Chapter 32 "Best gift ever!"

234 12 0
                                    

Gulat na gulat ako sa nakita ko. HAPPY BIRTHDAY SAHARA ang nabasa ko. Sobra akong natutuwa at hindi makapaniwala na magagawa 'to lahat ni Lulu para sa 'kin. Paniguradong sobrang laki ang nagastos niya dito.

"Alam kong iniisip mo na kung pa'no mo ako pasasalamatan.."

Napatingin ako sa kanya at nagtataka kung pa'no niya nalaman ang iniisip ko. Tuwing may mga magaganda o mabubuti siyang ginagawa sa 'kin ay iniisip ko kung pa'no ko ba siya pasasalamatan.

"Alam mo Sara, hindi mo naman kailangan pang pasalamatan ako sa lahat ng mga mabubuting nagawa ko sa'yo", seryoso niyang sabi. Tiningnan niya ako ng seryoso at ako rin.

"Sahara, sapat na ang pagpunta mo dito at ang lagi kang nandito sa tabi ko, pasasalamat mo na 'yon para sa 'kin", pahayag niya ng naka-ngisi.

"Lulu.."

Tulala lang akong naka-tingin sa kanya at wala akong maisip na pwedeng sabihin sa kanya.

May isang lalaki na lumapit sa kanya na may dala-dalang dalawang lobo na kulay pula at may mga picture naming dalawa na mag-kasama. Binigay niya 'to kay Lulu bago umalis. Tiningnan naman ako ni Lulu at binigay sa 'kin ang isang lobo.

"Mag-bibilang ako ng tatlo at saka sabay nating bibitawan ang lobo, maliwanag ba?" paliwanag niya.

"Sige.."

"Isa, dalawa... Tatlo"

Sabay namin binitawan ang lobo at lumipad 'to sa taas. Nang lumipad na ang mga lobo sa taas ay laking gulat ko ng biglang nagsiliparan rin ang mga sandamakmak na lobo sa tabi namin.

Parehas kami ni Lulu na naka-tingin sa taas at pinapanood ang mga lobo na sinabayan pa ng mga fireworks.

"Sahara.."

Lumingon ako kay Lulu at laking gulat ko na magsipatayan ang mga ilaw.

"Lulu? A-Anong nangyari? Bakit walang ilaw?"

Wala na rin akong nakikita pang mga fireworks at hindi ko masyadong makita si Lulu.

May biglang tumapat sa amin na ilaw sa likod pero ang mas ikinagulat ko ay ang mga nagsi-ilaw na Christmas lights sa harapan namin. Sobrang daming Christmas light at naisip ko na baka may panibagong pasabog 'tong si Lulu.

"Tara.."

Sinundan ko lang siya at nagtataka naman ako kung ano na naman ang surprise nitong si Lulu. Habang naglalakad kami ay isa-isa nagpapatayan ang mga ilaw sa Christmas light at hanggang sa makarating na kami sa dulo. Sa harapan namin ay may isang malaking hugis ng puso at napapalibutan rin 'to ng mga Christmas light.

Mayamaya, biglang umilaw ang mga Christmas light na kulay pula lamang. May dalawang lalaki na lumapit do'n at tiningnan si Lulu.

"Huwag kang magugulat ha.." pahayag ni Lulu na ipinagtaka ko naman. Sabi ko na nga ba at may bago 'tong pasabog si Lulu. Sa tingin ko last na last na 'to.

Tumango si Lulu sa dalawang lalaki. Nag-usap ang dalawa at sabay na binuhat ang isang malaking hugis ng puso at itinabi 'to sa gilid. Pagtapos nilang itabi 'yon ay pumunta na sila sa harapan namin na may dala-dala ng tela na kulay pula. Binuklat nila 'to at parang may itinago sila sa likod nito.

Napatingin ako sa gilid namin dahil bumukas isa-isa ang mga ilaw at pinalibutan kami nito. Nag-umpisa na naman na pumutok ang mga fireworks pero hindi ko 'to pinansin. Naka-tingin lang ako sa dalawang lalaki na hawak-hawak ang malaking tela na parang may naka-tago sa likuran nito.

Mayamaya binaba na nila ang tela at lumaki ang mata ko ng makita ko ang naka-tago sa likuran ng tela na 'yon. Gusto kong umiyak dahil sa sobrang tuwa ng malaman kong isang mamahalin na gown pala ang nasa likod ng malaking tela na 'yon.

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon