A/N : Sorry kung natagalan ako sa pag-update. Naging busy kasi ako, pasensya na. BTW, kung may mga hindi po kayo naiinitindihan comment lang po kayo at mag-rereply po ako. Enjoy reading~~
⚜⚜⚜☪⚜⚜⚜
"Ang sasama naman nila!" Inis na sabi ni Allison. Nandito kami ngayon sa kwarto ni Amelia at kinuwento ko sa kanila ang lahat na nangyari kahapon. Nagalit naman sila kila Kaesha at parang gusto nilang sugudin sila pero pinigilan ko silang dalawa. Ayoko na madagdagan pa ang problema ko.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit nagawa sa akin ni Kaesha ang bagay na 'yon. Wala naman akong nagawa na masama sa kanya. Oo kahapon may nasabi ako sa kanya na masakit pero 'yon naman talaga kasi ang totoo. Ang bait-bait ko sa kanila, tinitiis ko pa ang mga ugali nila dahil kaibigan ko sila kahit na alam kong pinepeke lang nila ako.
"Alam mo dapat ang mga ginagawa diyan, dapat diyan mga pinapaalis sa Pilipinas. Mga cancer sa lipunan 'yang mga 'yan!" Inis na sabi naman ni Amelia. Imbes na ako ang magalit kila Kaesha, sila pa mismong dalawa ang nagagalit. Nagsisisi na ako sa lahat ng ginawa ko sa kanilang dalawa. Lagi akong sumasama kila Kaesha at hindi sa kanila. Tapos 'to ako ngayon, ako pa mismo ang pinagmukhang masama nila Kaesha. At 'to naman ang dalawa kong kaibigan na lagi kong iniiwan, sila pa mismo ang nandito para sa 'kin. Ang tanga-tanga ko.. Nasa huli talaga ang pagsisisi.
"Paano kaya kung isumbong natin sa Principal?"
"Duh! Amelia, kahit na isumbong pa natin 'yon wala sila magagawa. Kalat na yung fake news at 'yon na ang paniniwalaan nila. We don't have a choice.."
"Aw.. How sad.."
Nag-iisip kaming tatlo kung paano malalagpasan ang pekeng isyung 'to.
Naisip ni Allison na mag-post sa Facebook at Twitter na hindi daw totoo ang pinost ni Kaesha, pero na bash lang siya. Wala na ba talaga kaming pwedeng gawin? Wala bang tutulong sa amin na mapaniwala lahat ng tao na fake news ang post ni Kaesha? Masisira na ba ang pagkatao ko? Wala na bang pag-asa?
Wala na kaming naisip na paraan kaya naisip ko nalang na umuwi. Sana wala pang alam si mom tungkol dito, ayokong malaman niya 'yon.
Lumabas na kami sa bahay ni Amelia at ihahatid daw nila ako pauwi kahit na ayoko. Tahimik lang kaming naglalakad at hindi kami maiwasan na tingnan ng mga tao na nadadaanan namin.
"Oh my gosh, look at her friends. Parang wala pa silang alam tungkol sa babaeng 'yon, or alam na nila pero nagtitiis nalang sila?"
"Hahaha mga plastic naman pala"
"Eww.. Yuck!"
Napatigil ako sa paglalakad at pinipigilan na maluha.
"Hoy kayong mga pusit na kayo, nakikiusap ako sa inyo.. Pwede bang bumalik na kayo sa dagat?" sabi ni Allison.
"Oo nga! Gusto niyo bang palamunin ko pa kayo ng nga buhangin dito! Ano gusto niyo?!" matapang na sabi ni Amelia. Kumuha nga ng buhangin si Amelia at balak na ibato sana sa tatlong babae na kanina pa na sunod ng sunod sa amin pero pinigilan siya ni Allison.
"Duh! Tara na nga girls, masisira pa beauty ko dito. Mga baliw!" sabi ng isang babae at hinila na ang mga kaibigan niya palayo sa amin.
"Aba't! Hoy ang kapal ng mukha mo! Anong beauty?! Wala kang beauty! Kung sa beauty and the beast, ako ang beauty ikaw ang beast hangal! Ang taas ng pangarap mo!" Gigil na gigil na sabi Amelia sa kanila. Binato niya na ang buhangin sa kalsada at pinagpag ang kamay niya.
"Kapag nakita ko pa ulit yung mga 'yon.. Jusko! Mapapatay ko na sila.. Gigil nila dibdib ko!" sabi ni Allison habang inaayos ang kanyang damit.
Bakit ba kasi nangyayari 'to sa akin? Wala naman akong ginagawang mali ah!
Napansin ko ang jacket ni Amelia at sakto may hood 'to. Pwede ko 'tong gamitin para magtago sa mga tao. "Amelia, pwede bang mahiram muna yung jacket mo?"
"What? No way! Bruh alam ko ang gagawin mo, itatago mo yang pagmumukha mo para hindi ka pag-usapan ng mga tao"
"Sara alam namin na nasasaktan ka pero hindi ka pwedeng mag-tago. Parang sinasabi mo na totoo ang lahat ng 'yon kaya ka nagtatago. Hayaan mo silang pag-usapan ka. Basta alam natin sa sarili natin kung ano ang totoo", pagtatanggol sa akin ni Allison. Tama siya, hindi dapat ako nagtatago. Hahayaan ko nalang sila na pag-usapan ako. Pero sana naman ako lang, huwag na nilang idamay pa ang mga kaibigan ko. Ayokong madamay sila sa gulong 'to. Dahil lang diyan sa fake news na 'yan, nagkaletche-letche na ang buhay ko.
"Sara!"
Napalingon kami sa likod ng may narinig kaming lalaking tumawag sa pangalan ko. Walang iba kundi si Lulu.
"Lulu.."
"Antena, ano 'tong nabalitaan ko? Mayroon ka daw na ginawang masama?"
Sasagot palang sana ako ng biglang sinuntok ni Allison ang tiyan ni Lulu. Inapakan naman ni Amelia ang paa nito. Halos mapa sigaw nalang si Lulu sa sobrang sakit na ginawa sa kanya nila Allison. Hindi naman siya nasaktan sa ginawa ni Amelia dahil naka sapatos siya.
"Ahh.. Bakit niyo ginawa 'yon?"
"Tatanong ka pa eh! Bakit ba kayo naniniwala sa fake news na 'yon?"
"H-Huh? Fake news pala 'yon?"
"Like duh! Kung kilala mo si Sara hindi ka maniniwala sa balitang 'yon" Sabi ni Allison at balak pa sanang batukan si Lulu pero pinigilan ko siya. "Tama na Allison.."
"May sinabi ba akong naniniwala ako sa balitang 'yon? Im just asking! --- By the way, are you ok?" Tanong niya sa akin at tumango nalang ako kahit hindi naman. Ayokong mag-alala pa siya..
"Don't worry, kakaonte palang naman ang nakakaalam sa fake news na 'yon. Uhmm.. Sabi nila mga estudyante palang daw ng mga public school ang nakakaalam do'n"
"Luther alam mo masasapak na kita. Anong tingin mo sa mga estudyante ng mga public school? Mga bente ganon? *sigh* "
"Ang ibig kong sabihin hindi pa siya gaano kalat kaya hangga't maari pwede nating pigilan ang pagkalat non", sabi ni Lulu. Natuwa naman sila Allison at Amelia sa sinabi niya pero ako hindi. Kilala ko si Kaesha, kapag ang post niya ay hindi na viral, gagawa at gagawa siya ng paraan para mag-viral ulit 'yon.
"Hindi yon gagana, kakalat pa rin 'yon", sabi ko at lumakad na palayo sa kanila. Gusto kong umuwi na mag-isa pero parang hindi sila papayag na ganon. Sumunod pa rin sila sa akin. Kung mayroon lang sana akong kakilala na famous edi sana..
Si Kairos...
Pero hindi naman pwede 'yon at saka kahapon lang kami nagkakilala. Nakakahiya rin naman kung hihingi ako ng tulong sa kanya, diba? At... Natatakot rin ako, baka alam niya na rin ang tungkol sa fake news na 'to.. "Hahaha kawawa naman siya.."
"Tingnan mo yung mga kasamahan niya, parang nagtitiis nalang na makasama siya.."
"Masama siya diba? Paano siya nagkaroon ng mga kaibigan na ganyan? Yung dalawa maganda at mukhang matalino. At saka yung isa, omg! Kilala ko siya, siya si Luther Winston. Yung sikat na sikat sa mga private school!"
"Bakit naman kaya siya kasama ng babaeng 'yon? Gusto niya rin bang masira ang image niya?"
Usap-usapan ng tatlong babae na nadaanan namin. Hindi ko mapigilan na maluha at matakot. Bakit pati mga kaibigan ko ay dinadamay nila?
Ayoko na.. Parang ayoko ng mabuhay pa.. Gusto ko lang naman ng tahimik na buhay eh. Bakit gan'to?
May naramdaman akong kamay sa ulo ko. Pinatong sa akin ni Lulu ang jacket niya sa likod ko at tinakpan ang ulo ko gamit ang hood. Nakapatong naman ang kanyang kamay sa ulo ko.
"Don't mind them", sabi niya na mas lalo ko naman na ikinaiyak. Hindi ko mapigilan na maluha habang naglalakad kami pauwi sa bahay.
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Teen FictionAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...