Chapter 50 "Friendship over?"

206 12 0
                                    

Naka-upo ako sa sofa habang si Kairos naman ay kumuha ng maiinom ko sa kusina. Pagtapos niyang kumuha ng tubig ay bumalik na siya sa tabi ko at binigay sa 'kin ang tubig. Ininom ko 'to agad at sabay na uminom ng gamot. "Maayos na ba pakiramdam mo?"

"Oo salamat.."

"Nag-text pala sa 'kin si Lulu kanina, pupuntahan ka daw niya dito para samahan ka."

"Sabihin mo kahit 'wag na.. Nakakaistorbo lang ako sa kanya."

Alam siguro ni Lulu na wala akong kasama dito sa bahay. Si mama kasi sa mga susunod na araw pa daw siya baka makaka-uwi. Para na rin daw may dagdag sweldo siya. Sa totoo lang naaawa na ako kay mama. Ginagawa niya ang bagay na 'yon para sa 'kin. Samantala ako wala na akong ginawa kun'di gulo. Buti nalang ay wala siya dito sa bahay dahil hindi pa ako handang ipaliwanag sa kanya ang nangyari sa 'kin ngayon.

"Sa tingin mo papayag si Luther? Alam mong hindi siya papayag na ganon. At saka mas nakakabuti na may kasama ka dito sa bahay niyo. Paano nalang kung bigla nalang pumunta dito si Giezell at kung ano pang gawin sa 'yo na mga katarantaduhan? Hindi mo ba naiisip 'yon?"

"Masyado na kayong nag-aalala sa 'kin. Wala naman mangyayari sa 'kin dito. Kung anu-ano naman 'yang pinag-iisip ninyo."

"Malay ba natin.. Mas mabuti na alam namin na safe ka. Naiintindihan mo?" Hindi ko alam kung matatawa ba ako o hindi. Para kasi siyang kuya ko kung makapag-salita.

"Para ka namang kuya ko, kung makabantay sa 'kin wagas."

"Hindi mo ba naalala yung sinabi ko sa 'yo dati? 'Di ba sabi ko na pwede mo akong maging kuya? Hay nako.." Oo nga pala.. Bakit ko ba nakalimutan 'yon? Yung mga sinabi niya na nakasakit sa damdamin ko. Bakit ko 'yon nakalimutan?

Napa-yuko nalang ako at hindi na sumagot pa.

"Sara are you ok?"

"Nandito ka na pala Luther."

Hindi ko napansin na nandito na pala si Lulu.

"Lulu.. Anong nangyari sa school?" tanong ko sa kanya.

"Pina-alis na si Giezell at ng dalawa niyang kasamang lalaki sa school. At wala ng school ang pwedeng tumanggap pa sa kanilang tatlo. Ayon ang parusa sa kanila sa ginawa nila sa 'yo." Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o hindi. Ang totoo niyan, naaawa ako kay Giezell dahil alam kong hindi niya gusto gawin ang bagay na 'yon sa 'kin. Alam kong napilitan lang siya na gawin 'yon sa 'kin dahil sa pagmamahal niya kay Lulu. Hindi ko naman siya masisisi.

"Dapat lang 'yon.. By the way, may gagawin pa pala ako. Kailangan ko ng umalis. Sara, get well soon.."

"Ingat ka Kairos.. Salamat na rin.."

"Ingat ka pre."

Bago umalis si Kairos ay may binulong muna siya kay Lulu.

"Anong sinabi niya sa 'yo?"

"Wala 'yon, huwag mo nang isipin 'yon. Hindi naman importante 'yon. Ang importante ay magamot natin 'yang mga sugat mo." Sabi niya at sabay nga niyang kinuha ang first aid kit at ginamot ang mga sugat ko.

"Sabi ng doctor, dapat daw kada-oras ay ginagamot 'tong mga sugat mo para daw mabilis gumaling."

"Ganon ba 'yon.. Pero Lulu, hindi mo naman kailangan gawin 'to ehh. Kaya ko naman sarili ko." pahayag ko. Bigla niya naman akong tiningnan ng seryoso.

"Sahara, huwag mo ng ipilit ang hindi mo naman talaga kayang gawin. Ako na gagawa at isa pa, kaibigan mo ako."

Kaibigan ba talaga?

Hindi nalang ako umimik at hinayaan siyang gamutin ang mga sugat ko.

"Lulu.. Alam mo naman na ayokong masira yung friendship natin 'di ba? Kaya kahit anong mangyari, sana magkaibigan pa rin tayo hanggang sa huli." malungkot kong sabi na ikinahinto niya naman sa panggagamot.

"Sara.. Hindi mo naman kailangan pang itago ang totoo. Huwag na tayo magpaligoy-ligoy pa. Sinabi sa 'kin lahat ni Giezell ang nangyari kanina. Sinabi niya lahat-lahat sa 'yo, pati ang nararamdaman ko para sa 'yo."

"I'm sorry Lulu.."

"Sorry para sa'n naman? Dahil hindi mo kayang ibalik yung nararamdaman ko sa 'yo? Hindi mo naman kailangan gawin 'yon eh. Ayos lang naman sa 'kin at isa pa tanggap ko na hanggang friends lang talaga tayo. Pero bakit parang naiilang ka na nang malaman mo na may nararamdaman ako sa 'yo? Bakit naman ganon? Bakit parang tinutulak mo na ako palayo sa 'yo Sara? Bakit Sara?"

Hindi ako makapag-salita. Para akong napipe. Hindi ko alam kung magsosorry ba ako ng magsorry o hahayaan na mag-away kami dahil sa lintik na feelings na 'yan. Ayoko na nakikita ko si Lulu na nagagalit o mainis man lang sa 'kin. Ayoko ng maulit pa 'yung dati.

"Lulu hindi naman sa ganon..."

"Hindi sa ganon? Sara wala naman akong hinihiling na kapalit sa lahat ng ginagawa kong mabuti sa 'yo. Ang gusto ko lang ay ang parati kang nandito sa tabi ko. Pero bakit hindi ko ramdam? Alam mo sa totoo lang baliktad tayo ng sitwasyon, ako ang palaging nandito sa tabi mo. Wala ehh, syempre lalaki ako babae ka. Hindi ko naman hahayaan na ikaw yung maghatid sundo sa 'kin sa school, 'di ba?" sabi niya at hanggang sa bumagsak na ang kanyang mga luha.

"Sara niminsan hindi mo ako nagawang tanungin kung ayos lang ba ako o kumusta. Ayos lang ba ako? Hindi Sara.. Kumusta ako? Ito nagdurusa.. Alam mo kung bakit? Nung araw ng prom niyo, hindi si coach ang nasugod non sa hospital kundi ang parents ko Sara. Nakakatampo ka Sara, ang sakit lang para sa 'kin na ako ang palaging nandito para sa 'yo. Ako ang laging nagtatanong kung ayos ka lang. Ako lahat Sara.." patuloy niyang sabi. Naluha na lang rin ako sa lahat ng sinabi niya sa 'kin. Gusto ko siyang yakapin pero parang hindi ako maka-galaw sa kinauupuan ko ngayon. Naka-tayo siya ngayon sa harapan ko at umiiyak. Parang kanina lang ay ang saya-saya niya pa. Nakikipagharutan pa nga siya kay Kairos kanina. Anong nangyari ngayon? Bakit parang bigla siyang nagbago? Nilalabas niya na ba talaga ang tunay niyang nararamdaman? Matagal na ba siyang nagtitimpi sa 'kin?

"I'm sorry Lulu.. H-Hindi ko sinasadya na masaktan ka.. T-Tama na, hindi dapat tayo nag-aaway."

"Hindi tayo nag-aaway Sara. Gusto ko lang sabihin sa 'yo yung totoo kong nararamdaman."

"Sorry talaga Lulu.."

Wala akong masabi sa kanya kaya nagsosorry nalang ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Tanggap ko ang sorry mo Sara. I don't know how to say this, but would you mind if we didn’t hang or talk for a few weeks? I need space Sara.." mahinahon niyang sabi na ikinagulat ko naman.

"W-What?"

"I'm sorry.."

Hinawakan niya muna ang kamay ko bago siya lumakad palabas ng bahay.

"Luther! No! H-Huwag mo akong iwan!"

Napatayo ako bigla pero nakalimutan ko na may mga sugat pala ako sa paa. Bigla akong natumba sa sahig at mas lalong sumakit pa ang mga sugat ko. Nahilo rin ako bigla kaya hindi ko na napigilan pang iwan ako ni Lulu. Tuluyan na siyang naka-alis at iniwan akong mag-isa sa loob ng bahay. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak habang iniisip ang nangyari kanina.

Hindi ko akalain na magagawang iwan ako ni Lulu ng mag-isa. Never niya pa 'yon ginawa sa 'kin. Ngayon lang talaga. Sumikip bigla ang dibdib ko at hindi tanggap ang nagyari ngayon. Kakasabi ko lang kanina na ayokong masira ang friendship namin dalawa ni Lulu. Pero wala na eh, tuluyan ng nasira dahil sa 'kin. Feeling ko tuloy napaka-selfish kong tao. Parang ang sama-sama ko. Tama nga naman siya, hindi ko man lang siya natanong kung kumusta o ayos lang ba siya. Kaya pala nung una naming pagkikita kanina ay malungkot ang kanyang mukha. 'Yon pala ay may nangyari sa parents niya. Kasalanan ko eh kasi hindi ako nagtanong. Hindi naman pwede na sabihin niya 'yon sa 'kin kasi syempre naisip niya rin na marami na akong ikinakaharap na problema, idadagdag niya pa ba ang sarili niya. Naisip niya 'yon samantala ako puro nalang problema ang dala sa kanya. Napaka-sama kong tao. Wala akong kwenta.. Pabaya akong tao..

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon