Chapter 23 "Give up?"

260 13 3
                                    

Nagising nalang ako ng may matigas na bagay na tumama sa binti ko. Isang mahabang kahoy. Hindi ako maka-bangon dahil sa sobrang sakit ng katawan at ulo ko. May nararamdaman akong umaagos na parang tubig sa noo ko kaya hinawakan ko 'to. Tiningnan ko ang kamay ko at laking gulat ko na hindi tubig ang umaagos sa noo ko kundi dugo.

Lumingon-lingon ako sa paligid at hindi ko maintindihan kung na sa'ng lugar ako. Sinubukan kong tumayo ng dahan-dahan kahit na sobrang sakit.

Lumingon-lingon ulit ako sa paligid at saka ko nalang nalaman na nasa loob ako ng isang malaking hukay. Sa napakalalim na hukay na hindi kayang gawin ng isang pangkaraniwang tao lamang.

Anong ginagawa ko dito? Sino naglagay sa 'kin dito?

"Tulong! Tulungan niyo ako!"

Sigaw ako ng sigaw dito pero parang walang nakakarinig sa 'kin. Mayamaya, naka-rinig ako ng mga babae na nagsisitawanan. Hindi ako pwedeng magkamali, silang tatlo 'yon.

"Hahaha! Tulong! Tulong!" pahayag ni Kaesha habang palapit siya ng palapit sa hukay. Sinisilip nila akong tatlo at tawang-tawa sila habang pinagmamasdan ako.

"Paano ako napunta dito? Sabihin niyo!" matapang kong sabi.

"Actually balak talaga namin na iligaw ka, pero nakita namin 'tong hukay na 'to eh. So dito ka nalang..." sabi ni Charlotte.

Kaya ba hindi nila ako ginugulo dahil gumagawa sila ng plano? Napaka sama nila!

Lalakad palang sana ako ng biglang sumakit ang binti ko na tinamaan ng kahoy at ang dahilan ng pagkatumba ko. Muntikan pang mapunta ang mukha ko sa lupa.

"Oo nga pala, sorry kung hindi ka namin na-ingatan habang wala ka pang malay. Hindi naman namin pwedeng ilagay ka lang namin diyan, right? Bakit sa tingin mo baba pa kami diyan para lang ilagay ka? Edi nasama na rin kami sa'yo," pagpapaliwanag ni Kaesha sa 'kin.

"So naisip nalang namin na i-hulog ka diyan. Funny, right? Hahaha!" sabi pa niya. Kaya pala sobrang sakit ng katawan at ulo ko dahil hinulog lang nila ako dito. Napaka walang hiya nila. Hindi na sila naawa sa 'kin. Pati gan'tong bagay ay nagawa nila sa 'kin.

"Tulungan niyo ako!"

"Shut up you idiot! No one can hear you scream in here! Malayo tayo sa kanila kaya imposible na marinig ka nila" pahayag ni Charlotte. Pilit kong pinipigilan ang bawat pagbagsak ng luha ko pero hindi ko magawa.

"Ingat ka nalang diyan ha.. Magsama kayo ng mga kaibigan mong mga bulate, ipis, daga, at kung ano pang mga insekto na nandiyan. Tutal mga kauri mo rin naman sila. Bye Sahara or shall I say, see you soon? Hahaha!"

"Mga demonyo kayo! Napaka sama ninyo!" sigaw ko sa kanila bago sila umalis.

"Matagal na! Hahaha!" sigaw ni Zenith at sabay na nagtawanan silang tatlo.

Gumapang ako ng dahan-dahan papunta sa gilid. Dineretso ko ang aking mga paa at hinilot-hilot gamit ang aking kamay.

"Ahh!"

Biglang sumakit ang aking likod kaya napa-sigaw ako sa sobrang sakit.

Hindi ko na kaya.. Para akong nabalian ng buto dahil sa sobrang sakit ng katawan ko. Nahihirapan rin akong huminga dahil sa sobrang sikip ng dibdib ko.

"May tao ba diyan?"

"Tulong!"

"Tulungan niyo ako!"

Hingi ako ng hingi ng tulong pero walang sumasagot sa 'kin. Sumasakit na ang lalamunan ko dahil sa kakasigaw kaya hindi na ako maka hingi pa ng tulong.

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon