"Si Shaun lang naman ang lalaki na tinutukoy ko at wala ng iba. Oo, gusto ko si Shaun! Kaya ko nagagawa ang mga bagay na 'yon sa'yo dahil sa kanya. Naiinis ako, nagseselos ako, nagagalit ako sa'yo Sara! Kami ni Shaun yung matagal ng mag-kakilala, pero bakit ikaw yung mas naging close sa kanya? Bakit 'di nalang ako?"
Hindi ako makapaniwala na may gusto pala si Kaesha kay Shaun. Iyon din pala ang lahat ng dahilan niya kung bakit niya ako ginagawang pahirapan.
"Ano ka ba naman Sara?! Ano pa bang gusto mong makuha sa 'kin? Ano?!"
"I'm sorry Kaesha"
"What? Sorry? 'Yan lang ba ang gusto mong sabihin ha! At sa tingin mo matatanggap ko pa ang sorry mo!" Pahayag niya habang nagpipigil siya ng galit sa 'kin. Lumapit siya sa 'kin at bigla niya akong pinagtutulak.
"Napakasama mo! Wala kang pakialam sa nararamdaman ng ibang tao! Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo! Maka-sarili ka!" Sabi niya at bigla niya akong tinulak ng malakas. Bigla naman akong napa-sandal sa pader dahil sa ginawa niya. Hindi namin mapigilan na maluha. Gusto ko talaga siyang yakapin pero pinagtutulak niya ako palayo sa kanya. Bigla niya rin akong sinampal ng malakas sa magkabilang pisngi dahilan para mamula ang pisngi ko.
"Alam mo Sara, dapat lang na gawin nila Giezell 'yon sa 'yo! Karapat-dapat lang 'yon sa 'yo!" pahayag niya. Nagpipigil siya ng galit at nagtatangis rin ang mga ngipin niya. Nang tingnan ko siya sa mata, bigla niya akong sinampal sa kaliwang pisngi.
"Huwag mo akong tingnan ng ganyan!"
"Kaesha alam kong malaki ang galit mo sa 'kin at alam kong hindi mo talaga ako mapapatawad, pero please huwag mo naman akong saktan! Huwag naman sa gan'tong paraan!"
"Pinagloloko mo ba ako? Dapat lang kitang saktan! Kulang pa nga 'to eh, sa totoo lang gusto kong mawala ka sa mundong 'to para mawala na rin ang peste sa buhay ko!"
"Kaesha mali 'tong ginagawa mo, mag-isip-isip ka naman! Hindi ikaw 'to!"
"Oo, ako na mali! Ako naman lagi yung mali sa mata ng mga tao! Kasi ikaw yung palaging tama! Ikaw! Ikaw yung bida!"
Bigla niyang hinablot ang buhok ko at sinabunutan ako. Kinalmot niya ako sa kanang pisngi at sinipa ako ng malakas. Hindi ko na kaya ang pananakit sa 'kin ni Kaesha kaya bigla nalang akong napa-luhod sa sahig.
"T-Tama na please! Ayoko na!" pagmamakaawa ko sa kanya pero parang wala siyang narinig. Nanlilisik ang kanyang mga mata. Naka-yukom ang kanyang dalawang kamay na parang balak akong suntukin.
"Kulang pa 'yan Sara.." mahinahon niyang sabi. Tiningnan ko siya ng diretso sa mukha at nakita ko siyang naka-ngiti. Tumingin-tingin siya sa palagid at hanggang sa may nakita siyang malaking bato.
"Kaesha, 'wag mong sabihing.." kabado kong sabi. Naka-tingin lang siya sa bato at mayamaya ay bigla siyang tumawa. Natatakot na ako sa ikinikilos niya at sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Balak niya na ba akong patayin? Pero alam kong hindi magagawa 'yon sa 'kin ni Kaesha. Mabait siyang tao...
Dali-dali niyang kinuha ang malaking bato at pumunta sa harapan ko. "Paalam, Sara." pahayag niya at sabay niyang itinaas ang bato.
Madiin akong napa-pikit at mas lalo pang bumilis ang tibok ng puso ko pero...
"Kaesha?"
Isang malamig na boses ang narinig ko. Pinakiramdaman ko ang paligid. Pakiramdam ko ligtas na ako dahil sa boses na 'yon. Walang iba kun'di si...
"S-Shaun?" Kabadong banggit ni Kaesha sa pangalan niya. Marahan kong iminulat ang mata ko at kita kong naka-tulala sa amin si Shaun. Tiningnan niya ako ng mula ulo hanggang paa at parang biglang naging seryoso ang kanyang mukha.
"Bakit Shaun? Bakit parang ang seryoso naman ng mukha mo..." kalmado niyang sabi na may halong kaba. Ibinaba niya na rin ang bato at pasimpeng itinapon sa gilid.
"We were just having some fun, you know.."
Naka-tingin lang sa kanya si Shaun at ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng paligid namin ni Kaesha. Nanginginig ang paa ni Kaesha sa sobrang kaba at pinagpapawisan na rin siya.
"Fun? You call this fun" Seryoso niyang sabi.
"Oo naman.. Hehehe.."
Lumapit si Shaun kay Kaesha. Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman sa ikinikilos ni Shaun ngayon.
"Pwede ba akong sumali?"
"A-Ano? S-Sorry Shaun pero kaming dalawa lang dapat ni Sara.. Right Sara?" Hindi ako maka-sagot sa tanong niya dahil parang naninikip ang dibdib ko sa pag-sipa sa 'kin ni Kaesha kanina.
"Kung ganon.. Pipilitin ko ang sarili ko.."
"Huh?"
Hinawakan ni Shaun ang kaliwang balikat ni Kaesha. Nagtataka naman si Kaesha sa ikinikilos ni Shaun. Pati rin ako ay naguguluhan sa ikinikilos ngayon ni Shaun.
"Sa lahat ng mga kagaguhan na ginawa mo kay Sara, fun rin ba ang tawag mo do'n?" Bigla niyang diniinan ang pag-hawak niya sa balikat ni Kaesha. Napa-aray nalang si Kaesha at pinipigilan na sumigaw sa sobrang sakit.
"Shaun a-ano ba?! Nasasaktan ako!"
Hindi pinansin ni Shaun ang sinabi ni Kaesha kun'di mas lalo pa niya itong diniinan. Mabilis ni Shaun na dakmain ang bunganga ni Kaesha at inipit 'to ng mahigpit.
Hindi maka-palag si Kaesha kay Shaun dahil mas malakas ito kaysa sa kanya. Pinilit kong maka-tayo at sinubukan na pigilan si Shaun pero hindi ko kaya.
"Shaun tama na! Nasasaktan mo si Kaesha!"
"Sa susunod na saktan mo o lumapit ka ulit sa kanya, hindi na kita kaya pang tiisin. Baka kung ano pang magawa ko sa'yo sa susunod Kaesha, tandaan mo 'to"
Tumango nalang si Kaesha sa kanya. Binitawan na rin naman ni Shaun si Kaesha at tinulak ito palayo sa aming dalawa.
"Kaesha, ayos ka lang ba?" pag-aalala kong tanong sa kanya.
Tiningnan niya lang ako. Hindi niya mapigilan na maluha at parang nagsisisi siya sa ginawa niya. Alam kong galit at lungkot ang nararamdaman ngayon ni Kaesha. Galit dahil sa mga nagawa kong mali. Lungkot dahil kung sino pa ang lalaking minahal niya ng matagal, siya pa yung taong nanakit sa kanya.
"Panalo ka na, Sara.." huling banggit niya bago siya tuluyan na lumisan.
Balak ko pa sana siyang pigilan pero alam kong ipagtutulak niya lang ako palayo sa kanya.
"Are you okay Sara? Nasaktan ka ba?"
Lalapit sana siya sa 'kin pero 'di ko napigilan ang sarili ko na itulak siya palayo sa 'kin.
"Nasaktan? Oo! Nasaktan sa ginawa mo kay Kaesha! Bakit mo 'yon ginawa sa kanya? Sana hinayaan mo nalang kami! Sana 'di mo nalang siya sinaktan! Wala kang karapatan saktan siya dahil kaibigan ko siya!" Inis na sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko 'yon nasabi sa kanya. Basta ang alam ko ay galit na galit ako sa kanya. Alam kong sumosobra na si Kaesha sa mga pinaggagawa niya sa 'kin, pero sana hindi niya nalang sinaktan si kaesha kundi kausapin nalang muna.
"Bakit mo ba 'to ginagawa? Ano bang problema mo?! Bakit mo ba nagagawang ipagtanggol ako sa kanila?!"
"Becuase you're special to me.."
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Teen FictionAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...