Dahan-dahan akong lumakad papunta sa mga babae pero..
"KAIROS!"
May isang babae na biglang dumaan sa gilid ko at hindi sinasadyang mabangga ako. "Aahh!" Napa-upo ako sa sahig at nahulog ang regalo ko. Sobrang malas ko dahil napunta 'to sa putik. Muntikan pa akong maiyak ng makita ko si Kairos na paalis na habang pinagkakaguluhan pa rin ng mga babae. "H-Hindi.. T-Teka lang.." bulong ko sa sarili ko..
"KAIIIRROSSS!!" sigaw ko. Agad akong natulala sa sarili ko ng ma-isigaw ko ang kanyang pangalan. Nag-sitinginan lahat ng mga tao dito sa 'kin, kabilang na do'n si Kairos. Naka tingin lang siya sa 'akin at ang kanyang mukha ay parang nagtataka kung bakit ko sinigaw ang pangalan niya.
"AAHHH!!!"
Agad na pinagkaguluhan ulit si Kairos ng mga babae kaya napaligiran ulit siya ng mga babae. Hindi ko na siya nakita pa.
"S-Sandali.. Kairos! Wait!"
Nawalan na ako ng pag-asa nang hindi ko na talaga siya nakita pa. Tiningnan ko nalang ang dapat na ireregalo ko sa kanya. Halos maluha-luha na ako ng kunin ko 'to. Dahan-dahan akong tumayo at pinakalma muna ang sarili. I use my handkerchief to wipe the dirt on my gift for him. I go back to my classroom kahit iika-ika akong lumalakad dahil sa nangyari kanina. Tinago ko ang regalo ko kay Kairos sa likod ko para hindi 'to makita nila Kaesha.
"Hoy babaita! Saan ka nanggaling?" pagtatakang tanong sa 'kin ni Kaesha.
"Ano 'yan itsura mo? Mukha kang ni-rape ng sampung lalaki." Pagbibiro ni Zenith. "H-Huh? Ay nako, wala 'to.. Marami lang kasing in-utos sa 'kin yung isang guro na naka salubong ko kanina. Kaya 'to ako ngayon, haggard", pagsisinungaling ko sa kanila. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila ang totoo. Kilala ko sila, alam kong lalait-laitin nila ako dahil sa nangyari kanina.
Bigla nalang tumunog ang bell. Mag-uumpisa na ang klase namin. Bumalik na kami sa kanya-kanya naming upuan. Binuksan ko ang bag ko at pinasok ko ang regalo ko kay Kai. Buti nalang hindi ko sila katabi dahil makikita nila akong umiiyak.
Science subject na namin ngayon at sa dulo pa rin ang upuan ko. Naalala ko tuloy yung nangyari kanina. Sobrang nakakahiya 'yon.. Nakita pa ako ni Kairos na naka-upo sa sahig. Argh! Akala ko naman mangyayari sa 'kin yung ginawa ni Kairos sa babae kahapon. Asa kasi ako ng asa! Ito tuloy napala ko!
"Mihaela?"
Paano ko kaya maibibigay ang regalo ko sa kanya? Kailangan kong palitan ang balot non dahil may putik na.
"Miss Mihaela?"
Ang tanong.. Maibibigay ko ba talaga sa kanya 'yon?
"Mihaela!"
Nagulat at napa-tayo agad ako ng tawagin ang pangalan ko ng teacher namin sa Science. "Yes ma'am?"
"Are you listening to me?" Patay! Masungit pa naman ang teacher namin sa Science! Anong gagawin ko?
"Y-Yes ma'am!" pagsisinungaling ko..
"If you are really listening to me, who is Antoine Lavoisier?" Oh shit! Dapat pala nagsabi nalang ako ng totoo. Anong gagawin ko? Mahina pa naman ako sa Science.. At hindi pa naman ako masyadong nakikinig sa kanya. Shit! Shit! Shit talaga! Argh!
"Need some help?"
"Yes ma'am"
Kailangan ko talaga ng tulong sa mga kaklase ko.. Dahil kapag walang tumulong sa 'kin o walang maka sagot sa tanong ni ma'am, mananatili lang akong naka tayo dito hanggang sa matapos ang klase niya. Ganyan ang teacher namin sa Science..
"Ok class, Miss Mihaela needs some help.. Any volunteer?"
Hindi ko mapigilan na kabahan at bumilis ang tibok ng puso ko. Ayokong manatili na naka tayo.. Ayokong pag-usapan nila.
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Teen FictionAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...