Tipid akong ngumiti sa kanila. "All of you don't understand everything.. Mali lahat ang iniisip niyo tungkol sa kanila, hindi sila ganon. Nung araw na lokohin at iniwan niyo ako, sila ang nandito sa tabi ko para tulungan ako. Pati nung araw na nag-post ka na wala naman katotohanan at pinaniwalaan naman ng lahat ng tao, sila ang nando'n para ipagtanggol at protektahan ako. They were so kind to me kahit na pinili ko kayong makasama ng ilang taon at hindi sila. Tinanggap pa rin nila ako at pinatawad. At kahit kailan, hindi nila ako nagawang lokohin tulad ng ginawa niyo sa 'kin no'n. Those two.. They are my real friends and hindi sila tulad niyo. Hindi sila plastic.. Hindi sila plastic tulad niyo!" Sabi ko ng may pag-diin ng boses. Tulala silang naka-tingin sa 'kin at ang mga mukha nila ay gulat na gulat. Hindi sila makapaniwala na nasabi ko sa kanila 'yon ng harap-harapan.
"How dare you!" Sigaw sa 'kin ni Kaesha at mas lalo pa niyang diniinan ang pag-hawak niya sa balikat ko. Hindi ko siya hinayaan na saktan pa ako kaya hinawakan ko ang braso niya at tinulak siya palayo. Sa sobrang lakas ng pag-tulak ko sa kanya ay natumba siya pero agad naman siyang nasalo nila Charlotte. Dahan-dahan naman akong tumayo at sinamaan sila ng tingin.
"Bwiset ka!" Inis na sabi sa 'kin ni Kaesha. Agad naman siyang sumugod sa 'kin at bibigyan sana ako ng malakas na sampal, pero agad na sumulpot sa harapan niya si Allison at pinigilan siya.
"A-Allison?" Banggit ko sa pangalan niya na hindi makapaniwala na nandito siya.
Kanina pa ba siya nandito?
"Sara!" Napa-lingon ako sa pintuan ng CR at nakita ko sina Yasmin at Amelia. Lumapit sila sa 'kin at hinarap nila sila Kaesha.
"What the --- Are you fucking kidding me?!" Kabadong sabi ni Charlotte.
"Bwiset ka Sara! Sinabihan mo pala sila bago ka pumunta dito! You are an asshole!"
"Nope! She's not an asshole dahil ikaw 'yon. You asshole na mukhang aso." Mataray na tugon ni Amelia.
"Nagkakamali ka Kaesha. Ako ang tumawag sa kanilang dalawa dahil alam kong may gagawin ka na naman na hindi maganda kay Sara. Parehas kayong wala ni Sara sa classroom at ng iba mo pang kasama na mga bruha. Kaya alam kong may balak na naman kayong gawin sa kanya kaya tinawag ko sina Allison at Amelia." Paliwanag ni Yasmin. Kaya pala tumingin na muna siya kanina sa classroom, 'yon pala inaalam niya kung nando'n ba sa loob sila Kaesha.
"Kaesha ano na?"
"Mas mabuting umalis na tayo."
"Tara na!"
"N-No.. I-I can't believe.."
"Oh bakit Kaesha? Bakit parang natatakot ka? Hindi ka rin maka-tingin ng diretso sa mga mata ko?" Sabi ni Allison habang humahakbang siya palapit kay Kaesha. Hindi ko alam kung bakit hindi sila maka-tingin sa mata ni Allison. Sa tingin ko kinakabahan sila sa gagawin ni Allison sa kanila. Ang totoo niyan, isa si Allison sa kinatatakutan ng mga estudyante dito. Kaya pati ata sila Kaesha ay hindi makalaban kay Allison dahil natatakot sila.
"T-Teka! Bulag ba kayo ni A-Amelia? Ginagamit lang niya kayo!"
"Talaga lang ha? Eh ikaw nga sinabihan mo kami ng plastic ni Allison"
Alam nila 'yon? So it means, kanina pa talaga sila nandito?
"W-What?! N-No! I didn't say that!"
"Really Kaesha? Napaka-sinungaling mo talaga kahit kailan. Rinig na rinig namin tatlo kanina! Hindi kami bingi!" Sabi ni Yasmin.
"Do you think you can fool me? Hindi Kaesha! Alam mo Kaesha, sobra akong naiirita kapag nakikita ko yang pagmumukha mo na ubod ng kapangitan." Mataray na sabi ni Allison habang pinapalaguktok ang kanyang mga daliri.
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Teen FictionAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...