Chapter 35 "Profile picture"

239 13 0
                                    

Athena Sahara Mihaela POV


Nagising nalang ako dahil sa tunog ng telepono namin. Kahit na tatamad-tamad pa akong bumangon ay sinagot ko pa rin ang telepono.

"Hello? Hi? This is Saha---"

"Bruh ano 'to?!" Bigla kong nailayo ang telepono sa tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Amelia. Ang aga-aga naninigaw agad. Ito talagang si Amelia, araw-araw ata may energy ang babaeng 'yon.

"Bakit? Anong mayroon?"

"Hoy si Allison 'to, hindi mo ba alam na sobrang famous ka na? Kayong dalawa ni Luther!"

"A-Ano?"

Nagtaka naman ako sa sinabi ni Allison sa 'kin. Kaming dalawa ni Lulu ay famous na? Alam kong famous na talaga si Lulu pero bakit nasama ako? Ako? Famous? Kailan pa ba nangyari 'yon?

"Ano bang pinagsasabi niyo?"

"Sahara! Nagpalit ng profile picture si Luther na kasama ka! At alam mo ba kung anong picture 'yon? Ang picture niyo kagabi na mag-kasama kayong dalawa sa resort kung sa'n ka sinurpresa ni Luther. Bruh, it now has almost 10K likes, 4K comments and 15K shares, can you believe it?"

"WHAT?!" gulat kong tanong. Agad kong binaba ang telepono at kinuha ang phone sa bag ko para magbukas ng Facebook. Agad na bumungad sa 'kin ang profile picture ni Lulu. Tama nga sila Amelia, halos umabot na nga 'to ng 10K likes, 4K comments at 15K shares. Kadasegundo ay nadadagdaan 'to ng likes, comments and shares.

Naka-tag sa 'kin ang profile picture ni Lulu at nabasa ko ang caption niya.

"Simula pa no'ng bata pa kami ay magkaibigan na talaga kami ni Sara. Mabait at masaya siya kasama. Hindi ako nagkamaling makipag-kaibigan sa kanya. Sobrang swerte ko talaga sa kanya at iba siya sa mga babae na nakilala ko. Lagi siyang nandiyan sa 'kin tuwing may problema ako. Marami na siyang nagawang mabuti o maganda sa 'kin kaya naisip ko na ngayong birthday niya ay gusto ko siyang i-surprise. Natuwa naman ako dahil ako ang kauna-unahang kaibigan niya na sobrang nag-effort o surprise sa kanya ng ganon. At hindi lang 'yon, naisip ko rin na regaluhan siya ng magandang gown na alam kong magpapasaya sa kanya. Nag-plano na kasi siya na hindi siya sasama sa prom dahil wala naman siyang maisusuot na gown kaya naisip ko na regaluhan siya ng ganon. Hindi kasi ako makapayag na hindi siya makakapunta sa prom nila dahil once in a lifetime lang 'yon mangyayari sa buong buhay niya. Kaya 'yon, nagawa ko siyang pasiyahin nang gabing 'yon. Sobra-sobra akong nagpapasalamat dahil nagkaroon ako ng kaibigan na tulad niya"

Hindi ako makapaniwala na gan'to kahaba ang magiging caption niya sa Profile picture niya. Binasa ko rin ang mga comments at bigla nalang akong napa-ngiti nang mabasa ko ang mga comments nila sa Profile picture ni Lulu. Basa ako ng basa ng comments hanggang sa bumalik ako sa katinuan.

Biglang may pumasok sa isipan ko na parang may hindi magandang mangyayari sa 'kin dahil sa Profile picture ni Lulu. Naisip ko na baka ang mga fans niya ay magalit or mainis sa 'kin dahil sa selos nila.

"Nako hindi, paniguradong dagdag problema na naman 'to.." Bulong ko sa sarili ko habang naka-hawak sa noo ko.

Ibinalik ko na sa bag ko ang cellphone at umupo sa upuan. Napansin ko ang maliit na cake sa lamesa at alam kong galing 'to kay mama. Nag-iwan din siya ng letter at binasa ko 'to.

Pagtapos kong basahin ang letter ay agad naman pumasok sa isipan ko ang nangyari kagabi. Bigla akong napahawak sa ulo ko at nainis ako sa sarili ko.

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon