Chapter 21 "My adviser's Province"

271 13 2
                                    

Umuwi agad ako sa bahay pagtapos ng klase namin. Hinanap ko si mama para mag-paalam sa kanya. Kailangan kong sumama dahil pumayag ako sa gusto ni Yasmin. Hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag.

"Mom?" tawag ko sa kanya nang makita ko siya sa kusina na naghahalungkat ng pagkain sa refrigerator.

"Oh anak! Naka-uwi ka na pala.. Teka.. Naamoy mo ba 'yon? Ang baho.." sabi niya. Hindi pa rin ako nakakaligo hanggang ngayon kaya nangangamoy pa rin ang buhok ko.

"A-Ano kasi ma, katatapon ko lang ng kanin baboy sa labas.."

"Ganon ba? Hay nako! Binuksan mo na naman 'yon bago mo itapon noh? Ikaw talaga!"

"Pasensya na ma.." sabi ko. I don't want to lie but I can't tell the truth. I don't want anyone to worry about me. Specially my mom..

"Ma may pupuntahan pala ako bukas" sabi ko at sabay na inabot sa kanya ang papel. "Ano na naman 'to?" kinuha niya na muna ang salamin niya bago niya basahin ang mga naka-sulat sa papel.

"Sinasama kami ng adviser namin sa probinsya niya. At para na rin daw makapag-pahinga ang utak namin do'n. Maganda daw do'n sa probinsya nila.."

"Ganon ba? Oh sige papayagan kita. Tutal mukha ka naman na pagod sa school niyo.."

"Salamat mom!" naka-ngisi kong sabi. Buti nalang pinayagan niya ako.

Ibinigay ko sa kanya ang ballpen ko at pinapirma siya sa papel. Pagtapos niyang pirmahan ang papel, bumalik na siya sa ginagawa niya kanina.

"Mom may pera ka po ba diyan? Kailangan ko daw po kasi mag-dala ng extra money.."

"Nako anak walang-wala ako ngayon. Ito nga eh, naghahanap ako ng makakain natin ngayon pero wala akong mahanap. O'sya puntahan ko muna yung kumare ko" sabi niya bago siya umalis. Alam ko ang dahilan kung bakit siya pupunta sa kumare niya. Malamang, manghihiram 'yon ng pera sa kanya.

Umakyat na ako sa taas at pumunta sa kwarto ko. Naligo na muna ako at naka-ilang gamit ako ng shampoo para lang mawala ang amoy ng itlog sa buhok ko. Pagtapos kong maligo, umupo na ako sa kama at nagpahinga.

"Sana walang masamang mangyari sa 'kin do'n.." pahayag ko habang naka-pikit ang aking mga mata.

〰▪⚜▪☪▪⚜▪〰
⚜〰▪☪▪〰⚜

Habang naglalakad ako papuntang gate ng school, hindi ko mapigilan na isipin sila Kaesha. Paano kung sumama sila? Paano kung may gawin na naman sila sa akin do'n?

"Sara!" sigaw ni Yasmin sa 'kin nang makita niya ako. "Akala ko talaga hindi ka sasama eh! Tara na sa bus bago pa tayo mawalan ng upuan". May sasakyan kaming bus? Taray naman ng adviser namin. Tama nga ang sabi nila, ang adviser namin ang pinaka-mayaman sa lahat ng teachers sa school namin.

Pagpasok namin ni Yasmin sa bus, naka-salubong namin ang adviser namin.

"Buti nalang sumama kayong dalawa. Akin na yung papel niyo.."

Kinuha ko sa bag ang papel at ibinigay ko 'to sa kanya. Nag-hanap na kami ni Yasmin na pwedeng ma-upuan. Tigtatatlo ang upuan dito kaya may isa pa kaming pwedeng maka-tabi.

Hindi na ako nabigla pa ng makita ko dito sila Kaesha. Nasa pinaka-likod sila at solong-solo nila ang mahabang upuan sa likod.

"Dito tayo.." sabi ni Kaesha. Malayo naman ang inuupuan namin ni Yasmin kila Kaesha kaya makakahinga ako ng maayos. Umupo si Yasmin sa gilid at uupo palang sana ako sa gitna nang makita ko si Shaun na naka-upo sa upuan namin. Nasa tabi siya ng bintana at naka-pikit ang kanyang mata habang nakikinig ng music sa earphone.

My Door of HappinessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon