Dahan-dahan akong lumingon sa likod at nakita ko siyang naka-harap sa akin. His face is still very serious until now.
"U-Uhm.. Hi Shaun? Hehehe.."
"Bakit mo ako sinusundan?" seryoso niyang tanong.
"H-Huh? Hindi kita sinusundan noh! Actually may bibisitahin din ako dito", pagsisinungaling ko. "Bye!" Lalakad palang sana ako ng hilain niya ang aking damit. "At saan ka pupunta?" Buwiset naman oh!
"Saan pa ba edi sa room 104!"
"Ah ganon.."
"T-Teka! Anong ginagawa mo?!"
Hinila niya ang aking damit papunta sa room 104. Bigla akong naka-dama ng kaba ng kinatok ni Shaun ang pinto. Shit! Shit! Shit! Seryoso ba talaga siya? Hindi 'to pwede! Ayokong mabuking!
Maya maya biglang nagbukas ang pinto at may lumabas na matandang lalaki. Alam kong gulong-gulo ang isipan nito. Argh!
"Anong kailangan niyo?"
"Lolo!" sigaw ko. Nagulat naman sa 'akin ang matanda at kita kong kumunot ang kanyang noo. "Anong sabi mo?"
"Lolo.. Lolo kita 'diba? Lolo naman eh, huwag mo naman akong ipag-taboy.. Hehehe." pahayag ko habang kinakamot ko ang ulo ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Sana sumabay nalang sa trip ko 'tong si lolo.. Argh! Kapag ako na-buking, siguradong patay ako nito..
"H-Hindi kita kilala.."
"H-Huh? Lolo naman ehh, ako 'to! Si Sara, Sahara! Hindi mo ako maalala?"
"Wala akong apo na ganyang ka-pangit ang pangalan." A-Ano?! P-Pangit! Pangit ang pangalan ko?! Seriously?!
"Pasensya na po sa inyo.. Namali lang po kami ng room.. Pasensya na po sa istorbo." seryosong sabi ni Shaun. Sinara na ng matanda ang pinto habang ako naman ay litong-lito kung ano ang gagawin. Hawak-hawak pa rin ni Shaun ang damit ko hanggang ngayon. Pero maya maya rin naman ay binitawan niya na 'to at bigla siyang lumakad paalis.
Tumigil rin naman siya saglit at nilingon din ako. "Bakit mo ba kasi ako sinusundan?"
"A-Ano kasi.. Curious lang ako sa'yo.. Iyon lang.."
"Iyon lang huh." He stare at me with a serious face again and I feel nervous. Palapit siya ng palapit sa 'akin hanggang sa sumandal na ako sa pader. Malapit ang mukha namin sa isa't isa kaya hindi ako maka hinga ng maayos.
"Don't follow me", pahayag niya. Maya-maya ay lumayo na rin siya kaya naka hinga na rin ako ng maayos. Sasabihin lang naman 'yon kailangan pang gawin 'yon? At saka bakit ba siya gan'to?
Aalis palang sana siya pero tumigil din naman siya ng mag-salita ako.
"Masama ba?"
Hinihintay ko siyang lumingon sa 'akin pero hindi nangyari. "Masama bang alamin kung ano ang dahilan kung bakit hindi mo magawang ngumiti at tumawa man lang?"
Maya maya ay lumingon na siya sa akin at hinihintay ang susunod kong sasabihin. "Gusto ko lang naman malaman kung ano ang nangyayari sa'yo.. Nakita ko ang class picture niyo noong grade 6, naka ngiti ka do'n. Pagdating ng grade 7 hanggang grade 9, napaka seryoso ng mukha mo. --- Gusto pa kitang makilala at lalong... Gusto kong tulungan ka"
Maya-maya, walang umimik sa aming dalawa at nagtitigan lang kami sa isa't isa. "Sumunod ka.."
"Huh?"
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Teen FictionAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...