Chapter 9 "Fake Friends"

318 17 3
                                    

Paggising ko sa umaga, kumilos ako agad para pumasok sa school. Umpisa palang ng klase, pinapunta na agad ako ni ma'am sa office niya para mag-take ng test. Ito ang parusa ko dahil late akong dumating sa klase niya kahapon. Mag-isa lang ako dito dahil si ma'am ay nasa classroom para mag-turo.

"Argh! Nakakaasar! Hindi pa naman ako nakapag-review kahapon.." sabi ko habang binabatukan ang ulo ko. Nakakainis talaga! Nakalimutan ko 'to kahapon dahil marami akong iniisip. Kagabi naman maaga ako natulog dahil sa sobrang pagod. Patay tayo diyan! Ang sungit pa naman ng teacher namin! Huhuhu!

Wala pa akong nasasagutan kahit ni-isa. Maya maya, biglang nagbukas ang pinto at laking gulat ko na pumasok si Shaun. Anong ginagawa niya dito? Diba dapat nasa classroom siya?

"S-Shaun? A-Anong ginagawa mo dito?" pautal-utal kong tanong.

"Umamin ako kay ma'am na nag-skip ako sa klase niya kaya gusto niya rin na mag-take ako ng test." Umamin siya kay ma'am? Ang honest niya naman.. "Na saan yung mga papel?"

"Uhm.. Na sa table ni ma'am.."

Lumapit siya sa table ni ma'am at kumuha ng isang pirasong papel. Umupo siya sa isang upuan at agad-agad na sumagot sa test. What the --- Bakit parang hindi niya na kailangan pang basahin yung tanong? Kakakuha niya palang ng test pero marami na siyang nasagutan sa ilang segundo.

Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa matapos na siya. Tiningnan ko ang oras at halos limang minuto lang ang tinagal niya sa pag-sagot ng test. Seryoso ba siya?! Ganon ba talaga siya katalino?!

Tumayo siya agad at inilapag sa table ang papel na sinagutan niya. "T-Tapos ka na agad?"

"Ganon na nga.. Ikaw ba?"

"Actually, wala pa akong sagot.." nahihiya kong sabi. Edi ok! Siya na talaga.. Siya na ang pinaka matalino sa klase namin. Grabe! Napahanga niya ako do'n..

Nagtinginan lang kami hanggang sa lumapit siya sa 'akin at.. "A ang sagot sa number 1", laking gulat ko na sabihin niya ang sagot. "Ano pa tinitingin-tingin mo diyan? Dinidikta ko na ang mga sagot, isulat mo nalang.."

"H-Huh? A-Ahh sige", pautal-utal kong sabi. Dire-diretso siya ng sabi ng mga sagot kaya ako naman ay dali-daling isulat ang mga sagot. Natapos na rin ako sa wakas, salamat kay Shaun. "S-Salamat." Hindi niya pinansin ang sinabi ko at agad siyang lumabas sa office. Buti nalang nandito siya para tulungan ako sa mga sagot. Dahil kung hindi, baka ibagsak na ako ni ma'am.

Tumayo na ako para ilapag sa lamesa ni ma'am ang papel ko, pero napansin ko ang papel ni Shaun. Tiningnan ko ang mga sagot sa test ko, ibang-iba kami ng sagot ni Shaun. May iba rin naman na mag-kaparehas pero mas madami na hindi. Sino ba talaga ang tama sa aming dalawa? Bahala na nga.. At least may sagot ako..

Lumabas agad ako ng office ni ma'am pagtapos kong mag-take ng test.

Pumunta na ako sa classroom pero Filipino subject na pala. "Tapos ka ng mag-take ng test mo sa Science?"

"Opo ma'am.."

"Umupo ka na", seryoso niyang sabi. Ibang-iba ang mood ng teacher namin ngayon sa Filipino. Alam kong mabait at palatawa ang teacher namin sa Filipino, pero bakit? Anong nangyari?

Umupo na ako sa upuan ko at hindi ko sinasadya na mapatingin kay Shaun. Tahimik lang siyang naka-upo habang nakikinig ng music sa headset niya.

"Ok class, mayroon tayong pag-uusapan ngayon", sabi niya habang kinukuha ang mga assignments na ginawa namin nung isang araw.

"Bakit karamihan sa inyo ay magkakaparehas ng sagot? Huh? Bakit? Sagutin niyo ako!", inis niyang sabi. Pinaghahagis niya ang mga assignment namin sa sahig. I feel nervous and I don't know what to do. Alam ko na ako ang laging nagpapakopya sa kanila ng mga assignment. Sila Zenith lang ang mga pinapakopya ko pero pinapakopya rin nila ito sa iba pa naming classmates. Anong gagawin ko?

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon