Chapter 47 "She's in Big Trouble"

227 15 0
                                    

"Eh pa'no kung sabihin ko na.. Ikaw ang hinihintay ko?"

"A-Ano?"

Natulala ako sa sinabi niya sa 'kin. Hindi ko inaasahan na ako pala ang hinihintay niya. Siguro wala nanan talaga namamagitan sa kanila ni Kayleigh. Pero bakit? May importante ba siyang sasabihin sa 'kin?

"Huwag kang mag-isip ng kung anu-ano diyan. Nag-text kasi sa 'kin si Yasmin na ihatid ka pa-uwi dahil nag-aalala siya sa'yo. Baka daw kasi may gawin na naman sila Kaesha sa'yo." Sinabi pala ni Yasmin sa kanya ang nangyari kanina. Madaldal din pala ang babaeng 'yon. Bakit si Kairos pa? Nakakahiya naman at saka hindi pa naman kami gaano ka-close ni Kai. Sana si Lulu nalang ang sinabihan niya, hindi na sana si Kai.

"By the way, ba't mo pala nasabi na hinihintay ko si Kayleigh?"

"H-Huh? Uhm wala, kalimutan mo na 'yon." Kabado kong sabi at nginitian siya.

"Nagseselos ka ba?" He ask. Jusko bakit naman niya natanong 'yon? Pa'no ko ba 'to sasagutin? Argh!

"A-Ano? 'Di noh! By the way, bakit mo naman pala sinunod ang sinabi sa'yo ni Yasmin na ihatid ako sa bahay?" Pag-iba ko ng topic.

"Hindi ko rin alam.. Siguro dahil mapapasaya ko siya kapag sinunod ko lahat ang gusto niyang ipagawa sa 'kin. At saka nangako ako kay papa na aalagaan ko siya." Ang swerte naman pala ni Yasmin kay Kairos.

"Sana may kuya rin ako tulad mo." Mahinahon kong sabi. Actually gusto ko talaga magkaroon ng kuya dahil gusto ko 'yon maranasan. Gusto ko maranasan na pinoprotektahan ka ng kuya mo at ipinagtatanggol ka sa iba. Tulad ni Kairos..

"Pwede naman akong maging kuya mo rin." Seryosong sabi ni Kairos sa 'kin na ikinagulat ko naman. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi.. Ewan! Pero parang kumirot yung puso ko nang sabihin niya 'yon.

"H-Hindi pwede.." kabado kong sabi sa kanya.

"Bakit naman?"

Dahil gusto kita Kairos..

"H-Hindi ko rin alam.. Huwag ka ng mag-tanong.." Malungkot kong sabi sa kanya.

"Sara?"

Lumingon ako sa likod ni Kairos kung sa'n galing ang boses na tumawag sa pangalan ko.

"Lulu?" Tawag ko kay Lulu nang makita ko siya. Malungkot siyang naka-tingin sa aming dalawa ni Kairos.

May problema ba siya?

"Layuan mo si Sara." Cold niyang sabi. Napa-tingin naman ako kay Kairos at seryoso siyang naka-tingin kay Lulu. Sigurado akong mag-aaway na naman ang dalawang 'to.

"Pa'no kapag sinabi kong ayoko?" Sabi ni Kairos na may halong pang-aasar.

"Sinusubukan mo ba ako?"

"Bakit? Kaya mo ba ako?"

Nag-angasan sila ng mukha sa isa't isa. Inirapan ko nalang silang dalawa at nag-buntong hininga nalang. Niyuko ko ang ulo ko at hinawakan ang noo ko.

Paano ko kaya mapag-aayos ang dalawang 'to?

"Gusto mo ng ice cream Sara?" seryoso niyang tanong.

"Huh?"

Napa-tingin ako kay Lulu at tinuro niya ang nagtitinda ng ice cream, palamig, at halo-halo.

"Halo-halo kaya.. Gusto mo non Sara?" Sabi naman ni Kairos. Tiningnan naman siya ng masama ni Lulu.

Ano ba 'tong dalawa!

"Ah.. Eh.."

"Gaya-gaya.." Sabi ni Lulu at sabay na umalis para bumili ng ice cream. Hindi naman nag-pahuli si Kairos at bumili ng Halo-halo.

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon