Chapter 18 "Handkerchief"

296 12 0
                                    

"I-Ikaw.."

"Are you saying something?"

"What? No.. Nothing.. We're leaving, now." He said then he suddenly walks away. Tiningnan ko na muna ang puno ng ilang segundo bago ako sumunod sa kanya.

Mga ilang minuto kaming nag-lakad bago kami nakarating sa bahay.

"Salamat sa paghatid!" sabi ko pero binalewala lang niya.

Aalis palang sana siya pero pinigilan ko siya.

"Sandali!"

Pumasok ako sa loob ng bahay at dumiretso sa kwarto. Kinuha ko ang panyo na ibinigay sa 'kin ni Nosh. Bumalik ako kay Shaun para ibigay sa kanya ang panyo. Inabot ko 'to sa kanya at natulala lang siya.

"Ibinigay sa 'kin 'to ni Nosh upang ibigay ko rin 'to sa taong gusto kong tulungan. At ikaw 'yon, Shaun.."

Tulala niyang kinuha ang panyo sa 'kin. Tiningnan niya naman ako ng seryoso at ganon din ako.

"Ingat ka", sabi ko.

"Alis na ako.." sabi niya bago siya umalis. Laking gulat ko na sabihin niya 'yon sa 'kin. Ngayon ko lang siya narinig na nag-sabi ng paalam sa 'kin.

Pumasok na ako sa bahay at wala na naman si mama dito. Dumiretso ako sa kwarto para mag-pahinga.

"Ang daming nangyari sa araw na 'to"

Kung dati hindi nagpapaalam sa 'kin si Shaun bago siya umalis, pero ngayon..


〰▪⚜▪☪▪⚜▪〰
⚜〰▪☪▪〰⚜

Maaga ulit akong pumasok sa school. Bigla ko nalang na isip na ilang araw ko na rin hindi nakikita si Kairos. Kumusta kaya siya? Wala na rin akong nababalita tungkol sa kanya. And he has been absent from school for several days ago. Kung alam ko lang sana ang bahay niya baka kahapon ko pa siya pinuntahan. Wala akong pakialam kung pumunta man ako sa bahay nila, ang gusto ko lang ay mangamusta at makita siya.

Wala naman kaming masyadong ginawa ngayong araw na 'to.

Mabilis din naman natapos ang klase. Maaga sana ako uuwi pero inutusan ako ni Kaesha na ako ang mag-linis ngayong araw na 'to. Hindi na ako tumanggi pa dahil baka kung ano pa ang masabi niya sa 'kin.

Habang naglilinis ako, binabantayan nila ako sa bawat kilos ko. Linis ako ng linis at sila naman ay kalat ng kalat kaya hindi ako matapos-tapos sa mga ginagawa ko.

"Ano ba 'yan, ayusin mo nga ang paglilinis mo!" - Kaesha

"Oo nga! Tinuruan ka ba ng nanay mo kung ano ang tamang paglilinis?" - Charlotte

"Ang dyologs mo naman!" - Carla

"Hahaha nakakairita ka" - Zenith

Lagi nila akong sinasabihan at iniinis pero binabalewala ko nalang 'yon.

Inabot ako ng dalawang oras sa paglilinis dahil hindi sila tumitigil sa pagkakalat.

Binaba ko ang walis tambo sa sahig at kinuha ang bag ko. Balak ko na sanang umalis sa classroom pero pinigilan ako ni Kaesha.

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon