"Sara! Bilisan mo at malelate ka na naman!" sigaw ni mama sa baba. Nasa kwarto ako ngayon at inaayos ang aking sarili.
"In a minute!"
Kinuha ko ang sapatos ko sa baba ng kama at dali-dali itong sinuot.
"Sara?!"
"Ito na po!" sigaw ko at sabay na kinuha ang bag sa lamesa at lumabas na ng kwarto. Dumiretso ako sa sala para kunin nalang ang baon ko kay mama pero..
"Dad?"
"Ange.." tawag niya sa i-binigay niya sa 'kin na pangalan.
"Mom anong ginagawa niya dito?"
"Sara, nandito siya para humingi ng tawad sa lahat ng ginawa niya sa atin." Natulala ako sa sinabi ni mama sa 'kin. Totoo ba? Nagsisisi na ba si papa sa ginawa niya sa amin?
"Ange.. I mean, Sahara.. Patawarin niyo sana ako. Hanggang ngayon kinakain pa rin ako ng konsensiya sa lahat ng ginawa ko sa inyo. I'm sorry.. 'Di ko gusto na iwan ko kayong dalawa ng mom mo. Nagawa ko lang 'yon para sa ikabubuti ninyo. Hindi ko kayo iniwan dahil may iba na ako, iniwan ko kayo para maghanap ng magandang trabaho sa ibang bansa at mabigyan kayo ng magandang buhay. Lalaki ako kaya hindi ko rin maiwasan na magkagusto sa iba. Nagkaroon ako ng ibang ka-relasyon pero hindi ibig sabihin non nakalimutan ko na kayo. Sa tuwing magkasama kaming dalawa at ng kanyang anak, naaalala ko kayong dalawa. Hindi ko natiis na hindi kayo kasama kaya gumawa ako ng paraan para magkaayos tayo ulit. Nakipaghiwalay na ako sa kanya at naintindihan niya naman ako. Kaya sana mapatawad niyo ako sa ginawa ko. I'm really sorry.." pagpapaliwanag niya. Naluluha siya habang nagpapaliwanag siya sa amin. Ngayon, naintindihan ko na kung ano ang dahilan ng biglaang pag-iwan sa amin ni dad noon.
Nagulat kaming dalawa ni mama ng bigla siyang lumuhod sa harapan naming dalawa.
"Could you please forgive me for what I've done?"
Tumingin sa 'kin si mom at parang hinihintay niya na magsalita ako. Im speechless... Oo, hindi ako makapagsalita. Marami akong gustong sabihin kay dad pero niisa walang lumalabas sa bibig ko. Gusto ko siyang sigawan at suntukin hanggang sa maawa ako. Pero hindi ko kaya..
Lumuhod din si mama at hinarap si papa. "Na kay Sara ang desisyon ko kung papatawarin ka ba namin o hindi" sabi ni mama na ikinagulat ko naman. Parehas nilang hinihintay ang sagot ko.
"I forgive you, dad... Pero.. Hindi ibig sabihin non magtitiwala na agad kami ni mom sa 'yo. Gawin mo ang best mo dad para maibalik namin sa 'yo ang pagtitiwala at ang pagmamahal. Ok?"
"Ok I promise, Ange" pahayag niya.
Tumayo na si mama at tinulungan niya naman si papa na tumayo. Ako na ang nagsimula na yakapin silang dalawa at nagsitawanan kami na parang maayos na ulit kaming pamilya.
Naalala ko na malelate na pala ako sa school kaya inayos ko ulit ang sarili ko.
"Kailangan ko na pong pumasok. Bye mom! Bye dad!" pagpapaalam ko sa kanilang dalawa bago ako umalis ng bahay.
"Mag-iingat ka!" sabi ni mama sa 'kin. Nilingon ko silang dalawa bago ako lumisan. Nakita ko pa silang magkayakap at naka-tingin sa isa't-isa habang naka-ngiti.
Nagmadali na akong lumakad hanggang sa...
"Kaesha?" banggit ko sa pangalan niya nang makita ko siya na nag-aabang sa tapat ng green house.
Ang pangyayaring ito.. Parang.. Nangyari na noong una palang..
"Sara, sabay na tayo.." pahayag niya at nahalata kong nahihiya pa siyang kausapin ako.
"Sige ba!" sabi ko naman sa kanya.
Matagal na kaming nag-kaayos ni Kaesha. Maayos na rin kami nila Charlotte. Pinagsisihan nilang apat ang lahat ng ginawa nila sa 'kin.
BINABASA MO ANG
My Door of Happiness
Fiksi RemajaAthena Sahara Mihaela, a beautiful woman who doesn't know how to improve herself. She grew up well with her only mother, she has no siblings. She knew herself that she was a coward. She doesn't want her friends and her mother to be worried about her...