Pagtapos kong sabihin sa kanila ang lahat ng 'yon, tulala lang silang naka-tingin sa akin. Lahat ng atensyon ng kaklase namin ay na sa akin. Paano ko ba nasabi 'yon? Ano bang nangyayari sa akin? Bakit parang tumapang ako?
"Tama nga, iba ka na ngayon Sara. Hindi ka na yung dating kaibigan namin, hindi na ikaw si Sara", sabi niya at sabay na lumabas sa classroom.
"Ibang-iba ka na Sahara", sabi ni Zenith.
"Ito pala ang tunay mong ugali", sabi naman ni Carla.
Lumabas din sila sa classroom at sumunod kay Kaesha. Natauhan naman ako sa lahat ng mga sinabi ko sa kanila.
Am I different now?
Nakita ko ang headset ni Shaun sa sahig at pinulot ko 'to. Lumapit ako kay Shaun at ini-abot sa kanya ang headset. Naka-pikit ang kanyang mata at tahimik na nakikinig ng music sa earphone.
"Shaun.."
Pag-mulat ng kanyang mata, dahan-dahan niyang kinuha sa akin ang headset niya. Inilapag niya 'to sa lamesa niya.
"Ako na mag-sosorry para sa mga kaibi--- I mean sa kanila.. At salamat rin.."
"You don't need to be sorry or thankful. I just told them the truth", sabi niya na ngayon ay nakatayo na sa harapan ko. Kinuha niya ang headset niya at saka lumabas na sa classroom.
Why is this happening to me?
〰▪⚜▪☪▪⚜▪〰
⚜〰▪☪▪〰⚜Mabilis din naman natapos ang klase. Marami na rin naman na umalis na sa classroom at kabilang na do'n si Shaun. Hindi pa rin nakakabalik hanggang ngayon si Charlotte sa classroom. Habang ina-ayos ko ang mga gamit ko sa bag, naririnig ko ang mga usapan nila Kaesha, Carla at Zenith.
"Tara na nga guys, kailangan pa natin puntahan yung TUNAY natin na KAIBIGAN na si Charlotte sa principal office. Let's go na!" pagpaparinig sa akin ni Kaesha. Hinayaan ko nalang silang tatlo.
Lumabas na ako sa classroom at hindi ko sinasadya na mapadaan sa principal office. Nasa tapat sila ng pinto at masamang nakatitig sa akin. Iniwasan ko nalang silang tingnan.
"Walang kwentang kaibigan.."
"Yeah right.."
"Correct ka diyan girl.."
Pagpaparinig na naman nila sa akin pero hinayaan ko nalang ulit silang tatlo. Hindi na muna ako umuwi sa bahay, pumunta na muna ako sa malapit na ilog. Naka-sandal lang ako sa pader habang pinapanood ang mga ibon na nagsisilipad sa itaas.
"Ang cute niya noh?"
"Oo nga eh, kung pwede lang sana lumipad papuntang Korea.. Hays.."
"Ang ganda ng boses niya, I love it!"
Usap-usapan ng tatlong babaeng magkakaibigan na dumaan sa harapan ko. Bigla ko nalang naalala sila Kaesha, Charlotte, Zenith, at Carla. Hindi ko namalayan na lumuluha na pala ako. Yumuko ako para walang makakita sa akin na umiiyak. I don't know why is this happening to me now. Did I do something wrong? May nagawa ba akong kasalanan? Bakit gan'to ang araw ko ngayon? At si Shaun.. Hindi ko akalain na magagawa niya akong ipagtanggol sa harap ng mga kaklase namin. Marami siyang itinulong sa akin. Kahapon kay dad, kanina sa test at tungkol sa pangongopya ng mga kaibigan ko sa assignment ko. Bakit niya 'yon ginagawa? Bakit?
Pinagaan ko na muna ang pakiramdam ko bago ako umuwi. Malapit na ako sa bahay, kaonteng lakad nalang. Liliko palang sana ako ng may narinig akong sumisigaw na mga babae.
"WAAAHHH!!"
"KAIROS! SANDALI LANG!"
"I LOVE YOU BABY KAIROS!"
"AHHHH!!"
Ano?! Tama ba ang narinig ko? Kairos?! As in Kairos?!
Sisilip palang sana ako pero agad na sumalubong sa akin si Kairos. Sa sobrang bilis niya sa pagtakbo, nabangga niya ako.
"Uhh.."
Nagawa niyang pigilan ang pagtakbo niya pero naabutan pa rin niya ako. Sa lakas ng pagkabangga namin ay mahuhulog ako sa kanal. "Ahhh!" May humigit sa braso ko at inilayo niya ako sa kanal. Laking gulat ko na si Kairos ang taong naka hawak sa braso ko.
"Are you ok?"
"H-Huh?" Tulala lang akong naka tingin sa kanya. Hawak-hawak niya pa rin ang braso ko hanggang ngayon. Nag-iinit naman ang pisngi ko dahil sa kanya.
"Ahhh! Na saan si Kairos?!"
"Dito ba siya dumaan?!"
Usap-usapan ng mga kababaihan. "Patay.." Palingon-lingon si Kairos sa paligid at naka-kita siya ng maliit na daanan. "Tara dito.."
"T-Teka lang..."
Hinila niya ang aking kamay at pumunta kami sa maliit na daanan. Nagtago lang kami sa likod ng poste. Teka.. Bakit kailangan kasama niya pa ako?
"WAAAHHH!! KAIROS!" sigawan ng mga babae. Nakahinga na rin naman ng maayos si Kairos ng mawala na sa paningin namin ang mga babae na kanina pa siya hinahabol. Ganon ba talaga sila kabaliw kay Kairos?
"Wooh.. Muntikan na 'yon, baka pag-nahuli nila ako tadtad na naman ako ng mga kiss mark sa mukha. --- By the way, ayos ka lang ba? Nasaktan ka ba?" Shocks! Totoo ba 'to?
"Ayos lang ako, s-salamat.."
"Sorry ha, muntikan ka pa tuloy na mahulog sa kanal.. Fan ba kita? Gusto mo ba ng autograph?"
"A-Ah hindi na kailangan.."
Shit bakit ko naman sinabi 'yon? Argh! Kailangan ko 'yon! Nakakahiya naman kung bawiin ko yung sinabi ko 'diba? Sayang 'yon..
"Teka, parang nakita na kita no'n.."
Oh my gosh! Nakita niya na ako? Saan? Kailan?
"Ahh! Ikaw yung babaeng sinigaw yung pangalan ko nung isang araw! Ikaw nga!" Oh no... Bakit 'yon pa ang naalala niya? Nakakahiya 'yon! Nakita niya pa akong naka-upo sa sahig! Shit!
"A-Ako nga 'yon.."
"What's your name?" OMG! Tinatanong niya ba pangalan ko? Is this true? Am I dreaming? "Sahara.."
"Malamang kilala mo na ako pero gusto ko pa rin magpakilala sa'yo. Ako si Kairos Caparas, nice to meet you", sabi niya at sabay inabot ang kanyang kamay sa akin. Don't tell me na gusto niyang makipagkamay?
Dahan-dahan kong inabot ang kanyang kamay at nakipagkamay ako sa kanya. Pilit kong pinipigilan ang kilig na nadarama ko. Ako na mismo ang bumitaw sa kamay niya dahil pakiramdam ko sasabog na ang puso ko. "May pupuntahan pa pala ako, sana mag-kita pa ulit tayo Sahara.." First time niya akong tawagin sa pangalan ko. Shit! Pakiramdam ko namumula ang pisngi ko!
"A-Ah sige, ingat ka"
Nagpaalam na muna kami sa isa't isa bago siya tumakbo paalis. Hindi ko akalain na mangyayari ang ganitong bagay. Kanina lang naman umiiyak ako at naiinis, ngayon naman sobrang saya ko dahil magkakilala na rin kami ni Kairos sa wakas. Dati hanggang sulyap lang ako sa kanya, ngayon naman ay nakausap ko na siya at nahawakan ko pa ang kanyang kamay. Sana maulit pa ang araw 'to..
Umuwi na ako sa bahay at bigla ko nalang naalala si Lulu. Bakit kaya hindi ko siya nakita ngayong araw? Ayos lang kaya siya?
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Teen FictionAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...