaming kumain.
"Pagkatapos niyan, inumin niyo na ang gamot na binili ni Ria para sa inyo," sabi pa niya which earned him a chuckle from this nosy friend of mine.
"Ford Pelaez, seriously? Ikaw na talaga ang acting-father ng mga wild na 'to?" Tumawa pa siya lalo. "Charot lang 'dun sa part na 'wild'. But if you want, pwede rin."
"It's just simple service for friends. Nagmamalasakit lang, Ria."
"Friends? Alam ko namang crush mo pa rin si Astrid," sambit niya. "Pero, okay. Friends. I'd take that."
Another awkward silence.
Ito talaga 'yung ayaw ko, eh.
BINABASA MO ANG
How Are You, My Ex?
Teen FictionHAIST SCHOOL SERIES #1 May mas nakaka-badtrip pa ba sa muling pagkikita niyo ng ex mo na ayaw na ayaw mo na sanang makita?