Tinitingnan ko lang si Shaun. Nilapag niya sa tabi ng mama niya ang basket na puno ng iba't ibang kulay ng mga rosas, at ang basket naman na puno ng iba't ibang klase ng prutas naman ay nilapag niya sa lamesa.
Naglakas loob ako na lumapit sa mama niya at kumuha ng isang upuan. Tumabi ako sa mama niya, samantala si Shaun ay naka tayo lang sa gilid at naka sandal sa pader. Naka pikit ang kanyang mata at ang kanyang dalawang kamay ay nasa loob ng bulsa ng pantalon. Ayaw niya siguro makita ang sitwasyon ng mama niya...
Tiningnan ko ang mukha ng mama ni Shaun. Makinis at maputi ang balat, straight ang buhok at maganda.
"Ilan taon na siya?"
"43.."
"H-Huh? Mukhang hindi naman, mukha nga siyang 20 eh.."
So 43 years old na pala ang mama ni Shaun, pero parang hindi naman. Mas mukha pa ngang bata yung mukha niya kaysa sa 'kin. Ang ganda kasi.. Nakakainggit..
Siguro nag-mana sa kanya si Shaun..
"Kumusta po kayo?" tanong ko sa mama niya kahit na alam kong hindi niya ako naririnig.
"Ako po si Sara, kaibigan po ni Shaun.."
"Kaibigan?" bulong ni Shaun kahit na rinig na rinig ko sa likod ko.
"Alam niyo po ba, napaka bait at napaka talino po ng anak ninyo. Siguro po sa inyo po siya nagmana.." sabi ko.
"Pero kahit kailan po, hindi ko po siyang nakitang ngumingiti..." patuloy kong sabi.
"Hindi ko po alam kung bakit siya ganyan, pero isa lang po ang gusto ko. Ang ibalik siya sa dati, gusto ko po siyang tulungan.. At matutulungan niyo rin po ako kapag sa oras na bumangon na kayo diyan. Gumising na po kayo, almost 3 years na po kayong hinihintay ni Shaun. Huwag po kayong mag-alala, ako na muna po ang bahala sa anak ninyo", sabi ko ng naka-ngisi.
Lumingon ako kay Shaun at napabuntong-hininga siya at saka minulat ang mata at tumingin sa 'kin.
〰▪⚜▪☪▪⚜▪〰
⚜〰▪☪▪〰⚜Nagtagal kami ng kalahating oras sa pagbabantay ng mama ni Shaun bago kami lumabas ng kwarto. Hinayaan nalang namin ni Shaun do'n ang mga bulaklak at prutas.
Lumabas na kami ng ospital at habang naglalakad kami, wala na naman umiimik sa aming dalawa.
Pero...
"Kaibigan?" Narinig kong bulong ni Shaun na ngayon ay huminto na sa paglalakad.
"Bakit? Anong mayroon?"
"Anong kaibigan ang sinasabi mo kanina? At bakit mo ako tutulungan?" anong ibig niyang sabihin?
"Bakit? Hindi pa ba kaibigan ang tawag mo dito? At saka gusto kitang tulungan, gusto kong ibalik yung dating masiyahin na si Shaun! Yung katulad na nakita ko sa class picture niyo dati noong grade 6, ang ngiti mo do'n.."
"Hindi ko kailangan ng tulong mo, at isa pa hindi mo magagawa 'yon. Puwede tayong maging kaibigan, pero yung tulungan mo ako, 'yon ang hindi ko tatanggapin.." seryoso niyang sabi.
Puwede kaming maging kaibigan, pero bakit parang ayaw niya naman.. At bakit ayaw niyang magbago siya? Wala na ba talagang pag-asa upang ibalik siya sa dati? At sino ba yung mga nakita kong mga kaibigan niya sa higher section. Bakit niya nagawang ngumiti do'n sa dalawang 'yon? Pagdating naman sa 'kin at sa mama niya, ang seryoso niya.
Lumakad siya paalis at parang galit siya sa 'kin.
"Masama bang tulungan ka?" tanong ko sa kanya at huminto naman siya sa paglalakad.
"Nasanay akong walang tumutulong sa 'kin, 'yon nalang ang isipin mo.."
Bakit ba siya ganon? Nasaktan ba talaga siya ng sobra sa ginawa ng papa niya sa kanya?
"Hatid na kita pauwi, tara na.."
Inayos ko na muna ang sarili ko bago ako sumunod sa kanya.
Lumabas na kami ng ospital. Walang umiimik sa aming dalawa habang naglalakad kami. Nasa likuran niya ako at sinusundan ko lang siya.
Maya-maya, biglang bumilis ang tibok ng puso ko at nakaramdam ako ng malamig na hangin na dumaan sa 'kin. Tumingin-tingin ako sa paligid at napansin ko isang puno sa gilid ko. Pamilyar sa 'kin ang punong 'yon. Iyon ang puno kung saan kami laging nagkikita ni Nosh. Hindi ko akalain na hanggang ngayon ay nando'n pa rin ang punong 'yon. Maayos at maganda pa rin itong tingnan. Dati medyo maliit pa yan, at ngayon sobrang laki na.
Dire-diretso lang sa paglalakad si Shaun samantala ako ay tumigil sa harapan ng puno.
"Ano bang ginagawa mo diyan?", pagtatakang tanong ni Shaun na ngayon ay nasa likuran ko na. "Anong mayroon sa punong 'yan? Bakit ka nakatulala?"
"May naalala lang akong isang tao dahil sa punong 'to. Noong bata kasi ako, may nakilala akong lalaki at ang pangalan niya ay Nosh. Dito kami nagkakilala ni Nosh. Nasemplang kasi ako no'n sa bike ko, hinahabol ko kasi ang sasakyan ng kababata ko na aalis na sa lugar namin. Tinulungan niya ako at hanggang sa naging mag-kaibigan kami", pagsisimula ko ng kwento.
"Simula nung maging magkaibigan kami, lagi na kaming nag-uusap. Malayo ang bahay namin sa isa't-isa kaya nagkikita nalang kami dito malapit sa puno kung saan kami unang nagkakilala. May takdang oras kami kung anong oras at kailan kami magkikita", pagpapatuloy kong kwento.
"Noong grade 4 na ako, sinali ako ng adviser ko sa sports na volleyball at hanggang sa ako ang napiling captain ball. Magkasabay ang araw na pagkikita namin ni Nosh at ang laban namin. Habang naglalaro ako, parang sinasabi ng isipan ko na iiwan na daw ako ni Nosh. Natakot ako kaya umalis ako sa laban at dali-daling pumunta sa puno kung saan kami nagkakilala noon ni Nosh. Nagtanong ako kung anong oras na sa taong dumaan sa harapan ko no'n at tama lang ang pagdating ko. Iyon ang oras kung anong time na kami magkikita. Hinintay ko siya ng ilang oras pero hindi siya dumating. May napansin akong panyo dito sa tapat ng puno at pinulot ko 'yon, kay Nosh ang bagay na 'yon. Iyon ang panyo na ginamit niya sa sugat ko noong na-semplang ako sa bike. Nakatupi 'yon at parang may naka ipit na papel, kinuha ko 'yon at binasa. Ang naka-sulat sa papel na 'yon, ang panyo nalang daw ang puwede niyang iwan sa 'kin at sabi pa niya, ibigay ko nalang daw 'yon sa taong gusto kong tulungan. Wala siyang sinulat do'n kung bakit niya ako iniwan o saan siya nag-punta. Pag-uwi ko sa bahay dala-dala ang panyo, naabutan ko si mama na umiiyak. Iyon pala, iniwan na kami ni papa. Nabalitaan ko na rin na natalo kami sa volleyball. Sising-sisi ako no'n dahil kung hindi ako sumali ng volleyball, edi sana naabutan ko pa no'n si Nosh at nakapag-usap pa kami no'n bago niya pa ako iwan", patuloy kong kuwento.
"Nakakainis sila, bakit sabay nila akong iniwan sa araw na 'yon? Hindi man lang nila ako naisip kung ano ang mararamdaman ko. Iniwan nila akong dalawa na walang pasabing paalam. Ginawa ko ang lahat para kalimutan ang araw na 'yon, pero hindi ko magawa. Sinusubukan ko nalang na maging masaya para sa mga kaibigan at sa mama ko. Kaya kapag ngumingiti ako sa harap ng mga tao, nasasaktan ako", pagkukuwento ko sa kanya. Alam kong malalagpasan ko rin 'yon. Matatapos din 'to. Sabi nga nila, lahat ng problema ay may solusyon.
"Kaya Shaun huwag mo sanang isipin na sayo lang nangyari 'yon. Marami ring tao ang tulad mo.." sabi ko sa kanya pero binalewala niya lang ako. Akala ko naman epekto ang sasabihin kong 'yon, hindi naman pala. Ano kaya ang puwedeng gawin sa kanya?
"An.."
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Novela JuvenilAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...