"Good morning Sara!" bati sa 'kin ni Yasmin pagpasok ko palang sa classroom. "Good morning din sa'yo..." bati ko naman sa kanya. Maaga ako pumasok sa school dahil ayokong maabutan ko si Kaesha na naglalakad papunta sa school.
I thought Shaun will be here soon, but I'm wrong. Hindi ako naka tulog kagabi ng maayos sa kaiisip kung sino ba talaga ang taong nag-post non. I want to ask Shaun right now kung siya ba ang nagmamay-ari ng acc na 'yon. Kagabi rin kasi ay in-stalk ko ang acc na 'yon. Wala ibang post kundi 'yon lang at nalaman ko rin na hindi bago ang acc na 'yon. Matagal ng gawa ang acc na 'yon kaya pinagtataka ko kung bakit 'yon lang ang post niya. Ang username naman niya ay TheNoMan. Sino kaya siya? Matanong nga si Shaun mamaya..
Hinintay ko si Shaun dito sa classroom pero hanggang ngayon ay wala pa rin siya. Nagsimula na ang klase kaya itinigil ko na ang paghihintay sa kanya. What's going on with him? Sa pagkakaalam ko hindi siya madalas um-absent kaya bakit wala siya ngayon dito?
"Ok class, nandito na ang mga papel ninyo at gusto ko na ipakita niyo 'yan sa parents niyo. Siguraduhin niyo na may pirma 'yang mga papel ninyo.. Ibabalik niyo 'yan bukas sa 'kin at kung sino man ang magpapirma sa parents nila ay may plus 1 sa card, naiintindihan niyo ba ako?" sabi ng adviser namin, siya ang teacher namin sa ESP.
"Yes ma'am..."
Inutusan ni ma'am na ipamigay ang mga papel sa amin kaya hindi na namin kailangan pa na tumayo.
"Alam kong nagtataka kayo kung bakit absent ngayon si Shaun, may sakit siya ngayon. Mayroon ba ditong kaibigan ni Shaun?"
Hinintay ni ma'am na may mag-taas ng kamay pero niisa ay wala. Imposible na magkaroon ng kaibigan ang lalaking 'yon. Makipag-usap nga sa amin hindi niya magawa, makipag-kaibigan pa kaya. Alam ko naman na may kaibigan si Shaun pero galing sa mga higher section yung mga 'yon.
"Mayroon ba ditong nakakaalam kung saan ang bahay ni Shaun?"
Bahay ni Shaun?
"Wala?"
Alam ko lang ang lugar pero hindi ko alam kung sa'n banda.
Hindi ko sinasadya na itaas ang kamay ko kaya tumingin lahat sa 'kin ang mga kaklase ko maliban lang kila Kaesha.
"Ok Mihaela, pumunta ka dito.."
Shit! Shit! I'm so stupid! Maling-mali 'to!
Tumayo na ako at lumapit kay ma'am. May inabot siyang papel at tiningnan ko kung kanino, kay Shaun. Oh my gosh. 100 siya?! Hays bakit pa nga ba ako magugulat eh matalino naman talaga siya.
"Ibigay mo 'yan kay Shaun at sabihin mo na kailangan ko 'yan kapag pumasok na siya. Sabihin mo na rin na kung gusto niya ng plus 1 sa card, ipapirma niya kamo sa magulang niya. Ok?"
"Opo ma'am", sabi ko at saka bumalik na sa upuan ko. Kailangan ng pirma ng magulang? Pero si Shaun.. Na-comatose ang mom niya at ang dad naman niya ay iniwan na siya. Bahala na! At saka hindi niya na kailangan pa ng plus sa card eh ang taas-taas na ng grade ng mokong 'yon. Basic lang sa kanya 'yon.
"Ok class, usap-usapan ang section niyo ngayon kaya pati ako ay napagalitan ng Principal. Kaesha, gusto kang maka-usap ngayon ng Principal kaya sumama ka sa 'kin. Ang maiiwan dito ay tumahimik lang.." sabi ni ma'am. Tumayo naman si Kaesha at lumapit sa adviser namin.
"Zendrex, Carla at Charlotte sasama rin kayo sa amin.."
"Pero ma'am si Kaesha lang po ang nag-post non!"
"Naka tag kayo sa post niya kaya sumama kayo sa amin.." seryosong sabi ni ma'am. Natakot naman silang tatlo kaya wala na silang nagawa kundi sumama kay ma'am. Tumayo ako at pinigilan sila.
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Teen FictionAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...