Ring-Ring
Nagising nalang ako nang biglang tumunog ang phone ko. Ilang araw nang nakakalipas at hanggang ngayon ay hindi pa rin magaling ang mga sugat ko. Nag-bago na rin ang isip ko, sa tingin ko ay mas nakakabuti siguro kung hindi muna ako papasok sa school hangga't hindi pa magaling ang mga sugat ko. Hindi nakakabuti para sa 'kin kapag pumasok ako pagtapos nung nangyari sa 'kin no'n. At hanggang ngayon ay hindi pa rin sa 'kin nagpaparamdam si Lulu. Ang totoo niyan, masakit pa rin para sa 'kin ang nangyari no'n.
Hindi pa rin umuuwi si mama sa bahay. Mas mabuti na 'yon dahil hindi pa rin talaga ako handa na ipaliwanag sa kanya kung sa'n galing ang mga natamo kong sugat. At isa pa, ayokong malaman niya ang nangyari sa 'kin.
Ring ng ring ang phone ko hanggang sa sinagot ko na 'to.
"H-Hello? Sino po 'to?"
"Are you ok, Sara?"
Sinubukan kong alalahanin kung kanino galing ang boses na 'yon. Lalaki ito at malalim rin ang boses. Hindi pwedeng si Shaun 'to dahil hindi naman gan'to kalalim ang boses niya. Hindi rin pwedeng si Kairos 'to dahil malambing ang boses niya. Pero mas lalong hindi pwedeng si Lulu 'to dahil naka-save ang number niya sa 'kin.
"Who's this?"
"Tawagin mo nalang akong Unknown."
Unknown? As in Unknown person ganon? Sino ba talaga 'to? Bakit ayaw niyang magpakilala?
"Paano mo nakuha number ko?"
"Masyado kang maraming tanong.. Sagutin mo muna ang tanong ko sa 'yo.."
"Ayos lang ako.. Ngayon, sagutin mo naman ang tanong ko." seryoso kong tanong sa kanya. Hinintay ko siyang sumagot pero parang ayaw niya talagang sabihin sa 'kin.
"Sagutin mo ako."
"Hindi na importante 'yan, ang importante ay ang gumaling ka."
Nagulat ako sa sinabi niya. Papaano niya nalaman ang nangyari sa 'kin? Nando'n ba siya sa mga oras na 'yon? Stalker ko ba siya?
"Papaano? Bakit mo alam?"
"Mas mabuti siguro kung lumabas ka na sa bahay niyo, mayroon akong iniwan sa harap ng gate niyo."
"A-Ano?"
Curios ako sa sinabi niya kaya dahan-dahan akong bumangon sa kama. Lumabas ako ng bahay at may nakita akong bag sa harap ng gate namin. Binuksan ko 'to at laking gulat ko na may mga laman 'tong pagkain at gamot.
"Ito ba 'yon?"
"Ganon na nga.."
"Pero para saan naman 'tong mga 'to? At sino ka ba talaga? Magpakilala ka.." seryoso kong sabi sa kanya.
"Gusto mo talaga ako makilala?"
"Oo!"
"Ako 'to Sara, si Nosh.. Naalala mo pa ba?"
"A-Ano?"
Hindi ako makapaniwala na si Nosh ang katawagan ko ngayon. Hindi ko alam kung totoo ba 'to o niloloko lang ako ng kausap ko ngayon. Pero malakas rin kasi ang kutob ko na si Nosh ang kausap ko ngayon sa cellphone. Bigla akong napangiti at tumulo ang aking mga luha. Pakiramdam ko ang saya-saya ko ngayon.
"A-Anong sabi mo? Ulitin mo ulit.."
"Ange, si Nosh 'to.."
Para akong na-freeze sa kinatatayuan ko ngayon. Pakiramdam ko may taong sumisilip sa 'kin ngayon at walang iba 'yon kundi ang lalaking nagpakilala sa 'kin ngayon na siya daw ay si Nosh. Hindi naman ako pwedeng maniwala agad dahil marami ng nabibiktima sa maling akala. Kailangan kong makita at makaharap siya ngayon bago ako maniwala na siya talaga si Nosh.
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Teen FictionAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...