Chapter 4 "Class Picture"

376 19 1
                                    

Pasimple akong lumapit ng kaonte sa kanilang dalawa para marinig ko ang usapan nilang dalawa. "Salamat sa pagbantay sa bag ko, maaasahan talaga kita"

"Wala 'yon," aniya. Kahit sa harapan ng kaibigan niya, hindi niya magawang ngumiti. Napaka seryoso pa rin ng mukha niya..

"Baka hinahanap na ako ni coach, paalam na."

Hinawakan ng kaibigan niya ang balikat ni Shaun pero biglang inalis niya 'to. "Pasensya na.. O'sya mag-iingat ka!" Hindi man lang nagpaalam si Shaun sa kaibigan niya bago siya umalis. Bakit naman ganon si Shaun sa kaibigan niya? Kaibigan ba talaga siya ni Shaun?

Lumabas na ako sa court para habulin si Shaun. "Shaun!" Lumingon naman siya sa akin pagtapos kong tawagin ang kanyang pangalan. "Anong kailangan mo?" Malamig ang tinig nito.

"Gusto ko lang sana na sumabay sa'yo pauwi", pahayag ko. Actually hindi kami parehas na lugar na dadaanan pero kahit na, gusto ko pa rin na sumabay sa kanya.

"Bakit hindi ka nalang sumakay sa jeep?"

"A-Ano kasi.. Kulang pamasahe ko pauwi." pagsisinungaling ko. At saka mas gusto ko na mag-lakad-lakad noh!

"Ikaw bahala"

〰▪⚜▪☪▪⚜▪〰
⚜〰▪☪▪〰⚜

20 minutes na ang nakalipas at hindi pa rin kami nakakauwi hanggang ngayon. Dapat kasi nag jeep nalang talaga ako eh! Sayang naman oh! Ang sakit-sakit na ng paa ko. Bahala na! Ito ang pinili kong desisyon kaya fight, fight lang!

Diretso lang ang lakad namin hanggang sa lumiko siya bigla. Nagtataka ako dahil hindi naman 'yon ang daan niya pauwi. "T-Teka lang, Shaun! Mali ang dinadaanan mo!", huminto siya saglit at nilingon ako. "Tama ang daanan ko.."

"H-Huh? Sa pagkakaalam ko hindi 'to ang daanan m---", naputol ako sa pagsasalita ng bigla nalang siyang mag-salita. "Lumipat na ako ng bahay." Ako? Anong ibig niyang sabihin? Siya lang ba ang lumipat ng bahay? Na saan naman kaya yung mga magulang at kapatid niya? Wala na ba? Shit! Ano 'tong pinagsasabi ko? Malay ko ba sa kanya! Wala naman kaming alam tungkol sa kanya.

"Ah ganon ba.. Paalam Shaun, ingat ka!" pahayag ko habang naka ngiti. Nagbago ang expression ng mukha niya ng makita niya akong ngumiti sa kanya. Tumalikod siya bigla at itinaas niya nalang ang kanyang kaliwang kamay. Senyas niya na nagpapaalam na rin siya. Teka? Anong problema niya? Wala na akong paki don! Ang gusto ko ay maka-uwi na agad! Pagod na pagod na ako! Ang sakit na ng paa ko!

Tumakbo na ako at nag-abang na ng jeep. Nang may dumaan na, agad akong sumakay. Pagbaba ko sa jeep, nag-lakad nalang ako pauwi dahil ayoko ng gastusin pa ang pera ko.

Pag-dating ko sa bahay, kumain ako agad dahil nagugutom na rin ako. Pagtapos ko naman kumain, pumunta na ako sa kwarto para mag-bihis na at magpahinga. Nang makapag-pahinga na ako, bigla nalang pumasok sa isipan ko ang kaibigan ni Shaun kanina. Lalo na yung inalis ni Shaun ang kamay ng kaibigan niya sa balikat niya. May problema kaya sila sa isa't isa? At si Shaun, kahit na sa harap na siya ng kaibigan niya, hindi niya magawang ngumiti. Bakit kaya?


Bumangon ako sa kama ko at hinanap ang class picture namin noong Grade 7 to Grade 9. "Ayon!" Masayang sabi ko ng mahanap ko na ang class picture namin noong Grade 7. Tiningnan ko ang mukha ni Shaun sa class picture. Umasa ako na baka naka ngiti siya sa picture na 'to, pero ang seryoso pa rin ng mukha niya dito. Tiningnan ko naman ang class picture namin nung Grade 8 at Grade 9 pero wala pa rin nagbago sa expression ng mukha niya. Ano kayang mayroon sa kanya? Bakit kahit sa class picture hindi niya magawang ngumiti? Paano kaya kung ang class picture niya nung Grade 6 siya? Naka ngiti kaya siya do'n?

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon