Mabilis din naman natapos ang klase. Sabay-sabay kaming mag-ka-kaibigan na lumabas ng school at kating-kati na kaming umuwi. Iba-iba ang direksyon namin pauwi, si Kaesha naman ay laging pumupunta sa bahay ni Zenith bago siya umuwi. Boring daw kasi sa bahay nila at wala silang WiFi. Well, WiFi lang naman habol niya kila Zenith.
So 'to ako ngayon, mag-isa na uuwi ngayon. Hindi naman ako laging mag-isa na umuuwi, minsan pinupuntahan ako ng isa ko pang kaibigan para ihatid lang ako sa bahay at kung may time lang siya para sa 'kin. Busy kasi siya lagi..
"Antena!"
And speaking of kaibigan.. Nakita ko siyang tumatakbo papunta sa 'kin. Siya lang naman ang kaibigan na itinutukoy ko. Siya si Luther Winston, hindi ko lang siya kaibigan, kababata ko rin siya. Siya lang ang tumatawag sa 'kin na Athena pero imbes 'yon ang itawag niya sa 'kin, naging Antena. Isa rin siya sa mga kilala kong sikat na lalaki but.. Sa private school nga lang. Gwapo, matangkad, mabait, singkit, at mayaman. Hindi lang 'yon, basketball player din siya at captain ball din siya sa school nila. Siya ang taong laging nandiyan para sa 'akin tuwing kailangan ko ng sandalan. Hindi ko alam kung bakit ako nagkaroon ng kaibigan na tulad niya. Isang napaka famous na lalaki na nagkaroon ng kaibigan na weird at simpleng babae katulad ko. But the truth is, ang pinaka ayoko sa kanya ang pagiging isang MAHANGIN.
"Lulu!" Lulu ang tawag ko sa kanya. Huminga na muna siya ng malalim bago siya mag-salita. "Sorry kung ngayon lang ako, may pinagawa pa kasi sa 'kin si coach. Tara na, hatid na kita"
"Nako ikaw talaga, wala 'yon. At saka hindi ko rin naman kailangan ng taong maghahatid sa 'kin pauwi"
"Ay sus, sinungaling ka talaga. Ayaw mo 'yon? May gwapong lalaki na kasama ka pauwi?" Oh 'diba! See, ang hangin niya noh. Pakiramdam ko didilim yung ulap at uulan ng malakas. Hays.. "Wow ah! Hangin mo talaga kahit kailan", pahayag ko at naglakad na ako. Daldalan at asaran kami ng asaran hanggang sa makarating na kami sa bahay. Sumalubong agad sa amin si mama at tuwang-tuwa na makita si Lulu. "Oh Lulu, bakit magkasama kayo ni Sara? Huwag mong sabihin na sinamahan mo na naman siya pauwi?"
"A-Ah ganon na nga po.. Pero wala naman po 'yon sa 'kin, malakas 'to sa akin si Antena"
"Ay ganon ba? Nako tara dito pumasok ka at sumabay ka na rin sa amin kumain"
"Wow! Sige po, hindi po ako uurong diyan!" pahayag ni Lulu. Hindi ko pala nasabi 'to, isa rin siyang matakaw na lalaki. Mahilig siyang kumain nang kumain pero kahit na ganon, hindi siya tumataba. Walang nagbabago sa katawan niya kahit na super patay gutom niya, matcho pa rin siya hanggang ngayon.
Pumasok na kami sa bahay. Hindi naman malaki ang bahay namin, sakto lang. At saka kami lang naman dalawa ni mommy na magkasama. Minsan binibisita pa kami dati ni Lulu dito. At minsan din ay dito pa siya natutulog, pero ngayon medyo hindi na. Marami na kasi siyang ginagawa sa ngayon.
Naka handa na ang pagkain sa lamesa. Katabi ko si Lulu at hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa. Kumuha agad siya ng pagkain. Hindi na siya nahihiya pa dahil itinuring na ni mom si Lulu bilang anak. Mabilis din naman kaming natapos at nagpaalam na si Lulu kay mom para umuwi na. Sinamahan ko na si Lulu na lumabas ng bahay.
"Grabe! Busog na busog ako do'n ah!"
"Halata naman, ingat ka sa pag-uwi ah!"
"Maka pag sabi naman 'to ng ingat nihindi pa nga ako nagpapaalam sa'yo", pahayag niya. Natawa naman ako ng kaonte sa sinabi niya. "Share mo lang?"
"Woah.."
Natawa nalang kaming dalawa sa isa't isa. Kalokohan talaga namin eh!
"Uwi na ako.. Promise na talaga 'to, bukas mas aagahan kong sunduin ka. Promise mamatay man yung ipis sa kapitbahay namin." Wika niya habang naka taas pa ang kanyang kaliwang kamay. Idamay ba daw yung ipis sa kapit-bahay nila? Inaano ba ng ipis 'to?
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Teen FictionAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...