"What the heck!" inis na sabi ni Kairos at sabay na napatayo.
"Ang lakas naman ng loob mo na magpakita sa amin. Kapal talaga ng mukha mo kahit kailan"
"Makinig kayo, nagpunta ako dito para humingi ng tawad"
"Humingi ng tawad?" tanong ko.
"Ah ganon? At sa tingin mo matatanggap namin ang sorry mo? G*go ka pala eh!"
"Ano ba Kairos?! Just shut up your stupid mouth! Hindi lang naman 'yon ang pinunta ko dito."
"Ano? Para sabihin sa amin na may bago kang balak kay Sara? Ganon ba?"
"Enough Kairos," saway ko sa kanya. Kita ko ang panggigil ni Kairos kay Giezell. Malaki talaga ang galit namin sa kanya. Pinipigilan ko lang ang galit ko dahil wala kami sa tamang lugar para magsigawan dito.
"Pakinggan muna natin siya."
"What the f*ck men! Pakinggan? Nasisiraan ka na ba ng ulo?"
"Shut up Kairos!" sigaw sa kanya ni Giezell na maluha na sa sobrang inis kay Kairos.
"Kairos, kumalma ka muna. Now, Giezell ano bang pinunta mo dito."
"Kairos.. Luther.. Hindi ako nandito para manggulo, nandito ako para sabihin sa inyo na may mangyayaring masama kay Sara." Nagulat kaming dalawa ni Kairos sa sinabi ni Giezell. Nagdadalawang isip ako kung maniniwala ba ako o hindi.
"Sa tingin mo maniniwala kami sa 'yo Giezell? Pinaniwala mo na kami noon! Tama na 'yon! Ginawa mo na kaming tanga!" Inis na sabi ni Kairos sa kanya. Halos mapa-urong nalang si Giezell sa sobrang takot niya kay Kairos.
"Oo Kairos pero dati 'yon! Pinagsisihan ko ang lahat ng mga pinaggagawa ko kay Sara. Pero ngayon gusto kong bumawi sa lahat ng kasalanan ko. Gusto kong maligtas si Sara."
"Teka, ano munang ibig mong sabihin na may mangyayaring masama kay Sara?" pagtataka kong tanong sa kanya. Kinakabahan ako sa i-sasagot niya.
"Yung dalawang lalaki na tumulong sa 'kin para pahirapan no'n si Sara, may balak silang kidnapin siya. Hindi lang 'yon, may balak din silang i-benta si Sara sa foreigner. Pagtapos nilang gawin 'yon, papatayin nila si Sara para hindi makapagsumbong. Maniwala kayo sa 'kin, hindi ako nagbibiro!"
"A-Ano?"
"Fuck!"
Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko. Para akong nawala sa sarili at ang tanging iniisip lang ay si Sara. Buwiset! Sa dinami-dami na babae na puwede nilang ibenta, si Sara pa talaga. Bakit ba nangyayari 'to kay Sara? Bakit minamalas siya araw-araw? Ano bang nagawa niyang masama?
"Kailan nila balak gawin 'yon?" tanong ko sa kanya.
"Ngayon na..." sagot niya na mas lalong nagpakaba sa aming dalawa ni Kairos.
"Nakikiusap ako sa inyo, iligtas niyo siya. Hindi ako naging mabuting babae para sa inyo, pero siya magagawa niya 'yon sa inyo.. Kaya please, iligtas niyo siya."
"Tsk! Kakaibabe ka," bulong ni Kairos.
"Hindi mo na kailangan pang maki-usap, dahil ililigtas talaga namin siya," seryoso kong sabi.
"Tara na Kairos" sigaw ko sa kanya. Kumaripas kami ng takbo ni Kairos papunta sa bahay ni Sara. Kumatok muna kami at tinawag ang pangalan ni Sara pero walang sumasagot.
"Sara!"
Hindi na kami nagdalawang isip pang pilitin na buksan ang pinto.
"Sara! Na sa'n ka?"
"Sara!"
Ilang beses naming tinawag si Sara pero hindi siya sumasagot. Alam kong uwian na nila kaya dapat nandito na siya. Pero bakit wala? Kung ganon, na sa'n siya?
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Ficção AdolescenteAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...